Thalia's POV Hindi ko mapigilang mapasinghap nang bumungad sa paninigin ko ang napaka-perpektong mukha ni Lucas na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakadagan pa ang braso nito sa bandang tiyan ko. Umagang-umaga pero ganito na agad kabilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping lumipat pala ito sa tabi ko ng hindi ko nararamdaman. Ano ba ang nasa utak ng lalaking ito at bigla na lang pumapasok sa kwarto ng iba? Dahan-dahan kong iniangat ang braso nito ngunit bigla na lamang humigpit ang pagkakayapos nito sa akin. Mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. Nagmulat ito ng mata at hindi ko maiwasang mapalunok habang nakikipagtagisan rito ng tingin. Utang na loob naman. "Good Morning, baby." paos na wika nito kaya napaiwas ako ng tingin "G-good morning din pero pwede bang pakibitawan ako?

