Kabanata 4

1223 Words
Thalia's POV Sa mga nagdaang linggo ay palagi lamang akong tulala, nakakulong sa kwarto o hindi naman kaya'y madalas na wala akong gananh kumakain. Ni makipag-usap ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay iiyak na lang ako bigla. Nang dahil doon ay lagi akong tinatanong ni Lolo kung ano nga ba ang problema ko. Ni hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil sa takot na baka hindi niya kayanin ang lahat. Mas minabuti ko na lang ding bumalik ng paunti-unti sa mga normal ko nakagawian para lang makalimutan ang isang bangungot sa aking buhay. Kasama ko sila Catrina at Xienna dito sa cafeteria ngayon. Kakaumpisa lang ng break namin pero heto ako at hindi maiwasang matakam sa pagkain. Isa pa iyong pagbabago sa sarili ko. Palagi akong nakakaramdam ng pagkagutom o hindi naman kaya ay pagkatakam sa mga pagkain. Minsan pa nga ay naghanap ako ng tuyo at ice cream pero pinigilan ko na lang ang sarili ko non dahil na nga rin sa nagtitipid ako. Sa ngayon nga ay natatagalan naman ako sa pagpili dahil pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko sa ibang nakikita kong putahe roon. Nang makita ko na iyong mga gusto ko ay agad ko na iyong binili kahit sakto na lang ang magiging pamasahe ko pagkatapos. "Ano ba naman iyan, Thalia! Ang lakas mong kumain. 'Di ka ba natatakot tumaba? Hindi na normal iyan ha." sita sa akin ni Xienna. Hindi ko siya pinansin sa pagsaway niya bagkus ay nagpatuloy lang ako sa paglantak ng mga pagkain. "Oo nga, girl! Kung kumain ka para kang naglilihi diyan. Buntis ka ba?" pabirong wika ni Catrina at sinamahan pa iyon ng tawa. Pero dahil sa sinabi niyang iyon ay natigilan ako sa pagkain at nabitawan ko ang hawak kong kubyertos. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa mga pagkain sa harap ko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako dinadatnan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa posibilidad na maging totoo nga ang biro ni Catrina. Tumulo na lang bigla ang mga luha ko at napayakap sa sarili. A-ano ng gagawin ko ngayon? "Oh my gosh! H-huwag mong sabihing..." hindi na naituloy ni Catarina ang sasabihin niya at bigla na lang silang tumabi sa akin para yakapin ako. Hinaplos ni Xienna ang likod ko at pilit akong pinatatahan. "Thalia, pasensya ka na. Biro lang naman iyon eh. Huwag ka ng umiyak." nag-aalalang wika ni Catrina. Pinunasan niya pa ang luha ko gamit ang panyo niya. "H-hindi Catrina... M-may posibilidad na mangyari iyon. K-kasi... Hindi pa.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapagtagpi-tagpi ang lahat. "Kung hindi ka sana namin hinayaan ng gabing iyon, hindi sana nangyayari ang mga bagay na to." sabi ni Xienna na medyo naluluha na din... "Sana kung mas naging responsable kaming kaibigan, wala sanang ganito. Hindi ka sana nahihirapan ng ganito." saad ni Catrina at humihikbi-hikbi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa ako tapos sa pag-aaral tapos may posibilidad na mabuntis ako. Ang masaklap pa rito ay lalaki ang anak ko ng walang kinikilalang ama. "W-wala kayong kasalanan. K-kaya huwag niyong sisihin ang sarili niyo dahil ako din naman ang may kasalanan nito." ang sabi ko sa kanila sa pagitan ng pag-iyak ko. "Naging masyadong pabaya ako sa sarili ko kaya ako nagkaganito." dugtong ko pa. Niyakap ako nila Xienna at Catrina habang hinahagod ang likod ko. Pano na ang mga pangarap ko? Paano ko bubuhayin ang magiging anak ko kung ganito ang kahihinatnan ko? Ngunit kahit anong mangyari ay hindi ako tutulad sa mga inang sinisisi ang mga anak nila. Kahit anong mangyari ay ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at hindi ko kailanman isisisi sa kanya ang nangyari sa akin. Ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan niya sa abot ng makakaya ko. Hindi ko siya ituturing na isang masamang pagkakamali dahil isa siyang anghel na ibinigay sa akin upang bigyang kulay muli ang buhay ko. Kalaunan ay kumalma na ako at naisipang umuwi na lamang kaysa pumasok sa susunod na klase. Ganun din ang ginawa nila Catrina at Xienna. Napagpasyahan nila na samahan ako sa pagkumpirma kung buntis nga ba ako. "Cat, Xien, dumaan muna tayo ng drug store. Bibili ako ng p-pregnancy test." tumango sila sa akin at binigyan ako ng kiming ngiti. Nang makabili kami ay agad kaming dumiretso sa bahay ni Xienna dahil ayoko naman na gawin iyon sa bahay. Ayokong makita ni lolo ang pregnancy test na ito lalo na't baka positibo ang kalabasan. Pagkarating namin sa condo ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dumiretso na ako ng banyo para malaman ang resulta. Nag-hintay ako ng ilang mga minuto at ganoon na lamang ang pag-uunahan ng mga luha kong lumubas. Napatingin sa akin ang dalawa nang lumabas ako ng banyo at kinuha ang pregnancy test na hawak ko. Positive. "Xienna, a-ano ng gagawin ko? Positibo ang lumabas sa test. B-buntis ako. May baby sa sinapupunan ko." napahagulgol na lang ako at niyakap naman nila ako agad. Ramdam ko din ang pagluha nila habang kayakap ako. "Kakayanin mo ito, Thalia. Kakayanin mo dahil nandito kami para suportahan ka. Nandito kami at hindi ka iiwang mag-isa lalo pa at dalawa na kayo ni Baby. Nandito kami hindi dahil responsibilidad namin tong nangyari sayo o nakokonsensya kami kundi dahil kaibigan ka namin. Mahal ka namin at hindi ka namin kayang iwan. Iyan ang promise natin sa isa't isa noon pa man hindi iba? Na kahit anong problema ang dumating, mas magiging matatag ang samahan natin. Nas magiging matibay ang pagkakaibigan natin." mahabang wika ni Xienna habang humihikbi. "Hindi ka namin kailan man iiwan kasi magkakapatid tayong tatlo. 'Di man tayo magkadugo pero konektado na ang mga puso't kaluluwa natin. Isipin mo palagi na kung talikuran ka man ng mundo, nandito kami para sumalo sayo. Ngayong matinding pagsubok ang kinahaharap mo, lagi mong tatandaan na nandito kami para sayo." turan naman ni Catrina. "Salamat. Salamat sa lahat. Kung hindi dahil sa inyo ay baka matagal na akong sumuko at hindi nakapag-isip ng tama." mas lalong humigpit ang yakapan namin sa isa't isa. Maswerte ako dahil sa kabila ng problemang dumating sa akin ngayon ay meron akong mga kaibigan na handa akong gabayan at hindi ako iiwan. Maswerte ako at nakilala ko sila. Maya maya pa ay tumahan kami tatlo at naupo sa may sala ng condo ni Xienna. Mahabang katahimikan ang namayani. Nagkatinginan kaming tatlo at bigla na lang natawa. Kahit ako na may mabigat na problema at natawa pa din. Sabi nga nila, kahit may problema, patuloy pa ring tumawa o ngumiti. Kaya heto ako, tumatawa kasama ng mga kaibigan ko. "Ang drama natin. Pero seryoso Thalia, walang iwanan kahit kailan. Promise 'yan." sabi ni Catrina at itinaas pa nito ang kanang kamay niya "pinky swear?" wika naman ni Xienna at iniangat ang hinliliit niyang daliri. "pinky swear." itinaas ko rin ang daliri ko gayun din si Catrina. Ngayon napatunayan ko na mayroon nga akong mga tunay at mabubuting kaibigan dahil hindi nila ako iniwan sa kabila ng pinagdadaanan ko. Napahimas ako sa impis kong tiyan. Kaya natin to baby. Hindi kita pababayaan. Kahit bunga ka man ng isang pagkakamali ay kailanman hindi ko ipaparamdam sa iyo iyon. Mamahalin kita ng higit pa sa kahit anong bagay at hindi ako kailanman gagawa ng makakasakit sayo. Pangako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD