Thalia's POV
Maaga akong gumising ngayon dahil ako ang maghahatid kay Kristof sa eskwelahan niya bago ako pumasok dahil masyadong busy si Xienna sa shop niya.
Ipinagako niya na siya na ang susundo kay Kristof palagi at ihahatid na lang sa opisina pagkatapos ng klase ni Kristof na ayos lang naman sa akin.
Ngunit hindi pa din mawawala sa buong sistema ko ang kabahan dahil sa mga posibleng mangyari kapag nagkita si Lucas t Kristof.
Nitong mga nakaraang araw din ay ipinagpapa-salamat ko at hindi talaga namana ng anak ko ang ugali ng ama niya. Hindi pa din kasi tumitigil sa pantritrip minsan ang lalaking iyon kaya madalas ay pagod na pagod akong umuuwi.
"Kristof bakit ang tagal mo naman ata dyan sa loob ng kwarto? Sabi ko kasi sayo tutulungan na kita, baby pa din naman kita." sabi ko dito pagkapasok ng kwarto namin.
Nakita ko naman ito na nakaupo sa harap ng salamin at naglalagay ng gel sa ulo. Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Kailan pa natuto itong magpa-pogi?
"Kristof, ikaw ha nagpapa-gwapo ka na. May crush na ba ang baby ko at may pa-gel gel pang nalalaman?" tanong ko dito at umupo sa tabi niya. Sinimangutan naman ako nito at napanguso pa kaya lalo akong natawa.
"Nanay naman, malaki na po kasi ako kaya hindi na po ako nagpapatulong sa inyo. Atsaka wala po sa isip ko ang mga ganyang bagay." nagulat ako kasi kung magsalita ito ay parang mas matanda pa sa akin. Napayakap na lang ako dito sa sobrang panggigigil.
"Hay, ang baby ko binata na ha. Ang pagkakaalam ko apat na taon ka pa lang para magsalita ng ganyan. Naku, halika na nga at mag-almusal na tayo, baka ma-late ka pa sa school mo." sabi ko dito at tinulungan siyang bumaba ng silya.
Pagkatapos namin mag-almusal at mag-kwentuhan tungkol sa pag-aaral niya ay inihatid ko na ito sa skwelahan niya.
"Baby, si Tita Xienna mo ang susundo sayo mamaya ha pero ihahatid ka niya sa opisina. Huwag kang sasama kahit kanino. Kay Tita Xienna lang, okay? Ingat ka!" sabi ko sa kanya at hinalikan ko na ito sa noo.
"Opo Nanay, Mag-iingat din po kayo." sabi nito at niyakap ako. Kumaway ako sa kanya habang pumapasok siya sa room niya. Nang mapansin kong nasa loob na siya ay agad na akong sumakay ng jeep papunta ng opisina.
Kailangan ko ng bilisan dahil ilang minuto na lang baka dumating na si Sir Lucas sa opisina. Tiyak mapaparusahan na naman ako ng lalaking iyon kapag nagkataon.
Pagkatigil pa lang ng jeep ay agad na akong bumaba at patakbong pumasok sa loob ng building. Kapag sineswerte ka nga naman oh, nandoon si Lucas at naghihintay sa pagbukas ng private elevator niya.
Napatingin sa akin ito at tinaasan ako ng kilay. Hindi ko maiwasang kabahan sa klase ng tingin nito na para bang may nagawa na naman akong hindi maganda.
"Why are you late?" walang emosyong tanong niya sa akin. Napayuko na lang ako.
"Pasensya na po, may kinailangan lang po akong gawing importante bagay ngayon. Hindi na po mauulit." hinging paumanhin ko sa kanya at yumuko.
Pumasok na ito sa loob ng elevator niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang kaso nga lang, wala pa ding available na elevator dahil halos puno na ang mga iyon.
Nagtatakang napatingin naman ako kung bakit hindi pa nito sinasarado ang elevator at nakatingin lang siya sa akin na parang may katangahan akong ginagawa.
"What are you waiting for? Tititig ka na lang ba sa gwapo kong mukha o papasok ka na dito para maumpisahan mo na ang mga tambak mong trabaho?" masungit na tanong niya habang nakahalukipkip.
"Heto na nga po, papasok na." sabi ko at umirap sa kawalan. Hindi ko alam kung nakita niya iyon at nabastusan siya sa sagot. Naiinis kasi ako dito dahil umagang-umaga pa lang ay ganito na kung umasta. Napakahagin ng utak!
"Stop pouting your lips. You look like an evil witch when you do that." sabi nito habang nakangisi sa akin. Napakasama talaga ng ugali!
Pagkatunog pa lang ng elevator ay agad na akong lumabas at dumiretso sa table ko. Agad kong binuksan ang computer ko at isa-isang binuklat ang mga folder kahit nararamdaman kong nakatayo sa harapan ng table ko si hudas.
"Give me a cup of coffee and then get those pile of folders inside, understand?" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Kainis, hindi pa nga ako tapos sa pinapa-encode niya, dadagdagan na niya agad? Ano pa kaya ang natirang trabaho sa kanya.
Tumango na lang ako sa kanya kahi naiinis na ako at agad akong pumunta sa pantry para gumawa ng coffee. Ni hindi na ako nag-abalang tapunan pa siya ng tingin dahil naiirita talaga ako. Lagyan ko kaya ng lason tong kape niya para matuluyan na?
Napailing na lang ako. Sumasama na ang ugali ko dahil sa kanya!
Pagkabigay ko sa kanya ng kape niya ay kinuha ko na ang mga folder na nasa harapan nito ay agad na akong tumalikod at lumabas na ng opisina niya.
KASALUKUYANG inaayos ko ang schedule ni Sir Lucas nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot ng hindi tinitignan ang caller.
"Hello?"
"Thalia! Nandito na kami sa reception pero ayaw kaming papasukin dahil wala daw kaming consent ng kahit sinong empleyado. Ikaw nga kumausap sa babaeng nandito baka maupakan ko to."
"Sige ako na ang tatawag sa reception para papasukin kayo, sandali lang." sabi ko dito at ibinaba na ang tawag.
Tinawagan ko agad ang receptionist para mapa-akyat na sila dito dahil alam kong madami pang gagawin si Xienna at nasasayang ang oras niya.
Nang marinig kong bumukas ang elevator ay nakita ko agad ang anak kong patakbo sa akin kaya sinalubong ko agad ito ng yakap at pinugpog ng halik.
"Pasensya ka na Xienna ha, naabala pa kita sa mga dapat mong gawin. Sobra-sobrang abala na ang nagagawa ko sayo." paumanhin ko dito habang inuupo ko ang anak ko sa tabi ng table ko.
"Ano ka ba wala iyon. Kung okay nga lang sana sa shop ko na lang dinadala iyang batang iyan eh. Nakaka-miss pa naman iyang si Kristof, dibale isang linggo lang naman haggard ang sister mo eh. O'sya hahayo na ako at magpaparami." sabi nito at nakipagbeso-beso na. Natawa na lang kami pareho sa sinabi niya.
"Sige Xienna, Salamat ulit ha. Babawi talaga ako sayo sa susunod, Pasensya na ulit. Mag-iingat ka." sabi ko dito.
"Ano ka ba wala nga iyon. Bye! Ingat!" sabi niya at inihatid ko na siya sa elevator. Bumalik na agad ako sa tabi ng anak ko na gumagawa na pala agad ng homework niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Napaka-swerte ko talaga sa anak ko dahil sobrang sipag nitong mag-aral. Hinalikan ko siya sa noo niya at ipinagpatuloy na ang pagta-trabaho.
"Anak, gusto mo bang kumain ng merienda?" tanong ko dito habang busy pa din sa pag-gawa ng homework niya.
"Ayos lang po, Nanay kung tapos niyo na po ang trabaho niyo." sabi nito habang nakangiti kaya napangiti na lang din ako.
"O, wait ka lang dito ha. Magpa-paalam lang ako sa boss bago tayo lumabas. Okay lang ba sayo iyon?" tanong ko dito na agad naman niyang tinanguan.
Lumakad na agad ako papuntang pintuan ng opisina ni Sir at bumuntong hininga bago pumasok dito. Pagkakatok ko ay sumilip muna ako bago tuluyang pumasok.
Sumulyap ito sa akin at nag-tatakang tumigil sa ginagawa niya. Nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang kailangan ko sa kanya.
"Ah, Sir pwede ho ba muna akong lumabas sandali? Kung may ipag-uutos po kayo o di kaya ay may ipapabili, isasabay ko na din po." magalang na tanong ko dito.
"I'll just join with you. Would you mind it?" tanong niya na agad sumandal sa swivel chair niya.
Bigla naman akong kinabahan at tumingin kung saan ko iniwan si Kristof. Nakaupo pa din ito at nakatingin sa akin ng nakangiti kaya hindi ko maiwasang mapangiti muli. Napapitlag ako ng makita ko si Lucas na nakatingin sa akin ng nakakunot ang noo.
"Sino ba ang sinisilip mo dyan? Kanina pa ako nagtatanong dito ha." naiiritang tanong nito at nilakihan ang bukas ng pinto niya. Nagulat naman ako at napatakbo sa kinauupuan ng anak ko.
"S-sir, pasensya na po kung dinala ko dito ang anak ko. W-wala po kasing m-magbabantay sa kanya kaya pinadala ko na l-lang dito." dire-diretsong wika ko habang nakayuko sa anak ko.
Namayanu ang katahimikan sa paligid kaya napaangat ako ng ulo kay Lucas na naka-awang ang bibig at nakatingin sa akin. Si Kristof naman ay nakatingin sa akin na parang naguguluhan.
"M-may a-anak ka na? Does it mean, you already have a husband?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin kaya naman napakunot ang noo ko.
Ano naman iyon? Hindi niya ba nakita sa resume ko na single parent lang ako? Nagtatakang tinitignan ko lang ito.
Pero para akong nanigas sa kinatatayuan ko ngayon na akala mo'y binuhas ng malamig na tubig sa tanong na biglang pinasabog ni Kristof.
"Nanay, siya ba ang boss mo? Pero bakit po pareho kami ng mukha?'' nagtatakang tanong ni Kristof na sobra pala ang titig kay Lucas. Nang tignan ko ang reaksyon ni Sir Lucas ay nanlalaki ang mga mata nito na nakatitig sa anak ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi pa ako handa sa ganitong komprontasyon. Ayoko ng ganitong pakiramdam, parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko at mawala ng tuluyan.
"S-sino ang ama ng batang iyan?" kinakabahang tanong ni Sir Lucas na nakaturo sa anak ko. Tumayo naman ang anak ko sa pagkakaupo niya at lumapit kay Sir Lucas, napaatras naman ito.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Para akong kandila na unti-unting natutupos at hindi maramdaman ang paligid.
Hinawakan ni Kristof ang kamay ni Lucas na agad hindi nakapag-react, akala ko ay lalayo o itutulak ni Lucas ang anak ko pero nagkamali ako. Hinawakan din nito sa kamay ang anak ko ng mahigpit at pumantay sa tangkad nito.
"Anong pangalan mo?" masuyong tanong ni Lucas sa anak ko. Halos mapasinghap ako sa eksenang nakikita ko.
"Kristof po Sir, kayo po anong pangalan niyo po?" nakangiting tanong ng anak ko.
"Just call me Tito Lucas, little man." sabi ni Lucas ng nakangiti at ginulo ang buhok nito.
Hindi ko alam pero parang uminit ang gilid ng mga mata ko sa tagpo ng dalawang mag-ama na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"H-halika na anak, kumain ka muna ng merienda mo." binuhat ko ang anak ko palayo kay Lucas. Hindi ko masikmurang magkaharap ang lalaking ito at ang anak ko. Natatakot ako. Napapraning ako.
"I'll come with you." simpleng wika nito at nakatitig pa din kay Kristof.
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko at naramdaman ko na lang na hinatak na niya ang braso ko palapit sa elevator.
Habang lumalakad kami palabas ng building ay hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa mga titig at bulungan ng mga tao.
Napapitlag naman ako nang biglang hawakan ni Lucas ang kamay ko at pinagsalikop ang mga palad naming dalawa. Akmang tatanggalin ko iyon nang higpitan niya pa lalo ang pagkakahawak dito.
Nang makalabas na kami ng building at sumakay sa kotse niya ay napabitiw na ako dito. Tahimik lang naman si Kristof at para bang malalim ang iniisip nito.
"Ayos ka lang ba, anak?" tumingin siya sa akin at binigyan lang ako ng halik sa pisngi.
"Where do you want to eat?" tanong ni Lucas or more on tanong nito sa anak ko nang makapasok kami sa loob ng kotse niya.
"Kahit saan na lang po Tito Lucas. Hindi naman po kami mapili sa pagkain ni Nanay eh, Diba Nay?" tanong sa akin ng anak ko. Tumango na lang ako bilang sagot.
Agad naman nag-drive si Lucas sa kung saan at patuloy na nakikipag-kwentuhan sa anak ko. Tumigil kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant kaya napangiwi na lang ako.
"What's with the face, Thalia? Don't worry it's my treat for the both of you." sabi niya at pinagbuksan kami ng pintuan. Ibinaba ko na ang anak ko at nag-lakad na kaming tatlo papasok sa restaurant.
"Nanay, pwede po ba muna ako mag-cr sandali? Huwag niyo na po ako samahan, ayun lang naman po oh." turo nito sa dulo. Hinalikan ko ito sa noo niya bago tumango.
"Magdahan-dahan ka sa loob ha?"
"Opo, Nay."
"Mahal na mahal mo talaga ang anak mo no? I can see that you're a good mother." wika ni Lucas habang mataman na nakatingin sa akin.
"Siya na lang po kasi ang katuwang ko sa buhay. Mahal na mahal ko po talaga ang anak ko at handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Kung tutuusin siya lang ang dahilan kung bakit humihinga pa ko sa mundong to."
"By the way, where is his father?" tanong niya sa akin at halata ang pagkasabik niya sa isasagot ko sa kanya.
Malungkot akong ngumiti sa kanya at bumuntong hininga bago sumagot.
"Malapit lang siya. Actually wala nga siyang kaalam-alam na may anak kami eh dahil isang pagkakamali lang naman ang nangyari sa amin. Ayos na din iyon dahil mukhang masaya naman siya sa buhay niya ngayon." sabi ko sa kanya at malungkot na ngumiti. Katahimikan ang bumalot sa paligid.
Dumating naman bigla ang anak ko at umupo sa tabi ko. Maya-maya pa ay dumating na ang inorder naming pagkain kaya nagsimula na kaming kumain.
Hinayaan ko na lamang mag-usap ang dalawa at hindi ko maiwasang masaktan habang nakikita silang masayang nag-uusap at walang kamuwang-muwang na mag-ama sila.
"Hey little man, gusto mo mamasyal tayo sa weekend?" out of nowhere na tanong ni Lucas. Kaya napaangat ako ng tingin rito.
"Naku Sir, nakakahiya naman po. Baka maabala pa po kayo. Atsaka may lakad na po kasi kaming mag-ina kaya pasensya na po." magalang na sabi ko dito.
Ayoko. Ayokong pumasok siya sa buhay namin o kahit sa buhay lang ng anak ko. Natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lang niyang kunin ang anak ko sa akin. Hindi ko kakayanin iyon.
"Don't worry Thalia, wala naman akong trabaho sa weekend kaya ipapasyal ko na lang itong si Kristof. Matagal na din namang hindi ako nakakapasyal and I think, you wouldn't mind if I'll join the two of you, right?"
"Nanay, sige na po. Pumayag na po kayong mamasyal tayo kasama si Tito Lucas, diba sabi niyo po babawi kayo sa akin?" pango-ngonsensya ni Kristof at kita ko ang kagustuhan nitong mamasyal.
"Anak." sita ko sa kanya kaya kita ko ang pag-lungkot ng mukha niya. Nanahimik ito pati na din si Lucas na matamang nakatingin lang sa anak ko. Parang kinurot ang dibdib ko sa nakita.
Napabuntong hininga ako. Bahala na nga.
"Sige. Payag na ako." pagsuko ko.
Ano pa nga ba ang magagawa ko kung kaligayahan ng anak ko ang kapalit.
"Yehey! Pumayag po si nanay mamasyal!" sobrang lapad ng ngiti ng anak ko kaya natawa ako. Kulang na lang mapunit ang mga labi ng dalawa sa ngiti nila habang lumalabas kami sa restaurant na iyon.
Biglang sumikdo ang dibdib ko habang tinitignan ang halos pagkakapareho ng itsura nilang mag-ama. Napabuntong hininga na lamang ako.
Nang makarating kami sa tapat ng gusali ay akmang bababa na ako ng hapitin ako palapit ni Lucas at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kanya.
"Little man, close your eyes first. May surprise ako sa nanay mo." nakangising sabi ni Lucas sa anak ko. Sumunod naman agad ang anak ko at isinandal pa ang ulo sa dibdib ko.
Napatahip ang hininga ko nang lumapit ang mukha nito sa akin at kusang napapikit ang mga mata ko lalo na ng lumapat ang labi niya sa akin.
Muntik na akong mapasinghap nang palalimin nito ang halik sa akin na nag-dala ng libo-libong boltahe sa katawan ko. Dahan-dahan kong inilayo ang sarili ko sa kanya bago pa ako malunod sa mga halik niya.
Hindi. Mali ito. Maling-mali ang mga bagay na nangyayari sa araw na ito at lalo lamang ang pagsiklab ng takot sa puso ko sa mga posibleng mangyari.
"Thank you for this day, Thalia. I enjoy your company especially you, little man." sabi nito sa anak ko at ginulo ang buhok nito.
Pagkababa namin sa lobby ay agad na kaming nag-elevator at dumiretso sa kanya-kanyang trabaho. Napatingin ako sa anak ko na matamang nakatingin sa akin.
"Anak inaantok ka na ba? Matulog ka muna doon sa sofa, gigisingin na lang kita pag-uuwi na tayo." sabi ko dito at hinalikan sa tungki ng ilong niya.
"Okay lang po iyon, Nanay. Alam ko naman pong madami kayong ginagawa eh. Naiintindihan ko po." sabi nito sa akin at niyakap ako.
ALAS OTSO na at nandito pa din kami sa opisina. Napahawak ako sa batok ko at tinitigan ang anak kong mahimbing na natutulog habang nakayukyok sa tabi ko.
Dahan-dahan ko itong binuhat papunta sa sofa at inihiga muna ito doon. Napatingin ako sa paligid at nakaalis na pala ang mga katrabaho ko na wala atang ginawa buong araw kundi pag-chismisan ang pagkakaroon ko ng anak.
Napapitlag ako ng lumabas bigla si Lucas sa kanyang opisina at nilapitan ako. Hindi ko maiwasang mailang lalo pa ng dahil sa nangyari kanina.
"A-ano pong kailangan niyo, Sir? May ipag-uutos po ba kayo?" nagtatakang tanong ko dito. Inilipat ko ulit ang tingin ko kay Kristof at inayos ang pagkakahiga rito.
"Nothing. Bakit hindi pa kayo umuuwi? Gabi na at delikado na sa daan. Come on, I'll drive you home. Kuwawa naman iyang bata at sa sofa lang natutulog, sigurado akong may pasok pa yan bukas." sabi niya sa akin kaya napatango na lang ako dito.
Tatanggi pa ba ako gayong, alam ko namang mahihirapan na kaming makasakay.
Agad kong iniligpit ang mga gamit namin ni Kristof. Nakakahiya naman kung paghihintayin pa namin siya.
Bubuhatin ko na sana si Kristof nang agad na itong binuhat ni Lucas. Kukuhanin ko sana sa kanya ang anak ko pero pinigilan niya ako at inilayo ang anak ko.
"Ako na ang bahalang mag-buhat sa kanya." sabi nito at dire-diretsong sumakay ng elevator. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanila.
Inilagay niya si Kristof sa backseat at siniguradong hindi ito mahuhulog.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagpasalamat sa paghatid nito. Siya na din ang nag-prisinta na buhatin si Kristof papasok sa bahay.
Hinayaan ko na lang siyang ipasok sa kwarto si Kristof at nag-handa muna ako ng pwede kong mailuluto. Naramdaman kong pumasok siya sa loob ng kusina kaya napalingon ako.
"S-sir. B-baka gusto niyo po muna sana mag-hapunan bago kayo umalis."
"Sure. Thanks." sabi nito at mataman pa ding nakatingin sa akin. Nag-bawi na lang ako ng tingin sa kanya at nagsimula ng magluto.
Nang maihanda ko na ang hapagkainan ay ginising ko na si Kristof. Ayokong matulog ito ng wala man lang kinakain. Nagsimula na naman silang mag-kwentuhan pero ngayon ay tungkol sa mga nababasang libro ang piang-uusapan nila. Mahilig kasing magbasa si Kristof ng mga libro na madalas ay binibili ni Xienna o Catrina.
Nang matapos kaming kumain at mailigpit ko ang mga pinagkainan ay nag-paalam na si Lucas na uuwi. Inihatid ko naman ito hanggang gate.
"I really enjoy your company today, Thalia." sabi nito at biglang humakbang palapit sa akin. Napalunok ako nang hapitin niya ang beywang ko palapit sa kanya.
"Habang wala ang tatay ni Kristof, ako ang tatayo bilang ama niya. Remember that, Thalia." bulong niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Naiwan naman akong parang tuod sa labas ng gate hanggang sa makalayo ang kotse nito. Napahawak ako sa dibdib ko at napailing. Hindi pwede to.
Pumasok na ako sa loob ng bahay nang masigurado kong naka-lock na ang lahat ng pinto.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay nakita kong nakaupo lang si Kristof at nakatitig sa teddy bear niya. Napalingon siya sa akin nang umupo ako sa tabi niya.
"May problema ba, baby?" hinaplos ko ang buhok nito.
"Wala naman po, Nay. Napaisip lang po ko sa sinabi ni Tito Lucas kanina." napakunot ang noo ko. May sinabi si Lucas sa kanya siguro noong naghuhugas ako ng pinggan.
"Ano bang sinabi niya sayo?"
"Tawagin ko na lang daw po siyang Tatay habang wala pa daw ang tunay kong papa." sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko maiwasang mapalunok kaya agad ko itong inilapit sa dibdib ko at niyakap siya ng mahigpit.
"A-anong isinagot mo?"
"Ayos lang po sa akin. Gusto ko lang po kasing maranasang may tawaging tatay. Hindi ko po alam, nanay. Magaan po loob ko sa kanya. Hindi po ba pwede? Masama po ba yung pagpayag ko?" inosenteng tanong nito at kita ko ang lungkot sa mga mata nito nang mag-angat siya ng tingin.
Napatitig ako sa kanya at hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"P-patawarin mo si Nanay ha? Kung hindi natin kasama ang tatay mo ngayon." napahikbi ako at tumulo na rin ang luha ni Kristof.
"N-naiintindihan ko naman po, nanay. Sorry po kung pumayag ako tawagin siyang tatay kahit wala pa iyong totoo kong papa. Sorry po." humagulgol na ito kaya lalo lamang akong naiyak.
"Huwag ka mag-sorry sa akin, anak. Ayos lang naman sa akin k-kung tawagin mo siyang t-tatay. Lahat ng makapag-papasaya sayo, anak. Masaya na din ako doon. Kaya huwag ka ng umiyak ha? Pa-kiss nga si nanay."
Pinugpog ko ito ng halik sa mukha at pinunasan ang mga luha niya. Napahagikgik ito at yumakap sa akin ng mahigpit. Labag man sa akin ang pagpasok ni Lucas sa buhay ng anak ko, kakayanin ko. Kung iyon lang naman ang magpapasaya sa anak ko.
Kahit sa bawat kita ko sa mukha niya ay naaalala ko ang pait ng nakaraan. Kakayanin ko. Para sa anak ko.
"I love you, nanay. Mahal na mahal po kita." sabi niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Mahal na mahal na mahal ka din ni nanay. Tatandaan mo iyan ha? Hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangayari."