Kabanata 2

3030 Words
“That’s a wrap, guys! Congratulations for finishing the casual clothes collection for Seviah Co., let’s see each other again next week for the limited edition summer swimwears.” Maligayang bati ni Ivo at tila excited pa para sa trabaho namin next week. Agad akong dumiretso sa dressing room para makapagpalit na ng damit. Mas maagang natapos ang shoot namin ngayon kaysa kagabi. Halos alas-nuebe pa lang ng gabi kaya naman hindi ako ganoon ka pagod. Sumunod sa akin si Nate at ang ilang babaeng models na kasama ko. The other models greeted me for a job well done. Tumango lamang ako sa mga ito. Ni hindi ko manlang sila nginitian kaya mukhang napahiya ang mga ito. Mas inabala ko pa ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit ko at hindi na sila binalingan ng tingin. Agad naman akong siniko ni Nate. Alanganing tumawa ito at humarap sa mga babae. Tatlo sila at puro masasama na ang tingin sa akin. Para namang may pakialam ako sa inyo. “Thank you girls for doing your best for this collection’s photoshoot. Medyo tahimik lang talaga itong alaga ko kaya hindi palasalita pero she’s also glad to work with you girls.” Umangat ang kilay ko saka humarap sa kanila. “That’s not true. I hate working with the three of you. Mga hindi kayo professional. Kaya lalong tumagal ang shoot nitong mga nakaraang araw dahil sa kakulangan niyo ng skill to model the clothes. Kailangan niyo pang mag-practice. Do it infront of a big mirror.” Seryoso kong sabi. Nakita kong nanlilisik na ang mata ng isa sa kanila habang ang dalawa ay hindi malaman kung iiyak ba o magwawala. “Sue...” Nagbabantang sabi ni Nate. Nagtatakang tumingin ako dito. Napatawa ako at humawak sa aking bewang. “What, Nate? I’m just telling the truth for them to improve...” Napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat ang isa sa mga payat na models. “Ikaw ang dapat na tumingin sa salamin. Maganda ka nga at sexy pero napakapangit naman ng ugali mo! Totoo nga ang mga sabi-sabi sayo. Dapat naniwala na lang ako.” Galit at naiiyak na sabi nito. Umangat ang aking isang kilay sa kanya bago harap-harapang umirap sa kanya. Narinig ko ang mga singhap ng tao sa paligid. I felt Nate’s hands on my back to calm me. “If you can’t accept some criticisms, then stop doing anything from now on. Nagsasabi lang ako ng totoo tapos umiiyak ka na diyan. Walang lugar para dito ang mga mahihina ang loob.” Tinalikuran ko ang mga ito pero laking gulat ko nang biglang may humila sa buhok ko. Mabilis lang din iyon at nabitawan din niya ang buhok ko dahil nahawakan siya ni Nate. Galit akong humarap sa babae at buong lakas na tinulak siya. Tumama siya sa make-up stand at mahinang napadaing. Lalo lang itong naiyak habang dinadaluhan siya ng dalawa niyang alalay na model. “How dare you!” Matinis na sigaw nito. “Don’t dare me! You have the guts to pull my hair a while ago and now you’re crying as if I hurted you first? Wow!” Lalapit pa sana ako sa kanya pero humarang na si Nate at hinila na ako palabas ng dressing room. Dala na niya ang bag ko saka kami dumiretso sa van. Mabilis ang aking paghinga pagkapasok sa loob ng sasakyan. Nanggigil ako sa tatlong iyon, lalo na sa isang babaeng iyon! Ang kapal ng mukha. Akala mo naman magaling, eh totoo naman ang sinasabi ko! She’s so stiff. Her face doesn’t show the proper emotions needed for the shoot kaya tumagal kami ng tumagal tapos may gana pa siyang mag-inarte ng ganito ngayon? “Sue naman, hindi mo na sana pinatulan. I saw some staff taking a video kaya pinipigilan kita na gumawa ng kahit na ano. Mamaya ay ikalat na naman nila sa social media mo iyan.” Kalmadong pangaral sa akin ni Nate. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “I’m sorry, Nate. But I was just telling the truth. Well, I kinda insulted her pero mild lang naman. Ni hindi nga ako ang nagsimula na manakit, bakit parang ako pa ang lalabas na masama?” Naiinis kong sabi. Palagi na lang ganito ang nangyayari. Kung sana ay open-minded sila sa lahat ng sasabihin ko ay walang magiging problema. Kung sana ay hindi nila ginagawang big deal ang lahat ng ginagawa at sinasabi ko ay hindi naman papangit ang image ko. It’s just that, naghalo na kasi ang inggit at insecurity nila sa akin kaya some people are willing to do everything just to drag me down. Nagkatotoo ang sinabi ni Nate. Habang pauwi ay nag-trending nanaman ang pangalan ko sa twitter. Halos hindi na mawala ang pangalan ko sa trend list. Mukhang pag-uwi ko ay makakaharap ko nanaman ang mga magulang ko dahil agad na makakarating sa kanila ang video. Ang video na kumakalat ngayon sa social media ay putol at edited. Some parts are muted at halatang siniguro ng nagpost na magmumukha akong masama sa anggulo na iyon. Ni hindi nga kasama sa video na sinabunutan ako ng babae. Nagsimula lang iyon agad sa ginawa kong pagtulak sa model kanina tapos sa mga ilang amba ko na sugurin siya. Iyon lang, it was just a 20 seconds edited clip pero sirang-sira nanaman ang pangalan ko. I turned-off my phone when the car stopped infront of our house. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Nate. “Do you want me to come inside with you? Para maipaliwanag sa mga magulang mo ang totoong nangyari?” Umiling lang ako at pagod na ngumiti. I assured him with that tired and sad smile. “Hindi na, ako na ang bahala sa kanila. They are my parents. Sanay na ako sa mga sinasabi nila. Goodbye, Nate. Ingat ka.” I waved at him before walking inside. Hindi ko pa nahahawakan ang door knob ng pintuan ng mansyon ay bumukas na agad iyon. My Mom’s face is red while she’s holding her phone. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa loob. I roamed my eyes and saw my Dad sitting on the sofa while looking at me sternly. “What is this again, Sue Denise?!” Dumagundong ang galit na boses ni Dad sa sala. Malalakas ang yabag ng paa ni Mommy habang naglalakad palapit kay Dad at naupo sa tabi nito. Hinihilot ni Mommy ang kanyang sentido habang tumitingin ulit sa kanyang cellphone. Ilang sandali ay napapikit ito at ibinagsak ang phone sa sala. “I can’t handle this. I really can’t.” Huminga ako ng malalim. I maintained an emotionless face while walking near them. I tried kissing them on their cheeks but both of them avoided me. I felt a pang on my chest but my face did not falter. I calmly walked away and sat infront of them. “Have you seen all the bad comments to you?! Some are even dragging Seviah, saying that they will boycott our company! Dahil sa mga pinaggagawa mo ay nababahiran na pati ang kumpanya. Wala ka ng ibang ginawang maganda.” Galit na galit si Dad. I want to speak and defend myself but what for? Hindi pa nga nila naririnig ang explanation ko, hindi pa nila naririnig ang side ko but they are already condemning me. Instead of comforting me as their own and only child, ito pa ang pinaparamdam nila sa akin, every damn time. “Sue naman! Kagabi lang ang huling nakausap ka namin ha? We even waited for you to come home just to speak with you regarding this matter pero bakit hindi ka marunong makinig sa amin?! You’re still doing it as if we didn’t talk of it countless of times. Napapagod na akong pagsabihan ka, Sue!” I endured everything. Kahit nararamdaman ko na ang pamilyar na hapdi sa puso ko sa tuwing nasasabihan nila ako ng ganito ay pinili ko pa ring hindi kumibo. “Speak, Sue! Nasaan ang tapang mo ha? Hindi ka mapagsabihan ng isang beses. What else do I need to do to discipline you?! Kailangan bang paghigpitan pa kita? Shall I ground you here inside the mansion just for you to know your lesson?” Mapait kong nilulunok ang galit ni Daddy. Pakiramdam ko ay hindi nila ako anak. Hindi pa rin ako nagsalita. Sa oras na buksan ko ang bibig ko ay baka imbis na salita ang lumabas doon, baka impit ng iyak ang magawa ko. I’m so tired of hearing this from the two of you, Mom, Dad. Padabog na tumayo si Daddy saka naglakad paalis. Tumingin ako kay Mommy at nakita ko ang kairitahan sa mata nito bago sumunod kay Dad. Ilang minuto akong nanatili sa sala. My body is shaking. Para akong sasabog. Gusto kong maiyak, gusto kong magwala. There is too much stress going on inside my head at nakakatakot kapag hindi ko iyon mailabas ngayon. Sinikap kong magtungo sa kwarto. Pagkarating doon ay mabilis lang akong naglinis ng katawan bago nanghihinang nahiga sa aking kama. I opened my phone. My name is still number one on the trending list. Matapang kong binuksan ang mga tweets doon. Punong-puno ng hate comments. Everyone is judging me without knowing the truth. Ang dali nilang paniwalaan lahat ng nakikita nila sa video. Ni isa sa kanila wala manlang nakaisip na edited ang video. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. I just can’t take it anymore. Lahat ng mga salitang binabato sa akin ng mga taong hindi ko kilala ay kaya kong tanggapin. Kaya kong indahin ang mga bashers kasi wala naman silang alam. Hindi naman nila ako kilala. What’s hurting me the most is the fact that my parents are acting like them too. It’s as if they don’t know me also. Pamilya ko sila, but they are even one of them who are so quick to judge me. Maybe it’s also my fault, I made them believe that this is me. Kaya hindi nila nakikita ang pagiging mahina ko. They can’t see the weak girl striving the best just to get some recognition from them. Hindi nila makita na gusto ko lang naman na mapansin nila ako, na maramdaman ko sa kanila na anak nila ako. Growing up, nararamdaman ko lang sila sa tuwing pinapaulanan nila ako ng samu’t saring regalo at luho pero hindi ko naman kailangan ng lahat ng iyon. All I want from them is to feel that I have a family, that they are my parents and that I’m their daughter. Dahil patagal ng patagal ay parang nakakalimutan ko na atang anak pa nila ako at hindi regular employee. Dahil wala akong schedule sa sumunod na araw at sa daraang linggo ay nanatili lang ako sa kwarto. Hindi ako lumabas ng kwarto para maiwasang makaharap ang mga magulang ko. Nagpapaakyat lang ako ng pagkain sa mga katulong. I turned off my phone for the whole day para maiwasang masaktan sa mga sinasabi sa akin ng tao. I am strong to endure everything but I’m not a robot to not feel anything about it. I looked through the window and saw my parent’s car leaving the house. Huminga ako ng malalim saka bumalik sa higaan. Hindi manlang nila ako pinuntahan dito sa kwarto para makausap ng masinsinan, or to even comfort me for all the things they said last night. Kunsabagay, never pa naman nangyari iyon. Never naman nila akong kinausap ng ganoon. Magkakaharap lang naman kami kapag may nagawa akong hindi maganda at mapapagalitan ako. Pero kapag may nagagawa akong maganda ay wala akong naririnig sa kanila kaya siguro akala nila ay wala akong nagagawang tama. Lahat lang kasi ng napapansin nila ay ang mga pagkakamali ko. It’s sad but I can’t do anything about it. Buong araw na ganoon ang ginawa ko. Ang magkulong sa kwarto. Inabala ko ang sarili ko sa panunuod ng mga pelikula. Puro comedy ang pinili ko para maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Para kahit manlang dito ay maging masaya ako. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Nakarinig ako ng katok sa pinto ko. Akala ko ay isa sa mga katulong iyon na naghahatid ng hapunan ko pero laking gulat ko nang makitang si Mommy iyon. May dala itong isang tray ng pagkain. Without speaking, I opened the door for her. Dumiretso siya sa loob at ipinatong ang tray na dala sa lamesa bago naupo sa higaan. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto matapos iyong maisara. I hate feeling uncomfortable with my very own mother. Masyado akong naging malayo sa kanila para maramdaman ito. “Sue...” Malumanay na sabi niya. Malayo sa iritable at galit na boses nito kahapon. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakinig sa kanya. “Sue, do you want to take a rest?” Kinagat ko ang aking labi. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mata. She’s just asking me if I want to have a break pero naiiyak na ako agad! I hate feeling emotional about this. “Naisip ko kasi, baka masyado ka ng napapagod. Maybe, unwinding a little will help you.” She sincerely looked at my face. She tapped the space beside her and urged me to sit with her. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nang makaupo ako sa tabi niya ay marahan niyang hinawakan ang kamay ko. “You can go to Siargao. Alam kong mahilig ka sa dagat. May resthouse tayo doon kaya hindi ka na mahihirapan. You can have a one-week break. Away from all the stress and negativity here in Manila.” Sa nanginginig na labi ay tumango ako sa kanya. Pinipigilan ko ang emosyon ko. Ayokong maiyak sa harap niya, or sa harap nila ni Dad. “Thanks, Mom...” Mahinang sabi ko dito. Tumango ito at ngumiti sa akin. She gently carressed my hair before standing and leaving my room. Pagkalabas na pagkalabas ni Mommy ay binuksan ko ang phone ko. Nagpaalam ako kay Nate tungkol sa bakasyon na sinasabi ni Mommy. I’m not yet sure when’s my flight pero alam kong within these days iyon dahil next week, start na ng pictorial for summer collection ng Seviah. Naramdaman ko ang tuwa sa text ni Nate. He wasn’t able to call me immediately after reading my text dahil nasa kalagitnaan ito ng meeting. But still, I can feel how happy he is for me. Sunod kong sinabihan si Miguel. He simply replied a plain and dull ‘okay’ with my text. I don’t know what’s up with him pero hindi ko na inusisa. Ngayon na nga lang medyo umayos ang pakiramdam ko tapos dadagdagan ko pa ng stress ang utak ko tungkol sa kanya. I tried my best to avoid opening my twitter. Quota na ko sa negativity kahapon. Buong araw akong naglibang and I don’t want to end this day with another sress. Kinabukasan ay sumabay ako kila Mommy at Daddy na kumain. My Mom smiled at me but Dad is still ignoring me. I sighed. “Hon, I booked a flight for Sue tomorrow. Doon muna siya sa Siargao para makapagpahinga. Baka kasi masyado lang siyang napapagod sa sunod-sunod na trabaho.” Huminto si Dad sa pagkain saka humarap kay Mommy. He is still not looking at me. “How long?” Ang baritonong boses ni Dad ay nakakatakot. Siya talaga ang mas matigas at strict kaysa kay Mommy. “For a week, or more. Kung kailan siya ready na bumalik.” Kumunot ang noo ni Dad saka sa wakas ay tumingin sa akin. “Did you brainwash your Mom for this?” Parang tinusok ng maliliit na karayom ang puso ko sa paratang niya. I can’t believe my Dad thinks the worst of me. Hindi ako nagsalita. I know he’s already noticing me not talking back to him but he ignored it. “Hon! Hindi! Ako ang nakaisip nito.” Mabilis akong dinepensahan ni Mommy. “One week is too long! Next week, start na ng photoshoot for summer collections.” Bumagsak ang balikat ko. Maganda ang naging gising ko para lang masira sa almusal ngayon. “Just let her breath. She’s our daughter, Daniel.” Halos maiyak ako sa mga katagang sinabi ni Mommy. This is the first time I felt this from her. This is the first time I heard her defending me. Walang nagawa si Dad kundi pumayag. I owe it to Mom. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang hindi papayag si Daddy. Agad akong naghanda ng gamit para sa isang linggong stay ko sa Siargao. Bukas ng umaga raw ang flight at susunduin ako doon ng driver namin para mahatid sa mismong resthouse. Hindi pa ako nakarating doon. It’s my first time knowing that we have a house in Siargao. Sinabi pa ni Mommy na malapit lang din talaga iyon sa dagat. Walking distance lang iyon kaya naman anytime ay pwede ako makapagtampisaw sa dagat. Hindi masyadong maraming tao doon dahil medyo nasa liblib na lugar ang resthouse kaya naman magkakaroon talaga ako ng oras para sa sarili ko. My Mom told me also that there are no fancy restaurants or shops in Siargao kaya wala rin akong magagawa kundi ma-stuck sa resthouse. It doesn’t really matter to me. Ang gusto ko lang ay ang oras para sa sarili ko. Para makapagpahinga ako ng malayo sa stress at mga negative comments ng mga tao sa paligid ko. Sinundo ako ng van kinabukasan. My parents agreed that Nate’s going to fetch me and drive me to the airport. Tumulong na rin siya sa pagdadala ng gamit ko sa sasakyan. I kissed Dad and Mom goodbye before I went inside the van. “I’m glad they allowed you. I’m sure this will help you a lot. Let loose and enjoy your vacation okay?” Hindi ko maitago ang ngiti ko habang nakayakap sa kanya. Habang nasa byahe patungong airport ay tinawagan ko si Miguel ngunit hindi ma-reach ang cellphone niya. I opened my net to chat him pero sandamakmak na notif ang bumungad sa twitter ko. Everyone is mentioning me together with Miguel and some random girl I didn’t know. I was about to open one of it when Nate speak. “Sue, have you seen this?” He showed me his phone. Nakita ko ang ilang larawan ni Miguel at ng isang babae. They are so close and some pictures of them are hugging and kissing each other. Wala akong naramdamang kakaiba habang tinitignan ang mga larawan nila na malalapit sa isa’t-isa. As I said, wala naman akong gusto talaga kay Miguel. “Let him be. I want to have a break and I don’t want to deal with him and his ego problems.” Walang pakialam na sabi ko kay Nate. Nagkibit-balikat lang ito saka muling sumandal sa kanyang upuan. I immediately texted Miguel. Let’s break up. Kahit wala naman talaga tayong relasyon. Enjoy your new girl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD