MARIA GRACE’S POV
“Use this room!”
Napaatras ako ng bahagya ng humarap ang lalaki ng sabihin yun.Seryoso ito at walang kangiti-ngiti sa labi kaya kinakabahan na tumango ako.
“S-Salamat,”
Nabulol ko pa sagot dito na umingos lang at walang salitang iniwan kami sa tapat ng pintuan na nakasarado.Sinundan ko na lang ito ng tingin na pumasok sa kabilang kwarto na katapat lang ng kinatatayuan ko.Saka lang ako kumilos ng sumarado na ang pintuan.
“Ganun ba talaga siya kasungit at kaseryoso palagi?Hayyyy…”
Bulong na tanong ko sa sarili sabay buntong hininga.Mabilis na binuksan ko agad ang pinto at pumasok sa loob baka kasi maabutan pa ako ni kuya Hermes dun magalit pa ito at mangbuga pa ng apoy ang dragon!Mukha pa naman itong bad trip talaga.
Maingat na ibinaba ko sa may kamang malapad ang pamangkin na tulog.Napahugot ako ng paghinga ng malalim bago naupo sa tabi ni Rap-rap.Banayad na hinaplos ko ang mukha ng pamangkin.Ang payapa at inosente ng pagkakatulog nito.Nakaramdam na naman ako ng pamamasa ng magkabilang mata ko ng maisip ang sinapit nilang mag-tita ngayon gabi.Paano na sila ngayon nito?Saan na sila tutuloy at pupulutin?Kukupkupin na ba sila ng ama ni Rap-rap at patitirahin dito o baka naman bukas na bukas rin ay palayasin na agad-agad sila?Saan na sila pupulutin nito at pupunta?Sa kangkungan?Sa kalsada?
“Ate naririnig at nakikita mo ba kami? Patawad ate kung sumugal ako dito sa syudad para hanapin ang ama ng pamangkin ko.Miss na miss na kita ate ko at minsan naiisip ko na bakit mo ako—kami nilisan agad.Bakit mo kami iniwan ng maaga.Bakit mo iniwan sa akin si utoy?Bakit kailangan maranasan ko itong mag-isa?Ito na lang ba ang purpose ng buhay ko? Bakit?Sana makaya ko pa—namin ni Raphael na malampasan ang anumang ibabato sa amin na hindi maganda.Tulungan mo po ako ate ko na makayanan ang mga pagsubok na darating sa akin—sa amin ng anak mo.I love you ate ko,”
Bulong ko salita sa hangin sa kawalan kasabay ang pagpatak ng luha ko.Muli kong sinulyapan ang pamangkin kaya lalo akong naiyak.Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa tahimik na pag-iyak bago huminto ng maramdaman ang hapdi sa mata. Humugot ng malalim na paghinga bago tumayo at kinalkal ang gamit para kumuha ng pamalit na damit.
Isang malaking lumang t-shirt at short na hanggang hita ko ang sinuot matapos maglinis ng katawan.Hindi na rin ako nag-abala pa na magsuot ng panloob dahil matutulog na lang naman.Binihisan at pinunasan ko rin ang pamangkin at ng matapos ay tumabi na dito at pagkalapat na pagkalapat ng likod sa higaan na malambot ay agad akong hinayon ng antok at kadiliman.Pagod na pagod ang katawan at isipan ko!
Nasa kasarapan ako ng aking pagtulog ng may maramdamang yumuyugyog sa aking balikat.Hindi ko yun pinansin dahil antok na antok pa ako at saka isa pa ang bigat-bigat pa ng talukap ng mga mata ko.
“Damn it!Hey, wake up!Oh s**t!”
Nayayamot na bulalas ni Hermes ng hindi man lang nagmulat ng mata ang babae ng yugyugin ang balikat nito.Umagang-umaga nabulahaw sa istorbo ang tulog niya dahil sa pag-iyak ng bata kaya naman naiinis na pinuntahan sa kwarto ang babae at yung bata kaso ang nadatnan niya ay ang mahimbing na natutulog na babae habang sa paanan nito ay ang umiiyak na bata.Kalat sa buong mukha nito ang luha at may kayat pa na malinaw na sipon sa may ilong.
“Uhmmm….Mmmm”
“This is bullshit.Tang*na talaga!”mahinang mura ko ng hindi pa rin magising ang babae.Umiyak na naman ang bata kaya napamura ako sa isip ko.
“Da…Da…Da…Da…Da”
Bulalas ng bata sabay taas ng kamay nito sa akin.Nilapitan niya ito at binuhat para lamang muling mapamura ng malutong.
“Putang*na!”saad ni Hermes ng may maamoy na kung ano matapos buhatin ang bata.
“Rap-Rap!”
Napabalikwas ng bangon si Maria ng marinig ang malakas na boses.Kinapa sa tabi ang pamangkin at ng walang makapa ay tuluyan na akong napadilat at agad hinanap ng mata ang bata.Natigilan rin ako ng makita kung nasaan o kung nakanino ang hinahanap. Buhat-buhat ito ni kuya Hermes na lukot na lukot ang gwapong mukha umagang-umaga. Napalunok ako ng sariling laway ng suyudin ang kabuuan nito.Wala kasi itong damit pang itaas at saka short lang ang suot na may umbok sa unahan.Ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon sa talambuhay ko na makakita ng lalaking walang damit at may magandang hubog ng katawan sa personal.Napaiwas lang ako ng tingin at natigil sa paninitig dito ng magsalita ito.
“Buti naman gising ka na!”
May pagka sarkastiko na salita ni Hermes sa babaeng bagong gising na nakatingin sa katawan niya kanina.Nag-iwas lang ito ng magsalita siya.
“S-Sorry po k-kuya H-Hermes,”
Hindi makatingin dito na sambit ko at ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha na akala mo ba ay nabilad sa tapat ng apoy ng matagal.Inalis ang kumot na nakabalot sa katawan bago bumaba ng higaan.Napasinghot pa ako ng may kakaibang maamoy at napako ang tingin ko sa pamangkin ko na basa ang mukha at may sipon pa na kalat.Napababa rin ang tingin ko sa pajama nitong puti na bukol na bukol na ang diaper at may tagos na ng taē at ihi nito kaya napangiwi ako dahil doon.
“Pasensya na po kuya nadumihan pa kayo ni Rap-Rap.Akina na po si utoy at lilinisin ko po,”
Aniya ko sa nahihiyang boses sabay hakbang palapit dito pero napatigil rin sa paghakbang ng mapansin ang tingin ni kuya Hermes sa akin.Nagsalubong pa ang kilay ko sandali bago nanlaki ang mata ko sabay takip sa dibdib ko na wala nga palang bra.Nakalimutan ko na wala nga pala akong suot na bra sa loob.Napatalikod ako bigla para paypayan ng bahagya ang nag-iinit ko lalong pisngi.Nakakahiya!
“P-Pasuyo…P-po…K-kuya kay Rap-rap sa banyo p-po…”aniya ko na nagkanda utal-utal pa ang boses.Nakatalikod pa ako sa mga ito ng sabihin yun.
“Putang*na!This is so slimy!Damn it!”
Hindi mapigilan ni Hermes na hindi mapamura na naman.Nakakasira ng umaga ang ganitong senaryo!
“Ang bibig mo po kuya!Naririnig ka po ni Rap-Rap!”aniya ko ng mabilis na humarap dito muli ng nakasimangot na at humakbang palapit dito at kinuha ang bata.Walang imik na iniwan ko na lang ito ng makuha ang pamangkin at diretso sa banyo.Napatili pa ako at gitla sa lakas ng pagkakasara ng pintuan.Balak pa atang siraan.Sabagay bahay naman niya ‘to eh, kaya bahala siya!
“Wag ka malikot utoy huh, kukuha lang si tita ng diaper at pamalit mo.Okay.Sandali lang ako,”pagkausap ko sa pamangkin ng maibaba ito sa tabi ng malaking tub na walang laman.Kumapit doon ang pamangkin at ngumiti sa akin kaya nginitian ko rin ito bago mabilis ang kilos na kumuha ng kailangan.
Naligo na rin kami ng diretso ng pamangkin ko bago lumabas ng kwarto ay naglinis at nagligpit muna ako ng kalat at ginamit namin sa kwarto.Siniguro ko rin na walang bakas ng dumi ng pamangkin at ang higaan na ginamit namin ay siniguro ko rin na maayos ang pagkakatiklop ng ginamit.Nagtimpla na rin ako ng gatas ni Rap-Rap.Sakto bukas ko sa pintuan sa kwarto namin ng bumukas rin ang sa katapat at lumabas doon si kuya Hermes na bagong paligo rin at humahalimuyak pakalat sa paligid ang mabangong amoy nito.Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil ang bango-bango nito samantalang kami ng pamangkin ko ay tamang pulbos ng pulbo lamang ang pabango.Mabango naman dahil yung kulay blue na johnson powder ang gamit namin.
“M-Magandang umaga po kuya Hermes,”
Magalang na bati ko dito bilang paggalang at saka kasama naman tingnan kung basta na lang ako aalis na parang hindi ito nakita. Kailangan maging mabait kami dahil nakikituloy lang kami ng pamangkin ko dito.
“Morning,”
Walang emosyon na bati ko pabalik sa babae bago nilampasan ito at nagpatiuna sa pagbaba ng hagdan.Sa may kusina siya dumiretso.Wala ngayon ang kasambahay niya dahil day off at sa sunod na araw pa ang balik.
“Ako na po magluluto kuya,”
Boluntaryong salita ni Maria ng sumunod sa lalaki pa kusina.Naabutan ko ito na may nilabas na de lata mula sa kabinet.Iniupo ko muna ang pamangkin sa silya na naroon sa tabi ng lamesa bago nilapitan ang lalaki. Tumingin lang ito sa akin at walang sinabi kaya tipid na nginitian ko ito na hindi man ngumiti rin pabalik kaya pinalis ko agad ang pagkakangiti.
“Gusto niyo po ba ng kape kuya?Ipagtitimpla ko na po kayo,”
Kahit hindi sumagot si kuya Hermes ay nagtimpla pa rin ako ng kape bago binigay dito na ngayon ay nakaupo sa silya at kalong sa kandungan si Rap-Rap.Tumalikod rin agad ako at naghanda ng lulutuin.Yung mga alam ko lutuin ang ginawa ko at nagsaing na rin ako ng kanin bukod sa mga prinito at tinapay.Matapos makapagluto ay inihayin ko na rin agad sa lamesa at tahimik kaming kumain.Sinusubuan ko si Rap-Rap habang nakakamay sa pagkain.Busog na busog ako sa kinain samantalang si kuya Hermes ay hindi ko alam kung nabusog ba sa kinain nitong dalawang pirasong tinapay at itlog na prito na may ham at saka yung kape.Ayon lang kasi ang kinakain nito.Ganito siguro sadya ang mayaman mag-almusal.Hindi uso ang kumain ng kanin sa umaga!
“Stay here and don’t go anywhere.Wag na wag ka rin mag-papapasok ng ibang tao dito sa bahay ko lalo na kung hindi mo kilala. Naiintindihan mo ba Maria Grace!?”
Mahigpit na bilin ko sa babae matapos namin kumain at makapagligpit ito ng ginamit namin.May pupuntahan kasi ako kaya nagbilin ako dito.Mabuti na yung alam nito at saka bahay ko ito.My house, my rule!
“O-Opo kuya Hermes naiintindihan ko po. Babalik rin po ba kayo?”nakaramdam ako ng hiya dahil sa pagtatanong ko na iyon dito kaya naman agad na nag-excuse ako dito at hindi na hinayaan na sumagot ang huli.Buhat ang pamangkin ng bumalik muli kami sa kwarto.Pagkasara ko sa pintuan ay napakapa pa ako sa dibdib ko na mabilis ang pagtibok ng puso ko.Napahinga rin ako ng malalim.Hindi ko na sinilip sa bintana ng marinig ang ugong ng sasakyan na papaalis. Binaba ko sa kama ang pamangkin at binigay ang laruan nitong kotse-kotsehan.
Sumapit ang tanghali na hindi umuwi si kuya Hermes kaya kami lang dalawa ng pamangkin ko ang kumain tapos ng makapagpahulaw ng kinain ay natulog kami at nagising ay hapon na.Papalubog na ang araw sa labas at wala pa rin si kuya Hermes hanggang sa kumalat na nga ng tuluyan ang dilim sa labas.Nagluto pa rin ako at nagtabi na lang para sa lalaki kung sakali man na uuwi ito ng hindi pa kumakain.Tinakpan ko na lang ng plato sa lamesa ang adobong manok at ibinalik ang lagayan ng rice cooker sa may tabi ng lababo.Buti na lang kahit wala kami ni ate ko sa aming bahay ng mga ganitong kagara na gamit ay kahit paano ay hindi naman ako mangmang sa paggamit nito.
“Hayan ang bango-bango na ng bebe Rap-Rap ko na ito.Hmmm…pa kiss nga si tita,”nakangiting salita ko sa pamangkin matapos itong bihisan at linisan.Nilagyan ko rin ng polbo ang leeg at likuran nito.Pinupog ko ng halik ito na humalakhak lang habang nakahawak ang mga munting kamay nito sa aking mukha. “Mahal na mahal kita Raphael. Ikaw na lang ang natira sa akin utoy.”bulalas ko matapos ang ginawang paghalik dito. Magkatabi na kami nito sa kama at balot ng kumot.Pasado alas otso na rin ng gabi.
“Ma…Ma…Ma…Ma…”
Nangilid ang luha sa magkabilang mata ko ng marinig ang binigkas ng pamangkin. Inulit-ulit pa nito kaya tuluyan na akong napaiyak sa tuwa.Tumawa rin ito na ikinangiti ko habang lumuluha.Ang babaw ko pero kasi masaya lang ako na nabigkas ng pamangkin ang ibang words.Ang sarap sa pakiramdam kahit na ba hindi naman ako ang nagluwal dito.Mahigpit na niyakap ko ito at hinalikan sa noo, sa pisngi at sa ilong. Yumakap rin ito sa akin at nakatulog kaming mag-tita na magkayakap habang balot ng kumot sa katawan.Hindi ko rin na alam kung anong oras umuwi si kuya Hermes o kung uuwi nga ba ito ngayong gabi.