Thalia's POV
Maaga akong nagising kahit sabado lang naman dahil sa pagtawag ni Lucas kanina. Sinabi kasi nito na pupunta daw siya sa bahay kaya agad akong napabalikwas paupo.
Akala ko kasi ay hindi niya tototohanin ang ipinangako niya kay Kristof na mamasyal ito kasama siya ngunit nagkamali ako dahil sinabi niyang maghanda na daw kami dahil mamayang alas-onse ay susunduin niya kami rito sa bahay.
Kaya ito, ipinagluto ko na agad ng almusal ang anak ko bago ko ito gisingin. Niluto ko ang paborito niyang tinapa at sinangag. Iyon kasi ang madalas niyang gustong kainin tuwing umaga.
Pagkatapos kong ihanda ang hapag ay ginising ko na ang anak ko na mahimbing pa din natutulog sa kama ko. Mayroon siyang sariling kwarto pero mas pinipili niyang tabihan ako matulog na mas gusto ko naman.
Maisip ko lang na kapag lumaki na ito ay hindi ko na ito madalas makakasama o makakatabi sa pagtulog kaya habang bata pa siya ay lulubos-lubusin ko na.
Tinitigan ang maamong mukha ni Kristof, hindi ko maiwasang mapait na mapangiti. Hindi kasi nalalayo ang hulma ng mukha nito sa ama at ayon ang kinatatakot ko.
Na baka maghinala ang lahat at may mag-udyok sa kanyang pa-imbestigahan ang buhay ng anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko at handa kong isuko kahit ang sarili kong kaligayahan para lamang sa kanya. Kaya kong tiisin ang lahat para lang mapasaya siya.
Hinaplos ko ang mukha nito at hinalikan siya sa noo.
"Baby, gising na anak. Umaga na at kailangan mo ng kumain ng almusal. Taya na dali at baka lumamig na iyon." mabining wika ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi niya.
"Good morning po, Nanay. Ano pong almusal natin?" tanong ng anak ko habang pupungas-pungas na umupo at hinalikan ako sa pisngi.
"Iyong paborito mo, syempre. Halika na at kailangan mo ng mag-ayos dahil mamamasyal daw kayo ng Tito Lucas mo." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Lumawak ang ngiti nito at excited na hinatak na ako pababa sa kusina.
Pagkatapos ko siyang pakainin ay iniwan ko muna siya sa sala para maghugas ng pinagkainan namin. Nang matapos ako sa ginagawa ko sa kusina ay pinaliguan ko na si Kristof.
"Nay ako na po ang magbibihis sa sarili ko. Maligo na po kayo para po pagdating ni Tito Lucas ay aalis na tayo." magiliw na wika ni Kristof kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang mapaisip, paano kung dumating ang panahon na bigla na lang malaman ni Lucas ang tunay na pagkatao ni Kristof? Ipagtatabuyan niya ba ang anak ko? Kukuhanin sa akin?
Ipinilig ko ang ulo ko sa mga isiping pumapasok sa isip ko. Nandyan na eh. Pinaglalaruan ako ng kapalaran at nasa buhay na namin si Lucas.
Pagkatapos kong maligo ay nagtapis ako ng tuwalya bago lumabas ng cr at ganoon na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang makita ko si Lucas na prenteng-prente ang pagkaka-upo sa sofa katabi ang anak ko.
Napatingin sa gawi ko ito at ganoon na lang ang pagkataranta ko nang sumagi sa isip ko na wala pala akong kahit na panloob at natatakpan lamang ng maliit na tuwalya ang katawan ko!
Halos lumuwa ang mata niya at hindi mapakali sa pagkakaupo ng pasadahan niya ang katawan ko. Bigla naman lumapit sa akin si Kristof at inosente akong hinahatak palapit kay Lucas.
Utang na loob naman anak. Basang-basa pa ako galing ng shower at lalaki ang kaharap ko ngayon. Walang suot si nanay na kahit anong panloob! Mariasantisima!
"A-anak, magbibihis muna si Nanay. G-good morning po, Sir Lucas. M-maiwan ko ho muna kayo dito." nagmamadaling dumiretso ako sa kwarto at napahawak sa dibdib ko.
Napakalakas ng t***k ng puso ko at hindi tama to. Ramdam ko din ang pag-init ng magkabilang pisngi ko kaya napamura ako ng mahina. Nagmadali na lang akong nag-bihis at nag-ayos.
Narinig ko ang mahinang pagkatok ni Kristof sa pintuan at pinagmamadali na ako. Pagbukas niya ng pinto ay agad siyang lumapit sa akin at yumapos sa beywang ko.
"Halika na, baby? Nakakahiya naman kay Sir kung magtatagal pa ako ng sobra." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo niya. Nakangiting tumango ito at kinuha ang backpack niya sa kama.
Paglabas namin ng bahay ay nagsalubong ang mga tingin namin ni Lucas kaya hindi maiwasang mag-init ang pisngi ko nang maalala ko kung anong tagpo ang nangyari kanina. Nginisian naman niya ako bago lumapit sa amin at binuhat si Kristof.
"You really look hot and gorgeous when you're only just wearing your towel and nothing underneath." bulong niya sa akin kaya lalo akong nahiya at napakuyom ng kamao.
Kahit kailan talaga napakabastos ng bunganga nitong lalaking ito, ang sarap sapakin! Nakakahiya sa anak ko, buti na lang at hindi narinig ni Kristof dahil masyado itong tutok sa paglalaro ng buhok ni Lucas.
Lumayo ako sa kanila at siniguradong naka-lock na ang mga pinto pati na din ang gate. Nang masiguro ko na secure na ito ay dumiretso ako sa kotse ni Lucas at umupo sa shotgun seat.
Ikinandong ko ang anak ko atsaka ikinabit ang seat belt.
"Tay, saan tayo pupunta?" tanong ng anak ko at tumingin ito sa gawi ni Lucas. Nginitian ito ni Lucas at ginulo ang buhok.
Kita ko ang pag-kislap ng mga mata nito nang tawagin siya ni Kristof sa ganoong paraan. Ewan ko kung imahinasyon ko lang ba iyon o talagang masaya siya. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko.
"Ikaw? Saan mo ba gusto pumunta? Kung wala ka naman maisip handa naman ang pinaka-gwapong tatay sa mundo kung saan tayo pwede pumunta." sabi niya at sumaludo sa anak ko samantalang kumindat naman siya sa akin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong napaiwas ng tingin.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil tinalo ko pa ang teenager kung umasta ngayon. Hayy.
Itong lalaking na din naman kasi na to eh puro kalandian lang ata ang dumadaloy sa katawan. Napakagat na lang ako sa labi ko at inayos ng upo si Kristof.
"Sige, tatay. Ikaw na lang po humanap ng papasyalan natin para masaya!" sabi ni Kristof na mukhang tuwang-tuwa talaga ngayong araw. Narinig ko naman na natawa si Lucas.
Nang umandar na ang kotse ni Lucas ay nag-umpisa na muli silang mag-kwentuhan ni Kristof. Ngayon ko lang nakita na ganito kagiliw ang anak ko at kailanman hindi ko nakita ang ganoong klaseng kislap sa mga mata niya.
Kung malalaman kaya niya na ang tumatayong ama niya ngayon ang talagang tunay niyang ama, kamumuhian niya kaya ako? Kung malaman kaya ni Lucas na anak niya si Kristof, ilalayo niya kaya ang anak ko?
Biglang sumikip ang dibdib ko sa mga posibleng mangyari at habang tumatagal sa buhay namin si Lucas ay lalo rin tumitindi ang takot at panibugho sa puso ko. Napapahid ako sa gilid ng mata ko nang may tumulong luha roon.
Napatingin naman ako sa paligid at hindi maiwasang mapakunot ang noo ko.
"Lucas, saan ba tayo pupunta at nakarating na tayo dito sa SLEX?"
"Enchanted Kingdom. Gusto kong ipasyal si Kristof sa lugar na hindi niya pa napupuntahan."
"P-pero sobra naman na ata to. Nag-bayad ka pa ng toll fee at paniguradong malaki ang magagastos doon."
"Anything for that sleeping little man, I'll do it. If you'll ask me why I am doing this things, I can't answer you. I don't know but there is something with that child and I am willing to take a risk just to be with him. Magaan pa pati ang loob ko sa kanya which is really odd."
.." If I had ever met you or have s*x with you long time ago, I'll even think that he's my son or even blood-related to me. Ang kaso, imposible atang maging anak ko siya because I never met you before. It is really impossible too if he's my nephew. Matagal na silang mga may pamilya, well, except na lang kung may nagloko sa kanila."
"Ipinupunto mo ba na disgrasyadang babae ako at papatol na lang sa taong pamilyado na?" hindi ko alam pero nakakainsulto kasi ang patutsada niya kahit pa ang gusto niya lang naman sabihin ay baka parte si Kristof ng pamilya nila.
Bigla namang nataranta ito at mabilis na hinawakan ang kamay ko.
"No! I didn't meant it that way. It's just that... well, how will I explain this? Ang may dugong Hernandez lang ang mayroong maliit na balat sa braso at katulad na katulad iyon ng kay Kristof. Especially his eyes. It's same with mine."
Nanginginig ang buo kong kalamnan sa lahat ng sinasabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali na naguguluhan na siya kung sino ba talaga si Kristof sa buhay niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya at pasimpleng niyakap si Kristof ng mahigpit.
"B-baka nagkataon lang. K-kilala ko ang ama ng anak ko at alam kong wala siyang kaugnayan sa pamilya mo o sayo. H-huwag mo ng isipin pa kung sino ang ama niya dahil mananatili na lamang iyong sikreto." mahinang saad ko.
Napansin ko ang biglang pag-seryoso ng mukha niya at napahigpit ang hawak nito sa manibela. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nanatiling tahimik sa buong biyahe.
"Gisingin mo na si Kristof para makapamasyal na tayo. I just want to enjoy this day with the both of you so please just for once, let's think that were having our family bonding today. I want to fulfill my promise to that kid." sabi niya at lumabas na ng kotse.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Kristof, baby. Gising ka na dali. Nakarating na tayo sa papasyalan natin." sabi ko dito at hinalikan ito sa noo niya. Pupungas-pungas itong tumingin sa paligid at ngumiti sa akin.
"Nasaan po si Tatay?"
"N-nasa labas na. Halika na."
Bumaba na kami sa kotse at agad nang ni-lock ni Lucas ang kotse niya bago dumiretso sa bilihan ng ticket. Maya-maya lang ay nakita kong winagayway ni Lucas ang mga ticket kaya agad tumakbo palapit si Kristof sa kanya at nagpa-karga.
"Where do you want to go first, hmm?" tanong niya kay Kristof habang buhat-buhat niya ito. Napapitlag pa ako ng hawakan ni Lucas ang kamay ko samantalang ang isa naman ay buhat si Kristof.
"Gusto ko po doon sa malaking barko!" sigaw ng anak ko kaya natawa na lang kami. Ang tinitukoy niya siguro ay yung Anchors Away kaya sumakay kami agad doon. Wala pa naman kasi masyadong tao dito kaya hindi kahabaan ang pila.
Wala naman kaming ginawang iba kung hindi tumili ng tumili habang pabilis ng pabilis ito. Hinalikan pa nga ako ni Lucas nang dahil sa kakatili ko kaya namula na naman ako.
Pagkababa namin doon ay kitang-kita ang saya sa mga mata ni Kristof kaya napangiti ako. Sunod naman ay sumakay naman kami sa bump car. Sila ang magkakampi samantalang mag-isa lang ako kaya pagkababa namin ay napanguso na lang ako.
Isip bata man pero nakakainis dahil sa maikling panahon ay agad silang nag-kasundo at pinagkaka-isahan pa ako.
"Ang daya niyo, pinagtulungan niyo akong dalawa." sabi ko habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Hinalikan na naman ako ni Lucas pero inirapan ko lang siya.
"Ikaw, namumuro ka na kakahalik ah! Susuntukin na kita." sabi ko sa kanya habang tinitignan siya ng masama. Siya naman ang napanguso kaya tinawanan siya ni Kristof.
"Huwag po kayong ngumuso, 'Tay. Mukha ka pong ewan." sabi ng anak ko kaya napatawa na lang ako. Lalo naman itong napasimangot pero kalaunan ay napangiti din ng pindutin ni Kristof ang pisngi niya.
Marami pa kaming sinakyan kaya kinakailangan pa namin magpalit ng damit dahil sa pinaghalong pawis at tubig sa mga rides.
"Where do you want to eat, my lady?" tanong sa akin ni Lucas habang hawak na naman nito ang kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Kahit saan ayos lang sa akin."
NANG magga-gabi na ay sumakay kami sa Ferris Wheel. Hindi ko maiwasang mapalunok ng kaunti dahil may takot pa din naman ako sa matataas na lugar tulad nito.
Ganoon na lamang ang kaba ko ng huminto ito sa tuktok kaya kitang-kita ang buong siyudad. Naramdaman siguro ni Lucas ang kaba ko kaya agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko habang katabi niya si Kristof na tuwang-tuwa sa nakikita.
Namutawi ang katahimikan na agad din namang naputol.
"Thalia, thank you so much for this day. I never felt this way before in my entire life, ngayon lang. And I am very happy for having you here, spending your whole day with me." sabi niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Nang malapit na mag-lapat ang mga labi namin ay biglang inangat ni Kristof ang malaking teddy bear kaya ayun ang nahalikan namin. Humagikgik lang ang anak ko kaya napatawa na lang ako.
Napasulyap ako kay Lucas at kitang-kita na nakasimangot na naman ito at humalukipkip pa kaya natawa ako lalo. Nang nakababa na kami sa ferris wheel, nakasimangot pa din to habang bitbit si Kristof. Mukhang nagta-tampo kasi hindi na naman niya nagawa ang mga madudumi niyang paraan.
Hating gabi na ng makauwi kami sa bahay at bakas sa aming tatlo ang pagod at saya. Napahikab na lang ako at inayos ang pagkakabuhat kay Kristof.
"Mag-ingat ka sa daan pauwi. Maraming maraming salamat talaga Lucas dahil ginawa mo pa ang mga bagay na ito para sa anak ko."
Ngumiti ito ng tipid ngunit sapat na iyon para mag-wala na naman ang mga kung anu-ano sa loob ng kalamnan ko.
"Goodnight, Lucas."
Pababa na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Napalingon ako sa kanya at ganoon na lang ang pagkabigla ko ng halikan niya ako sa labi.
Mabuti na lang ay hawak kong mabuti si Kristof kaya hindi ito napaano. Ngunit mas lalo akong natigagal sa itinanong niya sa akin.
"Can I sleep here tonight?"