Thalia's POV
Isang buwan na din ang nakakalipas simula ng matanggap ako bilang secretary ni Lucas at hindi ko maiwasang makunsumi dahil ang hilig niya akong buysitin araw-araw.
Katulad na lang noong isang araw, hindi niya ako pinag-lunch at pinaglinis niya ako ng office niya. Mabuti sana kung walang janitor na gagawa ng inuutos niya o hindi naman kaya ay wala akong ginagawa pero hindi eh, ang sabi niya sa akin kailangan na ako daw mismo ang maglinis at wala dapat siyang maririnig na angal sa akin.
Hindi naman ako umaangal ang kaso sinasagad niya talaga ang pasensya ko. Mabuti na lang nga ay napigilan ko ang sarili kong sagutin siya kanina nang sabihin ba naman na hindi ko daw ginagawa ang trabaho ko.
Mas inuuna ko daw ang pakikipag-landian sa department head ng finance. Wala naman akong ginagawang masama. Ipinapaabot lang naman ni Sir Jeff iyong files na kailangan niya tapos sasabihin niya sa akin nakikipag-landian ako.
Ang sabi naman sa akin noong kaibigan niyang si Sir Elijah, trip lang daw ako ni Sir Lucas inisin kasi daw hindi daw nito makalimutan iyong pag-sampal ko sa kanya noon at napahiya sa harap ng mga empleyado which is sobrang tagal na noong nangyaring iyon.
Siguro nga ay nakalimutan na iyon ng mga empleyado niya at siya na lang itong may dinidibdib. Isa pa kailangan niya pa bang maging isip-bata at ganoon ang mga patutsada niya.
Habang nagta-type ako upang i-encode yung ibang iniutos niya kaninang umaga, nagulat ako ng biglang dumating si Sir kasama ang mga kaibigan niyang sila Sir Elijah, Sir Marcel at Sir Pierce.
Napabuntong hininga na lang ako ng ngisian ako ni Sir Pierce sabay saludo.
"Oh, Hi Thalia! Is it too early for you to do all of that paper works? Wanna get some lunch with me?" tanong ni Sir Pierce. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako bigla.
Halata naman kay Sir Pierce ang pagiging playboy at sa buong isang buwan kong pagta-trabaho dito ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi manggulo at mangulit sa akin dito.
"Ah, hindi na po Sir. Madami pa po kasi akong kailangan gawin. Atsaka, baka magalit din si Sir Hernandez kung aalis ako sa oras ng trabaho." sabi ko at tinignan si Lucas na mataman pa lang nakatingin sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi niya na parang bagot na bagot at dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina niya. Minsan talo niya pa ang babae sa pagiging masungit niya. Napailing na lang ako.
"So, are you going to accept my invitation?" tanong ni Sir Pierce at binigyan ako ng matamis na ngiti. Umiling ako bilang sagot.
Ngunit sadyang makulit nga talaga siya at hindi ako nilulubayan ng hindi ako pumapayag kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang.
"Sige na po pero sana mabilis lang dahil madami pa po akong dapat tapusin." sabi ko sa kanya at kiming nginitian lang siya.
"Yes! Mamaya ha!" sabi niya at kinindatan ako sabay pasok sa loob ng office ni Sir. Napailing na lang ako. Hindi nakapag-tataka na magkaibigan silang dalawa. Parehong may sayad ata ang dalawang iyon.
LUMIPAS ang halos dalawang oras at lunch na nang lumabas si Sir Lucas sa office niya kasama ang mga kaibigan nito na nagtatawanan. Hindi ko na lamang sila pinansin at ipinagpatuloy ang mga dapat ko pang gawin.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang akbayan ako ni Sir Pierce at hinalikan ako sa kaliwang pisngi.
Napatingin ako sa kanya at bahagyang napalayo. Hindi ko gusto ang ginawa niya lalo pa at nandyan ang boss ko kasama ang iba pa nilang kaibigan.
"Come on, Thalia. Let's take our lunch, ayoko pa naman nagu-gutuman ka." sabi ni Sir Pierce.
"Pasensya na po, Sir--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Lucas.
"I gave her another task through email and unfortunately, she should pass it to me later." sabi niya sa akin at binigyan ako ng matalim na titig. Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi ko na kailangan sumama kay Sir Pierce o malulungkot dahil dinagdagan na naman niya ang trabaho ko.
"Sir Pierce, pasensya na po talaga. Kumain na lang po kayo kasama ang mga kaibigan niya." sabi ko sa kanya at binigyan siya ng kiming ngiti.
"Well, I have no choice. Next time na lang siguro kita aayain and I'll make sure na hindi ka na makakatanggi sa susunod. Oh, by the way, stop calling me sir. Pierce will do." sabi niya ng nakangiti na naman kaya hindi tuloy maiwasang lumabas muli ang mga biloy niya sa pisngi.
"Sige po."
"Oh! I have an idea! I'll just buy your lunch and give it to you later. Is it okay with you?"
"Hindi na po kailangan."
"No, I insist. Come on bros. Kumain na tayo para mabilhan ko na si Thalia ng pagkain niya."
"Pierce, you should stop hitting on her or else someone will kill you with his bare hands later." natatawang wika ni Elijah kaya napakunot ang noo ko.
Nauna ng maglakad papuntang elevator ang mga kaibigan ni Lucas at naiwan siya sa tapat ko na masamang nakatingin sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Naramdaman ko namang umalis na din siya kaya napabuntong hininga ako.
Ano bang problema ng lalaking iyon? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero kung makaasta siya para bang may malaki akong atraso sa kanya.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtatrabaho ko. Napansin ko na iyong ibang empleyado ay nakatingin sa gawi ko at masama din ang pagkakatingin sa akin.
Narinig ko din ang mga bulungan nila na kesyo ang harot ko daw dahil nakikipag-harutan pa ako sa oras ng trabaho.
Pinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa mga parinig nila. Bahala silang mag-bulungan dyan. Magta-trabaho na lang ako kaysa patulan pa sila.
Hindi ko na napansin ang nag-daang oras. Magaala-una na kaya agad akong tumayo sa upuan ko at kinuha ang wallet ko para makakain ng tanghalian. Sumasakit na din ang ulo ko kakatrabaho at wala pang laman ang tiyan ko simula kaninang umaga.
Pasakay na sana ako ng elevator ng magbukas ang katabing elevator nito at iniluwa doon ang boss ko na seryosong nakatingin sa akin.
"Where are you going?" takang tanong nito. Napalunok tuloy ako sa wala sa oras at pakiramdam ko'y may ginawa akong masama sa pagbago pa lang ng reaksyon niya.
"A-ah, maglu-lunch po sana ako Sir. Nagugutom na po kasi ako. H-huwag po kayo mag-alala, patapos na din naman po iyong pinagagawa mo at babalik din po ako agad." sabi ko at alanganing ngumiti.
"Don't bother yourself to eat outside. May dala akong pagkain para sayo." sabi niya at inabot sa akin ang isang paper bag na may lamang pagkain.
Hindi ko maiwasang matakam nang maamoy ang bango non. Tinanggap ko na lamang iyon at yumuko.
"Salamat po. Pakisabi po kay Sir Pierce salamat po kasi nag-abala pa po siyang magpadala pa. Akala ko po kasi nagbibiro lang siya kanina eh." sabi ko rito. Pabalik na sana ako sa pwesto ko nang marinig ko siyang bumulong.
"Stupid secretary. Hindi niya ba alam na ako bumili ng pagkain na iyon para sa kanya." sabi nito at padabog na naglakad papasok sa opisina niya.
Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa nasabi ko. Hindi ko naman kasi alam na siya ang bumili non. Nakakahiya at iba pang tao ang napasalamatan ko gayong siya naman pala ang bumili non.
Kumain na lang ako habang ginagawa ang mga trabah ko.
8pm na pero hindi pa din ako nakakauwi. Inaayos ko pa kasi ang schedule niya lalo pa at wala na siyang pahinga sa sobrang dami ng meeting niya this month.
Hindi naman ako ganoon kasama para hindi siya lagyan ng palugit kahit 30 mins. lang. Pati kasi oras ng breakfast at lunch niya ay may ka-meeting niya. Kahit paano naman ay nag-aalala ako dahil boss ko siya.
Maya-maya lang ay nag-ligpit na ako ng gamit ko dahil tapos na ako sa mga trabaho ko. Napabuntong hininga ako at napatingin sa pinto ng opisina niya.
'Mag-sorry at magpa-salamat ka na. Huwag mong pairalin ang kawalang-hiyaan mo.'
Napailing na lang ako sa mga naiisip ko at naisipang katukin na siya sa loob para makapag-paalam. Syempre kasama na din doon ang paghingi ng paumanhin at salamat.
"Sir? Uuwi na po ako."
"P-pasensya na po kung napagkamalan ko po na si Sir Pierce po ang bumili ng pagkain kanina. Salamat nga din po pala."
Nakatuon lang ang mga mata niya sa laptop sa harapan niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Wala talaga akong makukuhang sagot sa kanya. Asa pa.
"Sige, sir. Una na po ako. Mag-iingat po kayo." sabi ko sa kanya at lumabas na ng opisina niya. Kinuha ko na ang gamit ko at hindi ko maiwasang mapailing.
Nang dahil lang doon ay nagagalit na siya. Masama na bang magkamali?
Pagkababa ko ng building ay naglakad na ako papuntang waiting shed. Bihira na lang ang dumadaan na jeep sa ganitong oras kaya matagal-tagal din panigurado bago ako makasakay.
ISANG oras na akong nakatayo rito pero hindi pa din ako nakakasakay. Tinawagan na din ako ni Xienna at hinahanap na daw ako ni Kristof.
Wala naman akong magagawa. Bukod sa walang bus or jeep na hindi puno ay ganoon din naman sa taxi. Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa pagod.
Ngunit napapitlag ako nang may biglang bumusina sa harapan kong kotse na kulay itim. Mas lalo akong napasinghap ng mapag-tanto ko na si Lucas pala iyon.
"G-good Evening po, Sir." sabi ko at yumuko rito.
"Get in. I'll send you home, wala nang masyadong dumadaan na sasakyan dito sa ganitong oras." sabi niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapalunok sa kaba.
"H-hindi na po. Baka out of the way din po iyong bahay ko sa inyo. Nakakahiya naman po."
"I insist. Don't try my patience, Thalia. Get in and I'll drive you home."
Napabuntong hininga na lang ako at nanginginig na pumasok sa loob ng kotse niya. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa tuwing ganito ako kalapit sa kanya.
Tahimik lamang kami sa buong biyahe at sa tuwing ituturo ko lamang ang daan ay tsaka lang ako nagsasalita.
pagkatigil ng kotse sa harap ng apartment na tinutuluyan ay agad akong nagpaalam kay Lucas at nagpasalamat na din sa paghatid sa akin.
Ayokong magtagal pa siya sa lugar na ito lalo pa sa isiping nasa iisang lugar lang sila ng anak ko. Hindi ko alam pero kinakabahan lang ako lalo pa at alam niya kung saan ako nakatira na ngayon.
Paano kung?-- Napailing na lang ako.
Pagkapasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang umiiyak na si Kristof kaya niyakap ko kaagad ito. Hindi ko maiwasang mag-alala.
"Oh, Baby. Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Anong nangyari" dire-diretso kong tanong sa kanya at hinagod ang likod niya para patahanin. Humina naman ang hikbi niya at pautal-utal akong sinagot.
"K-kasi N-nanay, m-miss k-kita a-agad eh. T-tapos k-kanina po aasar a-ako ng mga kaklase ko kasi wala daw akong t-tatay." sabi nito at lalo pang sumiksik sa leeg ko.
Napatingin ako kay Xienna, napansin ko ang pamamaga ng mga mata nito at awa para sa anak ko. Nangilid ang mga luha ko at hinaplos ang likod niya.
"Nanay, hindi na po ba tayo mahal ni tatay kaya iniwan na niya tayo? Diba nagta-trabaho lang siya para sa atin?" tanong niya at parang kinukumbinsi nito ang sarili niya. Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko at napapikit ng mariin.
"Pasensya na anak ha, hindi pa din alam ni nanay kung kailan uuwi si tatay. Promise, kokontakin natin siya ha. Huwag ka ng umiyak. Nasa-sad din si nanay kapag sad ang baby." sabi ko sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
Naramdaman kong tumango siya ng paulit-ulit at nakatulog na sa mga bisig ko. Binuhat ko na siya at pumasok sa kwarto. Inilapag ko muna siya sa kama at binigyan siya ng magaang halik sa noo.
Hindi ko na napigilan pa at kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Parang may bumikig sa puso ko lalo pa at nakikita kong lalong naaapektuhan si Kristof ng walang kinikilalang ama sa paglaki niya.
Lumabas ako sa silid at dumiretso sa sala para tabihan si Xienna na halata ang lungkot sa mga mata.
"Ano ng balak mong gawin sa tatay ng anak mo?" tanong ni Xienna at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Umiling lang ako at napayuko.
"Xienna hindi ko na alam. Habang lumalaki si Kristof, lalong lumalala ang paghahanap niya sa tatay niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Natatakot ako na baka lalo lang siyang mag-iiyak kapag may sinabi ako sa kanya." naramdaman kong tumulo na lang muli bigla ang mga luha ko.
Npabuntong hininga na lang si Xienna at niyakap ako ng mahigpit.
"Thalia, mas maganda kung magpahinga ka muna. May pasok ka pa bukas. Huwag mo munang isipin ang mga bagay na ito at siguro maaayos din ang lahat sa tamang panahon." sabi niya at hinaplos ang likod ko. Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya.
Pagkatapos ng ilang saglit na pag-uusap namin ni Xienna ay may sinabi muna ito bago umuwi.
"Thalia, bukas ng hapon kasi kailangan ako sa shop ko para importanteng meetings ko. Siguro mga isang linggo din ako mamamalagi doon tuwing hapon lang naman. Pwede ko bang ihatid muna si Kristof sayo tuwing hapon pagkatapos ng klase niya? Pasensya na ha. Lalo pa ngayon na nasa paligid lang ang ama niya."
Napaisip naman ako. Siguro naman ay walang malalaman si Lucas lalo pa at wala naman siyang naaalala sa nakaraan. Sobra-sobra na din ang tulong na nagagawa sa akin ni Xienna at ayoko ng dumagdag sa mga isipin niya.
"Ano ka ba, ayos lang. Ako nga ang nakakaistorbo sayo eh. Pasensya na at kung minsan ikaw na ang umaako ng responsibilidad ko sa anak ko. Isa pa, hindi naman malikot na bata si Kristof kaya okay lang kung tuwing hapon ako na lang ang mag-aalaga sa kanya. Bonding na din namin kasi madalas wala na akong oras sa kanya eh."
"Pero paano kung makita siya ng ama niya? Kapag nagkadikit pa naman sila paniguradong hindi mapagkakaila na mag-ama sila. Paano na yan?" tanong niya na parang nag-aalangan.
Napatigil ako sandali pero nakabawi din agad. Nginitian ko siya at pinisil ang kamay niya.
"Hindi niya malalaman iyon. Tanging mga katulong niya lamang ang nakakaalam ng nangyari sa nakalipas at kayong mga kaibigan ko kaya imposible. Ni walang mag-iisip din na anak niya si Kristof gayung matagal siyang namalagi sa ibang bansa, diba? Huwag kang mag-alala at kaya ko ng lusutan ito. Salamat ng marami sa lahat ng tulong mo Xienna."
"Ano ka ba, ayos lang iyon. Sige na uuwi na ako. Babalik na lang ako dito bukas ng umaga para sa paghatid kay Kristof. Bye! Mag-lock ka na ng mga pinto" sabi niya at lumabas na.
Nang makalayo na ang kotse nito ay hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mangyayari bukas.