Kabanata 1

3151 Words
“Very good, Sue! Go back to your dressing room and get ready for your final shoot. This will be the last for today.” Nakangiting sabi ni Ivo, ang photogropher para sa photoshoot ngayong araw. Nakasimangot kong tinanggal ang maong jacket na halos kalahating oras ng nakapatong sa aking balikat. I already told them to never let me wear such clothes! Ang bigat sa katawan. Hindi ko alam kung bakit hindi makaintindi ang mga staff ko. Maybe I should consider replacing them? Padarag kong binagsak sa sofa ang aking katawan. I rested my neck on the arm rest and closed my eyes. I’m so tired. Kanina pa ako nagpapalit-palit ng damit para sa kaliwa’t kanan na pictorials na naka-schedule ngayong araw. Halos wala na akong pahinga. I can’t even eat my dinner properly. Binuksan ko ng bahagya ang aking mata para sumilip sa oras. Damn it! It’s almost eleven in the evening. All I want to do right now is to sleep. “Ma’am, kailangan niyo na pong mag-retouch.” Mahinang sabi ng isa sa mga make-up artist ko. Kumunot ang noo ko at napansin ang kaunting ingay sa loob ng kwarto ko. Ang ibang staff ay aligaga sa paghahanda ng susunod kong susuotin. Some are looking at me while holding the make-up and waiting for me to sit on the chair. I looked around and saw my manager who’s busy on his phone. “Nate, can you cancel this shoot and resched it tomorrow? I’m so drained and I need sleep.” Nanatili akong nakahiga habang sinasabi iyon. He motioned for a while before finishing the phone call. Nang matapos iyon ay naglakad siya palapit sa akin. He sat beside me and carefully touched my face. “Anak, this is the last for today, don’t worry. Wala kang shoot bukas ng umaga hanggang sa tanghali. Makakabawi ka ng pahinga pagkatapos nito.” Gusto kong magmaktol sa sinabi niya. Gusto ko na talagang umuwi. “Pero pagod na ko! I can’t promise that the shoot after this will have a good outcome. It’s not a good thing forcing myself.” Hindi ko naitago ang pagkairita sa aking boses. Napansin ko ang pagtahimik ng mga tao sa aking paligid. When Nate shook his head, that’s when I knew that I really need to finish this shoot. Padabog akong tumayo at naglakad palapit sa harap ng salamin. The make-up artists are a bit hesitant on starting their job on me. Iritable akong tumingin sa kanila. “What are you two waiting for?! Nakatunganga pa kayo diyan, imbis na simulan na para matapos agad.” Agad silang kumilos. Hindi naman naging matagal ang pag-retouch sa akin dahil intact pa rin naman ang make-up ko kanina. Medyo binago lang nila ang hairstyle ko but aside from that, halos wala na ring nagbago. I changed my clothes. Napahinga ako nang maluwag dahil sa wakas, isang magaan na dress ang suot ko ngayon. I’m currently modelling the latest casual clothes manufactured by my family. Sa pagkakatanda ko ay bukas ang pictorial ko para sa limited edition casual dresses ng Seviah Co., the biggest clothing line in the Philippines, our clothing line. These casual dresses are in preparation for the summer collection that will be released next month. Kaya medyo abala talaga ngayon dahil kapag natapos ang casual dress bukas, magiging abala naman sa summer attires. We will have to fly for Boracay, El Nido and some famous beaches to conduct our photoshoot. Matrabaho at nakakapagod but I have no regret in doing this and pursuing this career. I love modelling. Some say that I’m born to be a model. Few told me that I can be a super model, if I can only consider the opportunity being thrown at me by the agencies from America. It was big indeed, pero ngayon ngang model pa lang ako sa kumpanya namin ay worn out na ako, paano pa kapag naging super model pa ako. I don’t think that I can handle the stress and pressure. Sure, it’s a dream come true to be part of the biggest runways and catwalks, to be part of the Victoria’s Secret Angels, to have a collaboration with the famous super models out there but I’m not in for that yet. Hindi pa ako handa doon. I’m not in a good condition for that. Mayroon pang ten minutes bago magsimula ang huling photoshoot. Nakita kong naglalakad palapit sa akin si Nate, may dala siyang snacks at inabot sa akin iyon. Gosh, mabuti naman at napansin niya. I really need this to have some energy. He patted my hair and he watched me eat. I gave him a soft smile. Nate is almost in his forties. He’s gay and he’s my manager. My parents entrusted me to him when I was still in my teenage years. I started modelling when I was 12. He helped and trained me a lot to be who I am today. Dahil abala ang mga magulang ko sa negosyo namin ay halos mas nakasama ko pa si Nate habang lumalaki ako. I have been very close to him and he is the only one who can tame me, not even my parents can do that. Pero siya, kayang-kaya niya. With his calm voice and the way he would call me ‘anak’ will always leave some soft spot in me. Maybe it’s just the respect that I see in him. People around us respect him in any way. Napakabait niya sa ibang talents, lalo na sa akin na alaga niya. Kahit pa minsan ay nadadamay siya sa pagiging maarte, maldita at masungit ko, talagang mahaba ang pasensya niya that’s why I really admired him a lot. He's not just my manager, he’s my guardian. “How about you? Kumain ka na ba?” Tumango ito habang nakangiti. “Yup. I was eating earlier while you’re infront of the camera.” He took a deep breath. “Sue, don’t worry. Matapos lang itong summer collection na ilulunsad ng pamilya mo, I will talk to them to give you a break, a vacation maybe. You deserved to rest. I can sense you’re already stressed out. You’ll need it.” My face softened. I moved closer to him and gave him my tight hug. Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin. Sobrang thankful talaga ako sa kanya. Sana lang ay pumayag ang mga magulang ko. Baka kasi nakakalimutan na nilang anak nila ako. Baka akala nila regular model lang ako na nagtatrabaho para sa kumpanya. “Sige na, magpunta ka na doon, tapusin mo na para makapag-pack up na tayong lahat. Give your best, okay?” Tumango ako sa kanya at nag-ayos ng sarili bago naglakad papunta sa harap ng camera. I gracefully posed infront of the camera. Ivo is all smiles while he’s continuously flashing the camera. Behind him is Nate, who’s looking proud at my confidence. If I can only see that look on my parents, then I won’t feel too stressed and pressured about my work. “That’s it! We’re done for today. Pack up na tayo!” I heard the soft cheer of the staff. Mukhang hindi lang pala ako ang pagod. Hindi na ako nag-abalang magbihis. Sa bahay na lang iyon para isahang linis na lang ng katawan. Kinuha ko ang gamit ko sa dressing room at nauna na sa van. While waiting for Nate, I checked my phone and opened my dummy account on twitter. I searched for my name. It has been a habit, may sarili akong social media. I actively posts some picture and all of them are gaining wild attention. Either bad or good. May mangilan-ngilan kasi akong fans, mga teenage girls na sinusuportahan ako at humahanga sa pagiging model ko. They admire my beauty and fashion sense. Ang iba naman ay mga bashers, which is mas marami kaysa sa fans ko. Sobrang dami kasing kumakalat tungkol sa pagiging maldita ko. May mga nagpost noon tungkol sa naging experience niya pagkatapos akong ma-meet. Hindi ko alam kung totoo pero malaki ang possibility na nangyari nga iyon but I can’t really remember. Siguro ay dahil lagi naman akong nagsusungit talaga at hindi na bago iyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hindi sila masanay? I mean, ano bang gusto nila? Umarte akong mabait, anghel at mahinhin kahit hindi naman ako ganoon? They want me to be something that I’m not. They should be happy dahil atleast ako, kung anong nakikita nila sa net, iyon talaga ako. I don’t need to fake my attitude. I scrolled down. Napapaangat ang kilay ko sa mga nababasa ko. I read one of the tweets which garnered almost five thousand likes and three thousand retweets. Sue Denise has a big attitude problem! She’s the worst model you can ever meet. I recommend for the big companies to not get her as their model because I will definitely boycott their products! She’s not a good role model. Maganda lang siya at sexy, pero ang utak niya walang laman, ang pangit pa ng ugali. You belong to trash! Wow! Like, wow! What the hell? I clicked the profile and zoom in her face. Saka siya mag-bash kung wala siyang black heads. Kadiri ha. Nakakainis pa talaga sa mga bashers ko, kung sino pa maraming sinasabi sa akin, sila pa yung walang ibubuga. Sila pa ang mga pangit! Gigil akong nag-type. “Saka ka na magsalita ng masama sa idol ko kapag maganda ka na. Nakakahiya naman ang dami mong alaga sa mukha pero makapagsalita ka kay Sue parang perfect ka! Edi i-boycott mo ang products! Para namang kaya mong i-afford ang brands na hawak niya.” Inis kong hinawi ang aking buhok habang binabasa ang ilan pang comments sa tweet na iyon. True! She’s not that pretty nga eh. Anak lang kasi ng may-ari ng Seviah iyan kaya ganyan kung makaasta. She’s not even sexy. I bet she has done under the knife. Hindi natural ang boobs niya. Even her buttocks. I doubt it. Napasinghap ako at napatingin sa aking dibdib. “These are real! My babies are real! Gosh, I hate you!” Agad kong nai-block ang nagsabing retokada ako. I am born naturally beautiful. Mga insecure lang ang mga ito sa akin. Pumasok si Nate sa sasakyan dala ang ilan pang gamit. Napansin niya agad ang nakasimangot kong mukha. Bumaba ang tingin niya sa phone na aking hawak. “Hulaan ko, pumatol ka nanaman sa bashers mo?” Kilala niya nga talaga ako. “They said that my boobs and bottom are fake! I can’t let that pass.” I really felt offended. He giggled. “Hayaan mo na ang mga iyan, hindi naman nila alam ang totoo. Lalo ka lang ma-stress kapag pinagpatuloy mo pa ang pagbabasa sa mga hate comments tungkol sayo.” He said calmly. Nagsimula nang umandar ang sasakyan namin. Hindi ako napanatag. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Nate at nagpatuloy pa sa pagbabasa. Titigil lang ako ng pagbabasa kapag may nakita akong atleast five good comments tungkol sa akin. Kapag may nakita akong nagtanggol sa akin maliban sa dummy account ko na ito. I scrolled down to read more at mas malala ang sinasabi doon. Nagpa-botox iyan. Saka iyong ilong, tignan niyo, masyadong tusok. Hindi makatotohanan. Halatang retokada. Mabaho hininga niyan eh. Nakasalubong ko dati. Halos magwala na ako sa loob ng sasakyan. Hindi na talaga ako natutuwa. Nakailang scroll na ako pababa pero wala pa akong nakikitang nagtatanggol sa akin. Kahit isang comment lang na maganda, titigil na ako! Napatigil ako nang mabasa ang reply ng isang verified account. It was Miguel Legaspi. Stop judging her. Lahat ng mga nagsalita sa kanya ng hindi maganda sa thread na ito ay ibibigay ko sa cyber bullying team. We can file a case against all of you by defaming her name and destroying her image. Maraming nag-like at nag-retweet sa sinabi niyang iyon. After his tweet, nagsunod-sunod na ang mga tweet na magaganda tungkol sa akin. Those are now my fans defending me against the hate comments on that thread. Mayroon pa ring mga sumusulpot na basher na hindi matinag at hindi natatakot sa banta ni Miguel. Matatapang talaga. I screenshot the tweet and send it to Miguel. I texted him and gave my thanks for defending me. Agad siyang tumawag sa akin. Maingay sa kabilang linya. Agad na nagsalubong ang kilay ko. It’s almost midnight at nasa kung saan nanaman siya. “Babe, you’re always welcome, okay?” I can hear some of his male friends from the background. They are teasing him. Napairap ako. “Nasaan ka?” Narinig ko ang malulutong nitong mura sa mga kasama bago natatawang sumagot sa akin. “Bar lang, babe. Around QC, after our photoshoot, we headed here to unwind. You can come and join us!” Panghihikayat nito. Huminga ako ng malalim. “No thanks. Kakatapos lang ng pictorial ko. I’m dead tired and I just want to lay on my bed.” Ilang segundong hindi nakasagot si Miguel. I can hear him talking and laughing with his friends. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkairita. Miguel Legaspi is my boyfriend. Hindi ko rin alam kung paanong nangyari iyon, it just happened when the media caught us kissing and dancing in a club. He is just a co-model but in different management. Ilang beses na kaming nagkasama sa shoot sa Seviah brand and even outside our company. Hindi naman kami ganoon ka-close noon pero dahil nga sa nangyari, everyone concluded that we’re in a relationship. Both of us didn’t deny it. Wala naman kasi akong pakialam sa mga lalaking na-link sa akin. I was just having fun. Gusto ko lang makapaglabas ng stress sa katawan at ayokong dumagdag pa sa iisipin ko ang pag-defend ng sarili ko sa ibang tao. They can think anything about me, wala akong pakialam. For me, it was just a passing issue pero itong si Miguel, masyadong pinangatawanan ang pagiging boyfriend ko. Lagi na siyang nagpapakita sa akin at madalas ay clingy pa siya, he would always make a fuss about our ‘so-called-relationship’ in social media kaya lalo lang umigting sa lahat na may relasyon nga kami. At dahil sa wala naman akong pakialam at wala rin naman akong magawa ay pinatulan ko na lang ang gusto niyang mangyari. We are calling each other as boyfriend and girlfriend pero hanggang doon lang naman iyon. I don’t feel something for him. I’m kind of attracted to him pero normal lang naman sa akin iyon dahil gwapo siya at maganda ang katawan. Other than that, wala na akong nararamdaman sa kanya. And I can feel the same way for him. It’s like I’m just for front. I’m his trophy girlfriend. It will benefit the both of us if we stay in this relationship. Hangga’t wala namang emotional attachment ay wala kaming magiging problema. “Babe, babe! I’m sorry, napakadaldal kasi ng mga kasama ko. What were you saying again?” Bakas pa rin sa boses nito ang tawa. “I said I’ll hung up already. Malapit na ako sa bahay.” Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at binabaan ko na siya ng tawag. Napansin ko ang tingin sa akin ni Nate. “I don’t like him for you.” Kalmadong sabi nito. He’s been very vocal about this and this is not the first time I heard that from him. Nagkibit-balikat ako. “I don’t like him that much either.” Napailing ito. “Mga kabataan talaga, mahilig pumasok sa relasyon nang hindi manlang pinag-iisipan. Being in a relationship is a game for all of you, or a trial phase. That’s not how it goes, Sue.” Tumingin ito sa bintana bago muling nagsalita. “Kapag papasok ka sa isang relasyon, dapat ay ahead ka na mag-isip. You should think about your future with him. Kaya ka pumapasok sa isang relationship ay para makilala at makapaghanda kayong dalawa sa magiging future family niyo. You should always think that he is the one you want to spend the rest of your life with before committing yourself to him.” Mahina akong napatawa. “Ang lalim naman niyon, Nate. May pinaghuhugutan ka ata.” Muli itong humarap sa akin at tumawa. “Dibale, I understand that you’re still young. Hindi mo pa naiisip ang mga bagay na iyan, especially settling down. You’re still on the phase of having fun and meeting different people. Just always remember that I will always be here to guide and comfort you when everything happens.” Nagpaalam ako kay Nate pagkarating namin sa bahay. Pinagbuksan ako ng isa sa mga guards namin sa bahay. Diretso ang lakad ko habang naglalakad sa garden bago tuluyang makapasok sa mismong bahay namin. Halos mapapikit na ako dahil sa pinagsamang pagod at antok pero sinikap kong idilat ang mata ko para makita ang daraanan ko. Bumungad sa akin ang mukha ng aking mga magulang pagkapasok sa mismong mansyon. They both looked to me. Lumapit ako sa mga ito para makapag-beso. “Sue, take a sit.” Pormal at seryosong sabi ni Daddy. I immediately followed him. Nakita ko ang mapanuring tingin sa akin ni Mommy. Sa ganoong tingin palang niya at sa kinikilos pa lang ni Dad ay nararamdaman ko na agad kung ano ang dahilan kaya hinintay nila akong makauwi. Bago pa sila makapagsimula sa sermon nila ay nagsalita na ako. “Mom, Dad, I’m so tired. Alam kong papagalitan niyo nanaman ako sa hindi ko na maalalang ginawa ko but can you let this pass? Bukas na lang. I need to wash up and sleep.” Pagod kong sabi. Nakita kong namula ang mukha ni Mommy. Nagpipigil ito ng inis at mukhang nabastusan sa sinabi ko. Even the look on my Dad’s face shows that he didn’t like what he heard. “Bakit ba ang hilig mong gumawa ng ingay? Paunti-unti mong sinisira ang repustasyon ng pamilya natin. Why can’t you practice on having a long patience? Masyado kang lumalaking matapang, even I or your Mom can’t tame you.” Pigil ang galit ni Dad sa boses nito. I tried recalling the latest issue about me pero wala naman akong maalala na ginawa kong napakasama. Kung may nasabi man akong hindi maganda, hindi ko iyon kasalanan dahil kung maayos naman ang ginagawa ng mga tao sa paligid ko, wala silang maririnig sa akin. I’m just telling the truth. Hindi ko kasalanan kung masyadong matampuhin o maramdamin ang mga kaharap ko. They have to accept the criticisms from other people. “Sue, please naman! Parami ng parami ang naiinis sayo at sa ugali mo. Pwede bang umayos ka naman ng pakikitungo sa iba? Palagi na lang ganito ang problema natin, hindi ka na natuto.” Naiinis na sabi ni Mommy. Hindi na ako nakapagpigil. I already told them to just let me take a rest. Pwede naman itong mapag-usapan bukas pagkagising ko! Baka sakali sa oras na iyon ay makapagpigil pa ako ng sarili ko at hindi ko na sila masagot. “Maayos naman ako ha? So what if everyone is angry at me? Ayokong magpanggap na mabait kung hindi naman talaga ako ganoon. Hindi ko kasalanan kung masakit sa kanila yung mga katotohanan na sinasabi ko. Hindi ko rin kasalanan kung naasiwa ako sa pagmumukha nila kaya namamalditahan ko sila. I will tell everyone what’s in my mind kasi totoong tao ako.” Hindi ko na naitago ang pagkairita sa boses ko. Napansin kong napatahimik sila. I felt so drained from work at mas lalo talagang nakaka-drain kapag umuuwi ako ng bahay. “Kung wala na kayong sasabihin ay aakyat na ako sa kwarto ko. You can continue scolding me tomorrow. Good night.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD