Thalia's POV Maaga akong nagising ngunit parang mas magandang sabihin na hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa kung ano ang dapat koong iakto ngayong araw lalo na sa tuwing iisipin ko iyong mga ginawa ko nitong mga nakalipas na araw. Napahilot na lang ako sa sintido ko at nagsimula ng maglinis ng bahay. Nagluto na din ako ng almusal namin mag-ina. Mabuti na nga lang at tapos na daw ang mga suliranin sa shop ni Xienna kaya pwede na daw niyang maalagaan ulit si Kristof. Napakaswerte ko sa kaalamanan na mayroon akong mga kaibigan na handang alalayan ako sa pagpapalaki kay Kristof. Pagpasok ko sa kwarto ni Kristof ay nakita ko na siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pupungas-pungas pa. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Good Morning, baby boy. Bakit ang aga mo atang nagising ngayon?" ta

