Thalia's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Siguro mga labing minuto na akong nakatayo dito pero hindi ko man lang magawang buksan ang gate dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam ang maaaring maging reaksyon ni Lolo kung malalaman niya ang pagbubuntis ko lalo pa at tatlong buwan na lang ay makakapagtapos na ako ng kolehiyo.
Bago ako umuwi ay sinabihan na ako nila Xienna na mas mabuti ng malaman ni Lolo ang tunay na kalagayan ko. Karapatan naman daw kasi iyon ni Lolo lalo pa at ito na lang daw ang natitirang pamilya ko.
Ayoko mang bigyan siya ng problema sa mga panahong ito pero kinakailangan niyang malaman ang ipinagbubuntis ko. Hindi ko naman ito maitatago pa sa kanya kahit kailan dahil ilang buwan lang ay makikita na din naman ni Lolo ang pagbabago sa akin.
Kahit ayaw kong maguluhan o magalala si Lolo, kailangan ko pa rin ng pagkalinga at suporta ng pamilya sa panahong ito.
Kahit wala man akong mga magulang dahil pumanaw na sila dahil sa isang aksidente noong 10 taong gulang pa lang ako, ipinaramdam pa rin sa akin ni Lolo na may kumpletong pamilya ako.
Pinunan niya lahat ng pangangailangan ko sa isang magulang kahit sa mga materyales na bagay man o hindi. Lagi itong nakasuporta sa akin kahit ano man ang mangyari.
Natigilan ako sa pag iisip nang marinig ko ang tinig ni Lolo na palabas sa munting tahanan namin.
"Oh, apo! Kahapon pa ako nag-aalala sa iyo. Ano ba ang nangyayari sa iyong bata ka? " tanong ni Lolo sa akin at hinaplos pa ang noo ko. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko habang nakatitig kay Lolo. Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.
Kasabay ng pag ngiti ko ay ang siyang pag-agos ng mga luha sa aking magkabilang pisngi. Nahihirapan man akong sabihin ang bagay na ito pero kailangan.
"L-lolo patawad po." humihikbing saad ko kay Lolo at kasabay nito ay pagyakap ko sa kanya.
"Halika nga apo at pumasok muna tayo. Doon sa loob natin pag-usapan ang problemang mayroon ka." sabi ni Lolo at iginaya na ako papasok sa loob.
Naupo kami sa may sala at kinuhanan na din ako nito ng tubig na maiinom. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin pero nilakasan ko na ang loob ko. Wala ng atrasan kasi nandito na at ito na siguro ang tamang panahon.
Namayani ang katahimikan bago ako humugot ng isang malalim na buntong hininga.
"L-lolo, b-buntis po ako." maikli at mahinang wika na para bang ibinagsak ko ang isang malaking bomba sa pagitan namin ng Lolo ko.
Hindi ko alam ang reaksyon nito dahil nanatili lang akong nakayuko habang umiiyak. Nanatili naman siyang tahimik na para bang hinihintay ang paliwanag ko.
Siguro ito na din ang panahon para sabihin sa kanya ang nangyari sa akin nang gabing iyon. Sapat na ang pagsisinungaling ko noong nakita niya akong may pasa sa pisngi nang umuwi ako.
"Lo, h-hindi ko po ginusto ang mga nangyari. G-ginahasa po ako ng walang kalaban-laban. Pinagsamantalahan po ako ng taong hindi ko kilala. N-naaalala niyo po ba noong nakaraan na umuwi akong may pasa sa mukha? Nagsinungaling po ako sa inyo. Hindi naman po talaga ako tumama sa kung saan..."
"Kaya rin po palagi akong nakakulong sa kwarto, hindi kumakain, hindi nagsasalita, at umiiyak tuwing gabi dahil... Na-trauma po ako sa mga pangyayaring iyon at lagi ko po iyon napapanaginipan na parang isang bangungot..."
"Hindi ko po n-nagawang ipaglaban ang sarili ko dahil masyado po siyang malakas. B-binaboy niya ho ako, Lo. Patawarin niyo po ako. Kasalanan ko po ang lahat ng ito." paliwanag ko kay Lolo na sa sobrang pag-iyak ko ay halos nabubulol na ako at hindi makahinga ng maayos.
"G-gusto ko man pong sabihin sa inyo agad pero n-nawalan po ako ng lakas ng loob. Patawarin niyo po ako." pagpapatuloy ko.
Hindi pa rin umimik si lolo sa halip ay bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit na tipong sinasabi na nitong hindi siya galit. Niyakap niya ako hanggang sa medyo kumalma na ako.
Para bang pinararamdam ni Lolo na wala akong dapat ikabahala dahil handa siyang tanggapin ang nangyari sa akin sa kabila ng nangyari. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ni Lolo kaya niyakap ko din ito ng mahigpit.
"Apo, alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo pero lagi mong tatandaan, nandito lang ako para sumuporta sayo. Nabigla man ako sa mga nalaman ko pero kailanman ay hindi ko isisisi sayo ang mga bagay na iyon. Hindi mo kasalanan kung may mga walang hiya sa mundong ito..."
"Palalakihin natin ang apo ko sa isang mabuting mundo. Kung saan kabutihan lang ang matututunan niya. Kahit ano naman kasi ang mangyari ay hindi kasalanan ng bata kung ano man ang nangyari." sabi ni Lolo habang hinahagod niya ang likod ko.
Hindi ako makasagot sa kanya. Napakaswerte ko at nandyan pa si Lolo sa tabi ko. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa akin.
Siguro kung nagagalit ngayon si Lolo o kaya'y kamuhian ako at palayasin sa bahay namin, hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa buhay ko.
"Lo, salamat po. Mabuti na lang po at natanggap niyo ako. Humihingi po ulit ako ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan. Salamat din po kasi tinanggap niyo pa din po ako sa kabila ng pangyayari." hindi pa din tumitigil ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko.
Masaya ako dahil para akong nabunutan ng tinik sa puso sa pagtanggap ni Lolo kahit alam ko may kaunting galit siya sa akin.
"Sino ba namang lolo ang hindi tatanggap sa kanyang apo lalo na at hindi maganda ang nangyari dito? Hindi ba wala? Kung meron man, hindi ako iyon apo. Mahal na mahal ka ni Lolo at handa akong tanggapin ka kahit ano pa man ang mangyari sa iyo." sabi pa nit at binigyan ako ng kiming ngiti.
"Maraming maraming salamat po talaga Lolo, hindi ko na po alam kung paano ko pa po kayo masusuklian."
"Ano ka ba naman apo, para saan pa at nandito ako. Tutulungan kitang buhayin ang anak mo sa abot ng aking makakaya. Kahit huwag mo ng isipin ang mga gastusin. Ang mahalaga ay mabigyan ng magandang buhay ang anak mo kahit pa sa hindi magandang paraan siya nabuo." sabi pa ni lolo at nginitian ako.
"Maraming salamat po, Lo. Sa tingin niyo po ba kung nabubuhay pa sila Mama at Papa ay matatanggap kaya nila ang batang nasa sinapupunan ko ngayon?" nag-aalangang tanong ko.
"Oo naman, apo. Maiintindihan nila ang nangyari sayo. Mahal ka ng magulang mo. Lagi ka lang titingin sa kalangitan at kausapin sila. Kahit wala man sila sa tabi mo ay lagi lang silang nakatunghay sa iyo para gabayan ka." sabi pa ni lolo.
"Teka apo, nagpatingin ka na ba sa doktor para masigurado ang kalagayan niyo ng baby mo?" tanong ni Lolo.
"Hindi pa po lolo eh, kanina ko lang po kasi nalaman habang kasama ko sila Xienna at Catrina."
"Kung ganoon, sasamahan kita bukas tutal naman ay Sabado. wala din naman akong gagawin sa mansion ng mga Henderson." sabi ni Lolo.
"Sige po. Salamat po talaga.Bbuti na lang po kayo ang kasama ko sa buhay at hindi kayo katulad ng iba na kinamumuhian at nilalayuan ang mga katulad ko dahil sa nangyari. Buti na lang po hindi kayo nandidiri sa akin."
"Bakit ko naman pandidirihan ang nag-iisang apo ko, eh hulog kayo ng langit ng anak mo. Masamang ipagtabuyan ang biyaya ng Diyos."
Nginitian ko si Lolo kahit na may luha pa ring pumapatak galing sa mga mata ko. Labis ang kasiyahan ko at kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil tanggap nito ang inamin ko.
"Nakilala mo ba kung sino ang may gawa niyan sa iyo? Kung gusto mo apo ay ipahanap natin ang walang hiyang hayop na iyon ng makulong siya sa ginawa niya sa iyo." nagbago bigla ang timpla ni Lolo kaya agad kong hinawakan ang kamay nito.
Ayokong lumaki pa ang mga bagay-bagay lalo pa at sa tingin ko ay malaking pera ang kinakailangang ilabas para lang makulong ang halimaw na iyon. Sa hilatsa pa lang ng pamumuhay nito ay halatang mayaman ito.
"H-hindi po, Lo. Mas maganda po siguro kung kalimutan na lang natin ang nangyari. Alam ko na hindi talaga kapata-patawad ang nangyari pero hindi rin kasi natin sigurado kung sino man ang walang hiyang iyon."
Napabuntong hininga naman ito at tumang-tango.
Anak, kapit ka lang ha? Alam kong marami tayong pagdadaanan pero hindi ka kailan man iiwan ni Nanay.
Mahal na mahal kita kahit na wala kang kalalakihang ama at sa maling paraan ka nabuo. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang. Hindi man ako maging perpektong ina pero para sayo, susubukan ko lahat ng makakaya ko.
Kaya natin to, anak.
KINABUKASAN ay halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil nga sa pupunta kami sa ospital.
"Lolo parang ayaw ko na po tumuloy sa ospital, natatakot po ako."
"Apo, wala kang dapat ikatakot dahil kasama mo naman ako. Nandito lang ako para suportahan ka. Isa pa ay kailangan natin malaman ang kalagayan ng anak mo." sabi ni Lolo at umupo sa tabi ko.
"Pero Lo, alam niyo naman d---" pinutol na niya kung ano man ang sasabihin ko at nginitian ako ng malumanay.
"Thalia, anong sinabi ko sa iyo kagabi ng mag-usap tayo tungkol dito?"
"Kahit ano pong mangyari hindi niyo po ako pababayaan."
"Alam mo naman pala eh kaya huwag ka ng mag-alala at na-eexcite na ako sa magiging apo ko sa tuhod." masayang wika ni Lolo at halatang tanggap nito ang anak ko kahit pa--- Napailing na lang ako.
NANG makarating kami sa ospital ay kita ko ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao roon. Hindi ko naman maiwasang mapayuko dahil alam ko naman na bata pa ako para magkaroon ng anak.
"Ms. Victorio, pwede na po kayong pumasok sa loob." sabi ng isang nurse at nginitian ako.
"A-ah, sige po maraming salamat. Halika na po, Lo." humugot ako ng isang malalim na buntong hininga nang tumango si Lolo.
"Good Morning po, doc." bati ko sa doctor nang buksan ko ang pintuan.
"Ms. Victorio, please have a seat." sabi ni doc habang nakatingin sa isang papel na sa tingin ko ay ang resulta na ng check-up ko.
"Ms. Victorio, wala naman akong nakikitang problema sa pagbubuntis mo pero siguraduhin mo lang sana laging maingat ang galaw mo dahil baka mapahamak kayo ng anak mo. As of now, congratulations dahil you're already a mom! Just enjoy your pregnancy and don't stress yourself too much." masayang bati ng doktor.
Sisiguraduhin kong papalakihin ko ng maayos ang magiging anak ko, at magsisimula ng bagong kabanata ng aking buhay.
Alam kong madami pa akong kahaharaping problema kasama ang aking magiging anak at ang mga taong mahal ko sa buhay.
Lucas' POV
Napatigil ako sa pagbabasa ng mga papeles dito sa bahay nang makita kong may tumatawag sa cellphone ko. Napailing ako nang makitang si Mom lang iyon.
"Yes, hello po?"
"Hi, baby! how are you?"
"Fine, why did you call?"
"I called you because I wanted to ask you if you could take care of our business here in New York for the meantime."
"Bakit Mom, may problema din po ba diyan?"
"We don't have any problem kaso kailangan kami ng Dad mo sa Europe to meet some new investors. Alam mo naman baby boy, every investor is really important."
"Okay mom, but please stop calling me baby boy. It's to awkward for me, Mom."
"Alright. alright. Bye, Lucas! See you! Oh, I just want to remind you that I already booked you a flight tonight!"
"You booked mo a flight ng hindi ko nalalaman, ano pa nga ba ang aasahan ko sa inyo mom, you like surprises."
"Hahaha! Sige na anak, I have to go. Take care, baby boy."
Aapila pa sana ako but she already ended the call. Napailing na lang ako sa pagiging makulit nito. What's new?
"Nanay Rosi kayo na po ang bahala dito. Kailangan daw ako nila Mom sa New York at sa tingin ko ay matatagalan pa bago ako makabalik." bilin ko rito nang bumaba ako.
"O-oo naman Lucas, anak. Makakaasa ka sa amin." ngumiti ng alanganin si Nanay Rosi at tumingin sa iba pang mga kasambahay na naroon.
It has been almost a month since they started to act like this. Matagal na si Nanay Rosi na nag-sisilbi sa pamilya namin pero ngayon ko lang siya nakitang nangangamba ng ganito.
It's like they are hiding something from me.
I already asked them about what happened that night but they are just keep on refusing to say something. Ayoko namang pilitin sila kung ayaw naman talaga nila. I am not that kind of person after all.
"Sige , Hijo mag-iingat ka ha at huwag kang magpa-patakbo ng mabilis." this time, ngumiti na ng maluwang si Nanay Rosi sa akin.
Nginitian ko na lamang siya at sumakay na sa sasakyan ko. Naagaw agad ng pansin ko ang backpack na nasa likod ng sasakyan.
I really don't know kung bakit ba hanggang ngayon ay hindi ko iyon tinatanggal sa loob ng sasakyan ko. I didn't even bother myself to look what's inside.
Curiosity hits me so I decided to open and check what's inside. Mayroong laman itong isang pink na coin purse, isang cellphone na luma na ang modelo, mga libro at isang keychain na letrang T.
Paanong nagkaroon ng backpack ng isang babae dito sa sasakyan ko? I never brought some random girls na may ganitong dala-dalang gamit.
Bumaba muna ako sa sasakyan bitbit ang backpack na iyon at agad na tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Maybe, Nanay Rosi knew something about this.
"Nanay Rosi, alam ninyo po ba kung sino ang may-ari nito?" takang tanong ko rito.
Nakita ko naman ang pamumutla nito at marahang kinuha sa mga kamay ko ang backpack na iyon. Ngumiti ito sa akin ng malungkot pero hindi man lang ito umimik.
"Pasensya na, Hijo. Wala akong maisasagot sa iyo sa ngayon. Sige na, umalis ka na at baka mahuli ka pa sa flight mo." wika nito at tinalikuran ako.
Napahawak ako sa sintido ko. I can't take this anymore.