Kabanata 8

2249 Words
Thalia's POV Umuwi ako na bagsak ang dalawa kong balikat sa sobrang frustration at kaba nang dahil sa nangyari. Ni hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Nasa tapat na ako ng pintuan ng condo ni Xienna at hindi ko na naman maiwasang mapa-buntong hininga bago kumatok. Ilang minuto na pero wala pa ding nagbubukas ng pinto kaya sinubukan kong pihitin ang door knob. Ganoon na lang ang pagtahip ng kaba sa dibdib ko nang mabuksan ko iyon. Hindi kailanman nag-iiwan ang kaibigan kong bukas ang pinto. Pero ganoon na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang maabutan ko na naghahabulan si Xienna at Kristof samantalang si Catrina naman ay kain ng kain ng kung anu-ano habang naka upo sa sofa. Napapaligiran pa ito ng mga balat ng pinagkainan. Hindi lang yun! Napakagulo ng sala ni Xienna na para bang dinaanan ng bagyo! Sumasakit ata lalo ang ulo ko, paniguradong kinunsinti na naman nila ang kakulitan ni Kristof. Napatigil lang sila sa pagha-habulan ng mapansing nakatayo lang ako dito sa tapat ng pinto. "Nanay!" sigaw ni Kristof at tumakbo palapit sa akin. Binuhat ko siya at ganoon na lamang ang pag-ngiwi ko nang maramdamang basang-basa ng pawis ang likod niya. "Anong nangyari dito sa condo ni Tita Xienna? Parang binagyo ang itsura! Iyong Tita Catrina mo kain ng kain pero hindi niyo pinipigilan. Puro hindi pa masustansya ang nilalantakan." saway ko at sinara na ang pinto. Dumiretso ako sa sofa at umupo sa tabi ng buntis kong kaibigan. Pinunasan ko na ng bimpo ang buong katawan ni Kristof sa sobrang pawis sa katawan niya. "Hi BFF!" nakatiling bati ni Catrina at sumubo na naman ng kinakain niya. Napangiwi na lang ako sa lakas ng boses niya. "Hay nako, Thalia! Napakalakas talaga kumain niyang si Catrina! Utang na loob! Inubos niya ang laman ng ref ko pati ng cupboard ko! Parang ayoko na atang mabuntis sa mga pinakikita niyo sa aking epekto ng pagbubuntis. Parang hindi ko ata kakayanin at atakihin na lang ako bigla. " sabi ni Xienna at nagsimula ng linisin ang mga kalat. "Pero bakit ang gulo ng condo mo? Parang may dumaang bagyo ha!" sabi ko rito at binitiwan na si Kristof sa sofa para tumulong sa paglilinis. "Yan kasing cute at gwapo mong anak nag-yaya na makipaghabulan kaya ayan ang nangyari, gusto pa makisali niyang si Catrina makipaghabulan kaso natakam na naman sa mga pagkain. Delikado din masyado kung makikisali siya. Baka manganak sa wala sa oras." sabi niya at pumunta sa kusina. "Ikaw talaga anak, hindi ba sinabi ko huwag ka mangugulo sa mga tita mo." sabi ko sa anak ko at kinurot ang pisngi niya. "Sorry po, Nanay." nginitian pa ako nito at nakikain na sa Tita niyang napakatakaw. Pagbalik ni Xienna ay may dala-dala na siyang apat na juice at umupo sa beanie bag. "Kamusta ang interview? Tanggap ka na ba?" tanong ni Xienna at uminom ng juice. Napasimangot naman ako sa pagkaka-alala ng mukha ni Lucas pati na din ang trabahong gusto niyang gawin ko. Nakakainis talaga ang hudas na iyon. "Hoy Thalia! Tumigil ka nga sa kakasimangot mo lalo na ngayon na ikaw ang pinag-lilihian ko, mamaya pag-labas ng anak ko lamukos din ang mukha nito. Hindi pwede iyon! Magagalit ang honey bunny ko!" sita sa akin ni Catrina at sinubo ang mangga na isinawsaw niya sa ketchup na may gravy. Binato naman siya ni Xienna ng unan. Hindi ko na lang maiwasang mapailing ng tumili si Catrina. "Nakita ko na naman kasi siya. Ang nakakatawa pa dito ay siya ang kumausap mismo sa akin na ako na ang bagong secretary niya. Hindi pa ako ganoong kahibang para tanggapin iyon." nakita ko naman na naging seryoso yung mga mukha nila at nagkatinginan. "Talaga atang pinaglalaruan ka ng tadhana, sis. Akalain mo ang ama ni -- " sabi ni Catrina pero pinutol niya na ang sasabihin niya ng ma-realize niya na katabi ko si Kristof na nag-tataka sa mga pinag-uusapan namin. "Nanay, kaninong tatay po? Sa baby po ba ni Tita Catrina?" tanong ni Kristof sa akin na nakakunot ang noo. Nakaramdam ako ng kaba sa mga titig at tanong ng anak ko kaya napa-tingin ako kay nila Xienna. Halata din ang kaba sa mga mukha nito. Napalunok ako bago siya sinagot. "A-anak, wag mo ng intindihin ang usapan namin, okay? Sa ano yun, sa dati naming kaklase na hindi namin n-nakita ng matagal." sabi ko at hinaplos ang pisngi niya. "Ako kaya nanay. Kailan ko kaya makikita si Tatay? Sobrang saya ko po kapag nakita ko na po siya. Bibigyan ko po siya ng big hug para maging happy din siya." sabi ng anak ko na sobrang lawak ng pagkaka-ngiti. Nakaramdam ako ng pagka-awa sa anak ko at ang pangingilid ng mga luha ko. Napatingala ako at inilapit sa dibdib ko ang anak ko. Siguro kung hindi ganoon ang nangyari at sa ibang paraan siya nabuo, siguro hindi ganito ang mararamdaman niya, hindi siya makakaramdam ng pangungulila. Hindi niya sana mararanasang lumaki ng walang kinikilalang ama. Napapahid ako ng luha at hinaplos ang ulo niya. "Nanay kailan kaya kami magkikita ni Tatay?" tanong niya at nag-angat ng tingin sa akin. "Hindi ko din alam anak eh. Wala kasing signal doon sa pinuntahan ni Tatay mo kaya hindi nakakatawag. Kaya hindi din natin alam kung kailan siya m-makakabalik." sabi ko sa anak ko at hinalikan siya sa noo. Sobrang awang-awa ako sa anak ko dahil umaasa siya na magkikita sila ng ama niya, tuluyan ng tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "KAILAN MO balak sabihin sa anak mo na hindi niya makikilala ang tunay niyang ama? Na hindi nga alam ng hudas na iyon na nabuntis ka niya." tanong ni Xienna sa akin. Nandito kami sa veranda niya, sabi kasi niya bukas na lang kami umuwi sa apartment tutal mayroon naman siyang pwedeng ipahiram sa akin na damit. Si Catrina naman sinundo na ng asawa niya pero sa totoo lang hindi ko pa nakikita iyon. Hindi kasi ako nakadalo sa kasal niya dahil sa dami ng problema ko tapos kanina pinapatulog ko si Kristof ng dumating ang asawa niya. "Ewan ko pero naaawa na talaga ako kay Kristof. Ni hindi ko kayang saktan siya ng dahil sa katotohan. Masyado pa siyang bata." "Ni hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob sabihin sa kanya na buhay pa ang ama niya pero hindi niya maaaring makilala." napahilot na lang ako sa sintido ko habang nakatanaw sa siyudad. "Tutal nag-krus naman na ulit ang landas niyo ng ama ni Kristof. Hindi lang iyon, magiging boss mo pa siya. Why don't you try to tell him?" suwesyon ni Xienna. "Xienna, hindi naman ganoon kadali iyon. Sinisigurado ko na wala siyang alam sa nangyari. Ni hindi niya nga alam na nakilala niya ako sa tanang buhay niya. Siguradong sasabihin niya lang din sa akin na masyado na akong desperada magkaroon lang ng ama ang anak ko kaya pinapaako ko sa kanya. Mayaman pa siya. Lalong hindi maniniwala iyon." "Ayokong maranasan ng anak ko ang rejection o kung ano pa na makakasakit sa kanya. Ayokong makaramdam ng lungkot ang anak ko. Ayokong maramdaman niyang pagkakamali lang siya." "Thalia, hindi lang naman ikaw ang nakabuo kay Kristof. Anak din niya ng hudas na iyon ang bata at dumadaloy ang dugo niya sa bawat parte ng pagkatao ng anak niyo. Desisyon mo naman iyan, kung ano sa tingin mo ang tama edi ayon ang sundin mo." sabi niya at inakbayan ako. "Tungkol naman sa trabahong inaalok niya. Tanggapin mo na. Ikaw na rin naman ang nagsabi na hindi ka niya kilala kaya ayos lang na doon ka magtrabaho. Isipin mo na ginagawa mo ang lahat ng ito para sa anak mo." Niyakap ko siya at nginitian siya. "Salamat, Xienna. Salamat sa lahat ng tulong mo sa akin." "NANAY, anong oras ka po uuwi mamaya?" tanong ni Kristof habang nilalaro niya ang action figure na regalo ko sa kanya noong nakaraang taon. "Tatawagan na lang kita anak kapag hindi busy si nanay ha? Promise ko sayo mamamasyal tayo sa sabado." sabi ko sa kanya at kiniss siya sa cheeks. "Sige po nanay!" magililiw niyang sagot. "Ang gwapo talaga ng baby boy ko, halika nga at yayakapin ka ni nanay. Pakabait ka, okay?" bilin ko sa kanya. "Okay po. Ingat ka po ha? Mahal kita, nanay." malambing na wika nito kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Mahal na mahal din kita, anak." Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Xienna na kakatapos lang mag-luto ng agahan. "Xienna, salamat ha kasi lagi kang nandyan para alagaan ang anak ko. Pasensya na talaga at isang linggo na din kitang pinagbabantay. Hindi bale, kapag nakaluwag-luwag ako eh kukuha ako ng taga-alaga kay Kristof nang hindi ka na maabala." "Ano ka ba, okay lang iyon tutal may nag-aasikaso naman sa shop ko ngayon at hindi naman ako masyado kailangan doon kaya huwag ka ng mag-alala." sabi niya sa akin. "Para saan pa ang ilang taong pagkakaibigan natin diba? " dugtong niya pa kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Salamat talaga Xienna. Sige aalis na ako. Mag-iingat kayo ha." "Sige na umalis ka na. Ingat!" PAGKARATING ko sa opisina ay wala pa siya kaya pumunta muna ako kay Mrs. Dela Paz para magtanong sa kung ano ba dapat ang gawin ko. "Mrs. Dela Paz, pwede po ba akong humingi ng tulong sa inyo?" "Oo naman, sige. Tungkol ba sa pagiging secretary ni Mr. Hernandez?" tanong niya habang nakatuon ang atensyon niya sa mga papeles. "Opo." "Ah ayun lang ba? sige, halika dito sa tabi ko at tutulungan kita, ipapaliwanag ko sa iyo ang mga gagawin mo." sabi niya kaya tumabi na ako malapit sa kanya. Sinabi na ni Mrs. Dela Paz sa akin na sasabihin ko lang lagi ang schedule ni Sir, syempre ngayon daw na ako na ang secretary, ako na daw ang aayos ng schedule nito. Kapag may ipapagawa lang naman si Sir sa akin at hindi ko alam, pwede ko naman daw siyang tanungin. "Maraming salamat po sa tulong, babalik na po ako sa pwesto ko at baka dumating na po si Mr. Hernandez." Paupo pa lang ako sa pwesto ko nang bigla magbukas ang elevator at bumungad sa akin ang seryosong mukha ng hudas. "Good morning, Sir." bati ko sa kanya bilang paggalang na din. "Good Morning. Further information about my meetings?" tanong niya habang nakatayo sa harapan ng pinto ng opisina niya. "You have a meeting with Mr. Funtalla at 12 pm and 4pm naman po kay Mr. and Mrs. Alrego for contact signing. So far yun lang naman po for today." sabi ko sa kanya pagkatapos kong basahin yung nasa folder na inabot sa akin ni Mrs. Dela Paz kanina. Pag-angat ng tingin ko sa kanya ay doon ko lang napansin na nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin ulit sa folder na hawak ko. "Okay. I want you to be the only person to do my schedule starting tomorrow and give me a cup of coffee in my office. Now." sabi niya at pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa pantry at gumawa ng kape niya, hindi ko alam kung anong timpla ang gusto niya kaya yung specialty ko na lang ang ginawa ko. Kumatok muna ako bago ako pumasok. "Sir, heto na po yung coffee niyo." sabi ko sa kanya pagkapasok sa office niya at nilapag na yung kape sa lamesa. Palabas na sana ako kaso napalingon ako nang tawagin niya ako. "Ms. Victorio." "Yes Sir?" Bigla siyang may inurong na tatlong makapal na folder paharap kaya napakunot ang noo ko. "I want you to encode all of this. I need that the day after tomorrow, understand?" sabi niya at tumingin ulit sa laptop niya. Hindi na lang ako umimik at kinuha ko na lang yung makakapal na folder tapos lumabas na ng opisina niya. Wala naman akong karapatang umangal dahil trabaho ko to. Ginawa ko na agad yung pinapagawa niya sa akin at ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din ako tapos sa isang folder. Nakakalahati ko pa lang iyon. Bukod kasi sa hindi ko pa gamay ang mga nandoon ay hindi talaga ako mabilis mag-type. Napa-buntong hininga na lang ako at napahilot sa batok ko. Nang tignan ko ang oras ay mag-aala una na pala at hindi pa ako naglu-lunch eh. Napatiging ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon. Iniipit ko iyon sa pagitan ng ulo at leeg ko para maipagpatuloy ko pa din ang ginagawa ko. "Hello?" "Nanay! Anong oras po kayo uuwi mamaya?" "Hindi ko pa alam baby eh, madami pa kasi akong ginagawa. Bakit?" "Ganon po ba? Sige po 'Nay, tawagan niyo po ako kapag paalis na po kayo diyan ha?" Napangiti na lang ako sa bilin niya. "Sige, baby tatawag ako mamaya. Be good! I love you!" "I love you din po, Nanay! Babye po! Ingat" 7pm na ako nakaalis sa opisina at tapos ko na din ang isang folder tapos nasa 1/4 na sa pangalawa kaya kahit papaano ay hindi na ako nag-aalala na hindi ko matatapos iyon sa tamang oras. Pagdating ko sa condo ni Xienna ay gumawa pala si Kristof ng cake para daw sa akin dahil may bago na daw akong trabaho. Tinulungan daw siya ni Xienna para sorpresahin ako kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Pagkatapos ng ilang oras ay umuwi na din kami sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD