bc

Crippled

book_age16+
1.9K
FOLLOW
8.6K
READ
scandal
bitch
drama
comedy
sweet
bxg
bully
disappearance
enimies to lovers
cruel
like
intro-logo
Blurb

Tanyag na modelo si Sue Denise Segovia. Marami ang mga taong nakakakilala sa kanya at tila may nagmamatyag sa bawat kilos na ginagawa niya. She's not just famous because of her looks and fame, but also because of her rude and straight forward attitude to others. Dahil sa kabilaang issue sa Manila ay nagpasya ang mga magulang nito na paluwasin siya sa malayong lugar. From there, she met this dirty, crippled, beggar man named Kean Trinidad. Her rude behavior to him sparked another issue which led to a lot of changes in her life.

Can you overcome your bad judgement on a person even if he’s done nothing but good to you? Would you still believe all the lies planted in your head just because of someone’s state of life? Are you willing to give yourself a chance to heal his crippled heart?

****

This is one of the books from the Imperfect Men Series.

Second book: Silenced

Third book: Blinded

chap-preview
Free preview
Simula
Masaya akong tumalon mula sa naglalakihang bato sa dagat. My body was slammed by the huge waves of ocean. Siargao is really known for its beautiful waves that’s why it’s really a must for surfers to go to this place and experience these waves. Umahon ako at lumingon sa dalampasigan. That’s where I saw him intently watching me. Kumaway ako sa kanya. Malalaki ang ngiti kong pinagmamasdan siya doon bago napagpasyahan na maglakad papalapit sa kanya. Nang tuluyan akong makalapit ay saka ko lang napansin kung gaano kaseryoso ang tingin niya sa akin. I saw him took a deep breath. “Sa susunod, mag-ingat ka.” Matipid niyang sabi. Ngumisi ako at humawak sa aking bewang. “Why? I’m a great swimmer. Walang mangyayaring masama sa akin. Sanay na sanay akong lumangoy.” I said with confidence. Napansin ko ang paglandas ng kanyang mata sa aking katawan ngunit agad din siyang umiwas ng tingin. His eyes focused on the next batch of waves forming at the middle of the ocean. “Hindi naman ganoon iyon. Paano kung biglang sumakit ang paa mo? Paano kapag pinulikat ka? Hindi kita masasagip dahil hindi ako marunong lumangoy.” I heard the worry in his voice. I smiled sweetly before covering my body. Naupo ako sa tabi niya. Bumaba ang tingin ko sa tuhod nito. Beside him is his prosthetic legs that my Mom ordered personally for him. “I’m sorry if my stunt made you worried. How are you feeling now?” I glanced at his knee before looking up to his face. Humarap siya sa akin saka ngumiti. “Maayos naman. Hindi na sumasakit tuhod ko. Nakatulong din talaga ang gamot na bigay ng Mommy mo. Maraming salamat talaga...” Sincere ang pagkakasabi nito. Pinakatitigan ko ang kanyang mukha. Mula noong unang beses na naging maayos ang itsura niya ay natanim ko na sa isip ko na may hindi siya magandang plano sa pamilya ko. Maaaring ginagamit niya itong kapansanan niya para makuha ang simpatya ng magulang ko. I hated him. I hated him for making me feel neglected by my own parents. Simula ng dumating siya dito ay pakiramdam ko siya pa ang anak nila Mommy at Daddy kung asikasuhin siya ng mga ito. Even the maids, tuwang-tuwa ang mga ito habang pinagsisilbahan siya. Lalo na noong nalinisan na siya, nabihisan at nabigyan ng prosthetic legs. Lumitaw ang kagwapuhan niya kaya naman ang mga haliparot naming mga katulong ay halos mag-unahan pa para mabigay ang pangangailangan niya. Samantalang ako, si Sue Denise Segovia, na anak mismo ng may-ari ay biglang napabayaan. Ang utos ko minsan ay ako na rin gumagawa dahil lahat sila nakatutok kay Kean. Like what the hell? Kung ganoon naman pala ang trato nila sa akin dito ay sana hinayaan na nila akong bumalik sa Manila. Why do I have to suffer like this? I know that it’s my fault why I’m being bashed by the netizens pero napaka-plastic naman ng iba! As if hindi sila mandidiri sa lalaking iyon kung unang beses nila itong nakita. Mga impokrito. Simula noon ay sinikap kong hindi pagandahin ang trato kay Kean. Hindi porket nakuha niya ang simpatya ng magulang ko ay ganoon na rin ako sa kanya. I’m not. Alam ko ang galawan niya at hindi ako magpapahulog sa patibong niya. Hindi ako papayag na may maliit na pesteng pipilit na makakuha ng kahit na ano mula sa kayamanan ng pamilya ko. Try harder, Kean Trinidad. Ilang beses ko siyang pinagbibintangan ng kung ano-ano. Sa tuwing may mga nawawala akong gamit, sa kanya ko agad pinapahanap kahit na sa huli ay makikita iyon ng mga katulong namin na nakakalat o nakatago lang sa sulok ng kwarto ko. Kapag nakikita ko siyang malapit sa mga mamahaling gamit sa bahay ay agad ko siyang sinisigawan para lumayo doon. Some furnitures and things inside this house cost a lot more than his whole life. Kahit anong gawin niya ay hinding-hindi niya mababayaran iyon. Sa kabila ng lahat ng mga masasakit na salita na sinasabi ko sa kanya ay naging matibay siya. Hindi siya umalis ng mansyon. That’s because Mom is always on his side. Sa tuwing naabutan kami ni Mommy na inaaway ko siya ay agad akong mapapagalitan. Hindi pa man niya naririnig ang buong pangyayari ay parang desidido na siya agad na ako ang mali. Well, that’s right! Ako naman talaga ang nauuna pero she can atleast give me the benefit of the doubt! I’m her daughter! Hindi iniinda ni Kean ang pagiging magaspang ng ugali ko sa kanya. Hinahayaan niya ako sa gusto kong gawin. Ni minsan ay hindi ako nakarinig ng pagrereklamo sa kanya pero if I know, kapag nakatalikod ako ay sinusumbong niya ako kay Mommy. Nakakainis talaga, kung bakit ba kasi hindi na lang siya umalis. Kailangan niya pang dumikit ng dumikit kay Mommy. Napaghahalataan talagang may balak. Tumagal ng ilang buwan na ganoon ang nangyayari sa aming dalawa kahit pa nandyan si Mommy. Inis na inis ako sa kanya dahil parang nagpapaawa na lang ito palagi. Ako lagi ang nagmumukhang masama kahit pa siya naman iyon. Kaya naman nang umuwi si Mommy at pinagbawalan akong sumama sa kanya ay mas napanatag ako. Wala ka ng kakampi ngayon, Kean. It’s just me and you in this mansion. Ako na ang masusunod dito. Pwede kitang pahirapan sa lahat ng paraang alam ko. Ilang beses ko siyang inutusan ng mga kung ano-ano. I blackmailed the maids and told them that they’ll get fired if ever my parents know of what I’m doing to Kean. Halos naging personal maid ko ang lalaki. Walang magawa ang mga katulong kundi manood lang na pahirapan si Kean. Sa oras na makita ko silang tinutulungan ito ay mas triple ang ipapagawa ko sa kanila. Dahil sa lagi kaming nagkasama ni Kean sa bawat utos ko sa kanya ay unti-unti na akong nasasanay sa presensya niya. Sometimes, I would just wonder where he is when he’s out of my sight. Little by little, I’m already looking for him absent-mindedly. Hindi ko alam kung paanong nagsimula na unti-unti na akong nagiging kumportable sa kanya. Kinakausap ko na siya tungkol sa mga bagay-bagay at nawawala na ang inis ko sa kanya. Mas lalo ko siyang nakikilala. Nakikita ko kung gaano siya kabait. Kung gaano kalayo ang ugali naming dalawa. Napapansin ko ang pagiging matiisin niya at kung gaano kahaba ang pasensya niya sa akin. Hindi ko namamalayan na wala na akong pakialam kung may balak pa ba siyang masama sa akin o sa kayamanan ng pamilya ko. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang makasama siya ng matagal. I’m almost considering not going back to Manila and stay here because of him. “Ang lalim naman ng iniisip mo?” Kuryosong tanong niya. Napakagat ako sa aking labi bago kumawala ang isang ngiti doon. “Are you aware on how you’re changing me?” Pigil itong ngumiti bago umiling. “Napansin kong malaki nga ang pinagbago mo. Medyo mabait ka na sa akin ngayon...” Napanguso ako sa sinabi niya. Mahina kong hinampas ang kanyang braso na nagpahalakhak dito. “Medyo lang?! Mabait na nga ako sayo ngayon.” Nagpatuloy siya sa pagtawa. “But really, you changed me a lot. Hindi ko rin alam kung paano mo iyon nagawa or if you did something about it.” Huminto siya at nakangiting tumingin sa akin. I felt my heart beating loudly. “Wala naman akong ginawa, Sue. Ikaw ang nagdesisyon na magbago. Alam kong hindi lang ako ang nakapansin niyon. Maging ang ibang katulong ay napapansin na iyon. Alam kong sa oras na malaman ito nila Ma’am Cynthia at Sir Daniel, matutuwa sila.” Maligayang sabi nito. I suddenly remembered my parents. Matagal na rin mula ng huling nagpunta si Dad dito and Mom came back almost three months ago. Minsan ay tumatawag sila sa akin para mangamusta ngunit hindi palagi iyon. Siguro ay naging busy sila sa kumpanya. Kahit sa issue ko ay wala silang nababanggit kaya naman pakiramdam ko ay hindi pa maayos ang pangalan ko doon. Although my name and face is no longer the headline of the news, alam kong sa oras na bumalik ako ay magdudulot nanaman ako ng ingay. “Well, sana nga.” Mahinang sabi ko. Humarap ako sa karagatan. Sobrang peaceful panuorin ng salitang paghampas ng mga alon. Napakahangin din doon kaya naman nakaka-relax sa tuwing nakaupo lang ako doon. Bigla ay napapamahal na sa akin ang lugar na ito. Parang ayoko ng bumalik. This is very far from what I’ve used to. Sobrang toxic sa Manila. Lahat ng galaw ko ay may nakamatyag. Aminado naman ako na hindi rin talaga maganda ang ugali ko kaya naman bawat kibot ko ay nagiging big deal. If there’s one thing that I love is my work. Modelling is my passion but I’m almost ready to give it up just to have a quiet and peaceful life here. Mabuti nga at walang media na nakakaalam na nandito pa rin ako. My family blocked everything after the video got viral. Ang inakala ng iba ay lumipad na ako patungong America ngunit hindi. Nagkulong lang muna ako sa bahay ng ilang linggo hanggang sa mabigyan ng go signal ng magulang ko. Napalingon ako kay Kean nang makitang inaayos na niya pabalik ang kanyang prosthetic legs. I helped him with it and he smiled at me while mentioning his thanks. Tinulungan ko na rin siyang tumayo. I looked up to him after that. Kapag suot niya ang prosthetic legs niya ay halos hanggang balikat niya lang ako. Matangkad na ako nito bilang modelo pero mas matangkad pa siya sa akin. Minsang nabanggit ni Mommy na hindi niya pinasadyang lakihan iyon. Personalized daw kasi iyon dahil iyon daw ang tutugma sa proportions ng katawan ni Kean. Malaki ang body built niya at ang pangit naman tignan kung maiksing prosthetic legs lang ang gagawin sa kanya. Dumiretso agad ako sa kwarto upang makaligo. Nang matapos ay nagbihis ako ng kumportableng t-shirt at pajama. Tutal ay malapit naman na ang hapunan. Pagkalabas ng kwarto ko ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Kean para kumatok. I knocked three times but I didn’t get a response. Agad na nagsalubong ang kilay ko. Where the heck is he? Agad akong bumaba at nagtanong sa mga katulong na nakasalubong ko. Lahat sila ay sinabing nasa kusina ito. Napangiti ako saka nagtungo doon. I saw him cooking. Umupo ako sa high stool at pinanuod siyang magluto. Lumikha ng ingay ang ginawa ko kaya naman napahinto siya at lumingon sa akin. Ngumisi ako sa kanya saka sinabihan itong ipagpatuloy ang ginagawa. Tumango siya at nilipat ang mga hinihiwang rekado sa harap ko at doon ay nagpatuloy siya. “Hindi ba paborito mo ang Caldereta?” Nakangiting tanong nito. Malakas akong bumuga ng hangin. “Kean, diet ako!” Hindi ko napigilang magmaktol. Natawa siya sa reaksyon ko. Ilang araw na akong cheat day sa lahat ng kinakain ko dahil napapadalas na siyang nagpresentang magluto. Tapos ngayon lulutuin niya ang paborito ko? Pambihira naman itong lalaking ito. Sisirain ata ang figure ko! “Sige, hindi ko na lang sasarapan.” Sumimangot ako saka pinitik ang kanyang braso. “Subukan mo lang! Huwag mong sirain ang image sa akin ng Caldereta.” Humalakhak ito. “Edi marami ka nanamang makakain. Paano ka babalik sa pagiging model kung malaki na ang tiyan mo?” Pang-aasar pa nito. Gosh, he is enjoying this! “Mag-exercise na lang ako. I promise to start my work out tomorrow.” Habang sinasabi ko iyon ay tila hindi pa ako sigurado. I’m torn between maintaining my figure or eating such delicious foods he cooked. Napailing siya at mukhang hindi kumbinsido. Well, ako rin naman pero atleast hindi na siya nagsalita. Kapag kasi nang-asar pa siya ay baka makurot ko na siya ng tuluyan. Nang maluto ang pagkain ay inanyayahan na niya ang mga katulong para sumabay sa amin sa pagkain. At first, I was really offended. Why would he let the maids join us on meals? I mean, pwede naman kumain ang mga iyon pagkatapos namin. Bakit kailangang sumabay pa sila? Hindi ko sila ka-level. Nang sinabi ko iyon noon kay Kean ay malinaw niyang ipinaintindi sa akin ang dahilan niya. “Alam ko naman na ikaw ang amo namin dito pero mas okay na kumain ng may kasama. Nakakabagot kapag ikaw lang ang kakain mag-isa. Napakalawak ng lamesa tapos solo mo lang. Saka isa pa, mas maganda na nakikisalamuha ka sa kanila. Itrato mo sila ng maayos dahil maayos ka rin naman nilang pinagsisilbahan dito.” Kalmado niya iyong sinabi sa akin. Hindi ko alam pero pagkatapos niyon ay pumayag ako na sabayan na nila akong kumain. It’s true though, eating alone is entirely different than eating with a company. May kwentuhan, may pinag-uusapan. Magaan ang pakiramdam at mas sumasarap ang kain. Habang kumakain kami ngayon ay nasa tabi ko si Kean. As usual ay masarap ang luto niya. Pinupuri siya ng ilang kasambahay dahil mabilis siyang natuto na magluto. Nanliit ang mata ko nang mapansin ang pasimpleng paghawak sa kanya ng katabi nitong kasambahay. Malakas akong tumikhim. Lahat ay napatingin sa akin. Lalo na ang babaeng nakahawak ngayon sa braso ni Kean. Umangat ang isang kilay ko sa kanya bago bumaba ang tingin sa kamay niya. Agad din naman niyang napansin ang ibig kong sabihin saka mabilis na bumitaw. Napayuko ito at nag-focus na lang sa kanyang plato. “Nabulunan ka ba?” Inosenteng tanong ni Kean. He handed me a glass of water. Mabagal akong sumimsim doon habang sinusukat muli ng tingin ang babae sa tabi niya. Nang mailapag ko ang tubig sa lamesa ay ngumiti ako ng matamis kay Kean. “Thank you...” I said sweetly. I noticed him paused for a while. Para bang ang weird ko sa paningin niya. Nang natapos kaming kumain ay inutusan kong maghugas ang babaeng humawak kay Kean. Alam ko namang expected na niyang may ipapagawa ako sa kanya kaya hindi na siya umangal. Naupo ako sa sala kasama ni Kean. Nakabukas ang TV at abala siyang nanunuod doon habang ako ay nakatutok sa aking phone. All of my social media accounts are deactivated but I have a dummy account para maging updated pa rin sa mga nangyayari. I searched my name on twitter and until now, even after months, may nababasa pa rin akong mga hate comments tungkol sa akin. Pinapangunahan iyon ng mga kasamahan kong model. They are justifying my act, kesyo ganoon daw talaga ako sa totoong buhay. May attitude at maldita. Well, surprise! Lahat ng tao alam na iyan. Inggitera lang kasi ang mga ito at hindi matanggap na mas maganda pa ako sa kanila. Kasalanan ko bang maganda at sexy ako kumpara sa mga models na ito? Talagang sinamantala nila ang issue sa akin kaya malaya silang nakakapagsimula ng panibagong ingay sa akin. Hintayin niyo lang talaga na makabalik ako diyan, may kahihinatnan kayo. “Bakit nakasalubong nanaman ang kilay mo?” Kalmadong tanong ni Kean sa tabi ko. Marahas akong bumuga ng hangin saka pinakita ang phone ko. Umiling siya at kinuha iyon sa kamay ko. Maingat niyang in-off iyon saka nilapag sa lamesang nasa harapan namin. “Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na huwag mo ng pansinin ang mga bashers mo?” Panimula nito. “Kasi naman! Nakiki-epal pati mga co-models ko. Imbis na nanahimik na nga ang iba, gumagawa ng bagong ingay kaya hindi na matapos mga bash sa akin. Nako talaga, they just need to wait until I come back. Mayayari talaga sila sa akin.” He shook his head. A little disappointment was evident on his face. “Sue, anong sabi ko? Hindi ba, kapag may ginagawang masama sayo ang ibang tao, huwag mong papatulan?” I crossed my arms and prepared myself to start a long conversation with him. “Kean, hindi tayo magkapareho, okay? I’m not as kind as you at alam mo iyan. Hindi ko kayang manahimik lang habang sinisiraan pa nila ako lalo sa publiko. Sirang-sira na nga ang image ko tapos gagatungan pa nila.” I said while proving my point. “Alam ko naman, naiintindihan ko rin pero walang mangyayaring maganda kapag gumanti ka pa. Lalo kang lalabas na masama kapag may ginagawa ka pang hindi maganda. Hayaan mo na lang dahil pagbalik mo, nasa iyo na ulit ang spotlight.” I sighed. He’s just so nice. He sees everything in a different light. He always sees the positive side. Palaging nangingibabaw ang optimism niya sa tuwing nag-uusap kaming dalawa at ako, heto, tumatango na lang at walang ibang nagagawa kung hindi sumunod sa kanya dahil tama naman siya. He is almost always right and is really always winning in our argument. “Paano mo nagagawang maging positibo kahit ang daming dahilan para mag-isip ka ng mga masasamang bagay?” Ngumiti ito sa akin. His face is so bright and gentle that it melts my heart whenever he would smile at me like that. “Wala naman kasing mangyayari kapag iniisip ko kung gaano ako naging malas sa mundong ito. Magdudulot lang sa akin iyon ng kakaibang pakiramdam at baka makagawa pa ako ng hindi maganda. Atleast kung naging positive ako, mas nagiging malinaw ang isip ko at mas makakagawa ako ng mabuti.” And from there, I admired him even more. His words are so on point. Malalim at lahat may sense. I even wondered, did I even talk with sense like that? Sa pagkakatanda ko ay kahit kailan, hindi pa iyon nangyayari. Kinabukasan ay nagising ako sa pagwawala ng aking phone. It was from unknown number. Bigla ay nagtaka ako. I changed my number months before at ang tanging nakakaalam lang nito ay ang mga magulang ko at ang manager ko. I answered the call on the fourth ring. “Hello? Who’s this?” Kalmado kong tanong. I was shocked to hear the voice of the guy from the other line. “Babe! Finally! I have been trying to contact you for months. Don’t worry, malapit na ako diyan.” Napasinghap ako. What does he mean by that!? “Wait, what?! Miguel, what the hell are you talking about?” The line went choppy hanggang sa tuluyan nang naputol ang tawag. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig ako ng isang helicopter sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakitang unti-unting bumaba iyon. I saw the familiar figure of Miguel coming down from the helicopter and walking towards the house. Dali-dali akong bumaba. Nagkasabay pa nga kami ni Kean. Bagong gising lang ito. His hair is disheveled and his shirt is crumpled. “Anong nangyayari sa labas?” Walang malay nitong tanong. Hindi ko na siya nagawang sagutin. Tumakbo ako pababa at palabas ng bahay. Lumapit ako kay Miguel. First thing I saw is his huge smile. Sinalubong niya ako ng isang yakap. Akala niya ata ay natutuwa ako na nandito siya. Mahina ko siyang tinulak ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang kanyang yakap sa akin. Seconds after that, he finally released me. Akala ko ay makakalayo na ako ng tuluyan sa kanya ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang hatakin niya ako pabalik at mariin na siniil ng halik. I was astonished for a minute before he pulled himself from me. He smirked. “Para kang bato. Don’t you miss your boyfriend?” 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.5K
bc

Be Mine Again

read
99.0K
bc

NINONG III

read
363.8K
bc

Reckless Hearts

read
256.4K
bc

Contract - Tagalog

read
753.8K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.7K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook