Thalia's POV
Naalimpungatan ako ng may marahang tumatapik sa kaliwang pisngi ko at ang marahang pagtanggal ng pagkakatali sa mga kamay ko.
Nang idinilat ko ang aking mga mata ay nasilayan ko ang isang babae na parang nasa sinkwenta na ang edad. Ngumiti ito sa akin ng puno ng pag-aalala kaya hindi maiwasang mangilid ang mga luha ko.
"Hija, halika na. Tinanggal ko na ang tali sa kamay mo at gagamutin na natin ang mga sugat sa katawan mo." mahinang saad sa akin ng matanda. Tumango na lamang ako bilang tugon sa sinabi niya.
Inalalayan niya akong tumayo dahil masakit pa din ang p********e ko pati na rin ang iba't ibang parte ng aking katawan dahil na rin sa higpit ng pagkakatali ng lalaking ito na gumahasa sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko.
Binigyan niya naman muna ako ng tuwalyang puti para pampatong sa hubad kong katawan. Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang sira-sira kong bisita sa lapag. Wala na akong maisusuot na damit pauwi.
Nakita ko yung bakas ng dugo sa kama ng pagkatayo ko. Hindi ko na napigilan at naluha na naman ako dahil sa nangyari sa akin kagabi. Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang pag-alpas ng hagulgol ko.
Isang hindi ko kilalang lalaki ang gumawa sa akin nito at ang matindi pa ay siya ang kumuha ng pinakaiingat-ingatan ko ng halos labing siyam na taon.
"Tahan na, iha. umalis na tayo dito at baka makita pa tayo ni Lucas." sabi nito sa akin habang tinutulungan ako.
Lucas pala ang pangalan ng hudas. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Isa siyang demonyo. Walang hiya.
Dahan-dahan akong naglakad habang nakaalalay pa rin sa akin ang matanda. Nang makababa kami ay dumiretso kami sa isang hindi kalakihang kwarto na halatang maid's quarter iyon.
"Hija, heto at suotin mo ang bestidang nahanap ko na sa tingin ko naman ay kakasya sa iyo. Pasensya ka na at iyan lang ang maibibigay ko dahil wala na akong makita pang iba rito. Maligo ka na para makauwi ka na at baka maabutan ka pa ni Lucas dito." sabi ng matanda kaya kinuha ko na agad ang damit.
"M-maraming s-alamat po sa tulong niyo. A-no po bang pangalan niyo?" nauutal kong tanong dito habang pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.
"Rosi. Nanay Rosi na lang ang itawag mo sa akin. Pasensya na at hindi kita natulungan ka agad, kaninang umaga ko lang kasi nalaman ang ginawa ng batang iyon na siya namang ikinagulat ko nang dumating ako. Hindi ko lubos maisip na kayang gumawa ng ganoon ni Lucas. Dalian mo na ang pagkilos hija at bibigyan na lang kita ng pamasahe para makauwi ka na sa inyo." sabi pa nito habang hinahawi ang mga nagkalat kong buhok sa pisngi.
Hindi ko napigilan pa at napayakap ako kay Nanay Rosi sandali at napapikit. Hanggang ngayon ay takot na takot pa din ako sa nangyari at hindi ko lubos maisip na sasapitin ko ang ganito.
Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay agad akong nagbuhos ng tubig sa aking katawan at kinuskos ang bawat parte ng katawan ko. Pumasok na naman sa isipan ko ang sinapit ko sa mga kamay ng hayop na lalaking iyon at hindi ko na naiwasan pang mapahagulgol at mandiri sa sarili ko.
Ayoko ng makita pa siyang muli. Sana isang bangungot na lamang ito at hindi to kailanman nangyari sa buhay ko. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay nagmamadali akong lumabas ng banya at lumapit kay Nanay Rosi.
"Nanay Rosi, n-naka-ayos na po ako. Gusto ko na p-pong makaalis d-dito. Maraming salamat nga po pala sa tulong na naibigay niyo sa akin. Balang araw ay sana masuklian ko po ang kabaitan niyo at ang pagtulong niyo sa akin." sabi ko pa rito.
"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo, hija?" tanong nito habang hawak ang dalawa kong kamay.
"Thalia po." sagot ko rito at nginitian niya naman ako bilang tugon. Iginaya niya naman ako palabas ng pinto.
Medyo mabagal pa din ang paglakad ko dahil nararamdaman ko pa din ang pagsakit ng p********e ko at ang iba pang parte pa ng katawan ko. Napangiwi ako ng himasin ko ang tiyan ko na sa palagay ko ay nagkaroon ng pasa sa pagsuntok ng lalaki.
Nang makarating ako sa may tarangkahan ng bahay na iyon ay bigla naman humabol sa akin muli si Nanay Rosi.
"Hija, baka mayroon ka pang naiwang gamit sa loob?" tanong sa akin ni Nanay Rosi.
"Wala naman po. Sa tingin ko ay nahulog ko po ang bag ko kung saan nang.." napailing na lang ako ng bumalik sa balintataw ko ang imaheng kailanman ay isang masamang karanasan sa akin.
"Nanay Rosi, pwede niyo po bang sunugin ang mga nagkalat kong damit sa kwarto niya? Sana po ay manatiling sikreto ang nangyari sa akin dito sa bahay na ito." pakiusap ko rito.
"Huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa lahat. Magpakatatag ka ha? Lagi mong tatandaan na laging nandyan ang Diyos para gabayan ka. Sige na, umalis ka na at baka maabutan ka pa ni Lucas." sabi ni Nanay Rosi at kita ko ang pangingilid ng luha nito.
" Maraming salamat po ulit."
Umalis na ako sa lugar na iyon at sumakay ng taxi. Dumiretso na lang ako sa condo ni Xienna dahil ayoko munang makita ako ng lolo ko na ganito ang itsura. Paniguradong mag-aalala lang iyon sa akin at baka kung ano pang mangyari sa kalusugan niya.
Napahikbi akong muli at niyakap ang sarili ko. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko at ang pag-agos ng luha sa magkabilang pisngi ko.
Bakit sa akin pa nangyayari ang mga bagay na ito? Kulang pa ba lahat ng paghihirap na dinadanas ko at kailangan ko pang dumaan sa ganitong kasaklap na pangyayari?
Nang makarating ako sa tapat ng condo ni Xienna ay mabilis akong nagbayad at nagmamadaling pumasok. Marahan akong kumatok sa pinto ng unit ni Xienna at ganoon na lamang ang paghagulgol ko nang makita ko ang kaibigan kong nagtatakang nakatingin sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit na para isang batang na-agrabyado at nakahanap muli ng kakampi.
"Oh my gosh, Thalia! Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ka umiiyak?! Halika nga at pumasok muna tayo sa loob!" bakas ang pagkagulat at pag-aalala kay Xienna habang inaalalayan ako papasok sa loob ng unit niya.
"Thalia, huwag ka ng umiyak. Tahan na. Ano bang nangyari sayo at ganyan ang itusra mo? Sandali, tatawagan ko muna si Catrina." pag-aalo pa nito at inabutan ako ng isang baso ng tubig.
Hindi ko na kasi mapigilan at ramdam kong sasabog na ang damdamin ko sa sobrang hirap ng nararamdaman ko. Masyadong masalimuot ang mga nangyari at ni sa hinagap ay hindi ko kailanman maisip na.. na mawawala ang lahat sa akin sa isang iglap lang.
Tumabi muli sa akin si Xienna at hinagod muli ang likod ko para mapatahan lang ako. Ilang sandali lang ay dumating na si Catrina at naghihikahos na lumapit sa akin.
"Thalia! Anong nangyari? Magsalita ka naman oh. Natatakot na ako sa kalagayan mo." sabi ni Catrina nang umupo ito sa tabi ko. Hinaplos pa nito ang mukha ko at kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala.
Huminga muna ako ng malalim at ramdam ko muling nagbabadya ang mga luha kong tumulo muli habang inaalala ng nangyari kagabi.
"K-kagabi kasi ng nasa daan ako para makauwi.. Hindi.. ko.. na kaya.. Xienna.. Catrina.." humahagulgol pa din ako at pilit naman nila akong pinapatahan. Nasa magkabilang gilid ko lang sila at kita ko ang pagkalito sa mga mata nila
"Sabihin mo sa amin ng dahan-dahan. Ano bang nangyari sayo? Hindi namin maintindihan, Thalia." sabi ni Catrina habang hinahagod ang likod ko.
Kinalma ko muna ang sarili ko at isinalaysay sa kanila kung anong nangyari sa akin. Sinabi ko sa kanila ang lahat ng detalye mula sa paglabas ko ng bar hanggang sa pagpunta ko dito sa condo ni Xienna.
Habang kinukwento ko iyon, naaalala ko ang ngiting mala-demonyo ng lalaking Lucas habang binababoy niya ako. Hindi ko maialis sa isip ko ang namumula niyang mga mata na para bang lango ito sa droga. Ang mararahas na pagkilos niya. Ang pananakit niya. Ang paggamit niya sa katawan ko.
Ang sakit sa kalooban dahil sa panggagahasa sa akin ng hayop na iyon ay parang gumuho na din ang mundo ko. Sobrang sakit sa akin alalahanin ang mga detalyeng kailanman ay hindi lulubayan ang pagkatao ko.
Umiiyak na din sa tabi ko sila Xienna at Catarina. Ramdam ko ang awa at galit sa mga mata nito sa lalaking gumahasa sa akin. Niyakap nila ako para kumalma ng kaunti dahil halos 'di na ako makahinga dahil sa pag-iyak. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari sa akin ang mga bagay na iyon. Ano ba nagawa kong pagkakamali at sinapit ko ang madilim na karanasan na ito?
"Xienna, Catrina, p-pwede b-bang itago natin ang nangyaring ito lalong-lalo na kay Lolo? Ayokong mag-alala pa siya sa akin. Matanda na siya at ayoko ng magbigay pa sa kanya ng bigat ng loob o kahit anong problema pa." hinging pabor ko sa kanila.
Natatakot din kasi ako na malagay sa peligro ang buhay ng lolo ko kung malalaman niya ang nangyari sa akin kagabi. Baka hindi niya kayanin at matanggap. Ayokong mawala ang lolo ko. Nag-iisa na lang siyang kamag-anak ko at ayokong pati siya ay mawala pa sa akin.
"Makakaasa ka sa amin. Thalia, sorry. Sorry. Patawarin mo sana kami. Kung hindi ka sana namin hinayaan na umuwi mag-isa, hindi sana mangyayari sayo ito. Hindi ka sana magkakaganito. Hindi san--" pinutol ko na ang sasabihin ni Xienna dahil ayokong sisihin nila ang sarili nila sa kung ano man ang dinanas ko.
Wala namang may gusto ng nangyari at ayoko ding bumigat ang loob nila sa kasalanang hindi naman nila ginawa.
"Wala kayong kasalanan. Walang may g-gustong mangyari ang bagay na ito kaya huwag niyong isipin na kayo ang may kasalanan." wika ko at ramdam ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko, tanda na handa na namang umalpas ang mga luha ko.
"Kahit na, Thalia! Naiinis ako sa sarili ko! hindi man lang kita naprotektahan sa walang hiyang iyon!" niyakap ko si Catrina dahil masyado niyang sinisisi ang sarili niya. Sobrang lakas din ng hagulgol nito at ako din ang nasasaktan para sa kanya.
Niyakap ko silang pareho at ipinikit ang mga mata ko. Masyado na akong napagod at namalayan ko na lang na nakatulog na pala akong kayakap sila.
Lucas's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko. Napahawak ako sa magkabilang sintido ko at hindi ko maiwasang mapangiwi. Sobrang sakit ng ulo ko at medyo nahihilo pa ako ng tumayo ako sa kama.
Napansin ko nakahubad ako at wala akong saplot na kahit ano sa katawan. Nagtataka ako kung bakit ganito ang itsura ko lalo pa at hindi ko ugaling matulog ng walang kahit anong saplot. Lalo nangunot ang noo ko nang makita ko rin ang bakas ng dugo sa higaan ko.
Tinignan kong maigi ang sarili ko ngunit wala naman akong makitang kahit anong sugat rito. Napakibit balikat na lamang ako at dumiretso sa loob ng banyo.
Wala akong maalala sa nangyari sa akin kagabi. Ni hindi ko din maalala kung paano ako nakauwi sa bahay ng lasing. Paniguradong sesermunan na naman ako ni Mommy kapag nalaman niya ito.
Knowing her. She will truly wring my neck especially that we're in the midst of trouble this time. f**k that guy who stole millions of money in our company. Huwag lang talaga siyang magpapahuli sa akin because I'll make sure he'll never have a second chance to live. Lintik lang ang walang ganti.
Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay bumaba na ako agad para makapag-almusal. I really need do something to clean up this f*****g mess.
"Nanay Rosi, sumabay na po kayong kumain sa akin." paanyaya ko kay Nanay Rosi nang umupo ako sa harap ng hapag.
"A-ahh sige, Hijo. M-mauna ka na at h-hindi pa naman ako gutom." sagot nito na para bang natatakot sa akin. Kita ko din ang pag-iwas ng tingin ng iba pang mga kasambahay sa akin. What's wrong with them?
"Nay, may problema ho ba?" tanong ko dito dahil napansin ko din na para bang hindi sila lahat mapakali sa kinatatayuan nila.
"Wala naman, Hijo.." sagot sa akin ni Nanay Rosi na hindi makatingin sa akin ng maayos.
Bakit ba ganito ang kinikilos nila? nila? Bakit pakiramdam ko ay may itinatago silang mahalagang bagay sa akin?
"Nanay Rosi, can I ask you something?" bigla naman itong napatingin sa akin at kita ko ang pamumutla nito.
"A-ano iyon, Lucas?"
"I was really confused kung bakit may dugo sa kama ko pero wala naman akong nakitang sugat sa katawan ko. One more thing, paano po ako nakauwi dito kagabi? Did my friends took me home last night? Hindi ko po kasi talaga matandaan ang mga nangyari. I must really wasted." napapailing kong wika kay Nanay Rosi.
Tahimik lang naman silang lahat sa isang tabi at kita ko ang pagkalito sa mga mata ng mga ito.
"Ikaw lang umuwi ang mag-isa dito ang pagkakaalam ko. Wala ka bang naaalala na ginawa mo noong pag uwi mo dito o kahit man lang bago ka maglasing?" tanong pa ni Nanay Rosi na halata pa ding nababahala.
"Nothing. Ang alam ko lang ay uminom ako kahapon sa bar. Oh! The last thing I remember was there is someone who offered me a drink. After non, wala na. Bakit po?" sabi ko pa dito.
"A-ahh wala naman Hijo.. Sige kumain ka ng marami at sa tingin ko mas maganda pa kung magpahinga ka na lang ngayong araw." sabi ni Nanay Rosi at agad na bumalik sa kusina.
Nakakapagtaka naman ang araw na to. May pakiramdam kasi akong may itinatago sila sa akin. Or maybe it's just my imagination. Napakibit balikat na lang ako.