XV

1936 Words
CHAPTER FIFTEEN "LEAVE that alone, Sonja. Hayaan mo na kay Manang Nadia 'yan." Nilingon ni Sonja si Jared habang nagbabanlaw siya ng mga pinagkainan nila nang gabing iyon. "Kaunti lang naman 'to, e. Ayos lang," sagot naman niya. "Pagod din si Manang Nadia sa buong araw." "Ako na lang ang tatapos niyan." Lumapit ito sa tabi niya. "Marunong ka?" amused na tanong niya. "Pwede naman akong bumili kapag nakabasag ako." She giggled. "I'm starting to like your sense of humor, Red." Isinara na niya ang gripo matapos mailagay ang basong nabanlawan na niya. "See? Tapos na ako." Hindi na niya kailangang maghanap ng basahan dahil may nakaabang nang hawak ni Jared. Kinuha nito ang mga kamay niya at tinuyo. Napangiti si Sonja habang pinagmamasdan ito. "Thank you." "Baka sabihin ng mga kapatid mo, inaalila kita rito." "Masama bang pagsilbihan kita?" "Basta. Ayokong napapagod ka." "Okay," natawang sabi na lang niya. Ang akala niya ay pakakawalan na ni Jared ang mga kamay niya nang tuluyan na iyong matuyo. Itinabi nito ang basahan at pinagmasdan ang mga daliri niya. "B-bakit?" naiilang na tanong niya. Jared looked at her. Naningkit ang mga mata nito. Napataas ang isang kilay ni Sonja. May naiisip ba itong kalokohan? "Huwag mo 'kong tingnan nang ganyan, Mr. Yap." May dinukot ang isang kamay ni Jared sa bulsa ng shorts nito. Natameme si Sonja nang makita ang isang maliit na kahita na kulay-itim. He flipped it open and she saw a ring with a tiny white diamond on it. Kumabog ang dibdib ni Sonja pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Nginitian siya ni Jared bago nito kinuha ng singsing at itinabi ang kahita sa lababo. Napalunok siya. Nakita naman niya ang mahinang pagbuntong-hininga ni Jared habang isinusuot ang singsing sa daliri niya lalo na nang sumakto iyon sa daliri niya. Ano'ng nangyayari? tanong ng isip niya. "R-Red..." "I know how hard you've been trying to cope up with a man like me," sabi nito. "Hindi ko alam kung naging mabuti ba ako sa'yo. But I really want to take care of you and our baby." Jared looked anxious and sincere at the same time. "Hindi ko alam kung paano. Pero hayaan mong umpisahan ko sa pagbibigay sa'yo nitong singsing." Napalunok si Sonja. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kamay niyang may singsing at sa mukha nito. It felt like her heart was already in her throat. "Gusto kong bumuo tayo ng isang pamilya. Gusto kong tumira tayo sa isang bahay na hindi kagaya nito. Gusto kong magkaroon tayo ng kapitbahay para may makalaro si Jamie at ang magiging anak natin. Gusto kong magkaroon ka rin ng kaibigan. Gusto kong umalis ng bahay na hinahatid mo 'ko. Gusto kong umuwi ng bahay na sasalubungin n'yo 'ko. "Hindi na 'ko umaasa na mararanasan ko pa ang mga gano'ng bagay. Pero dumating ka. Hindi ako perpektong tao pero sana... sana deserved ko rin ang isang katulad mo." His voice broke and he immediately cleared his throat. Muli itong napabuga ng hangin. "I'm sorry for acting like this. Ngayon ko lang kasi 'to ginawa. I know I look stupid." Hinintay ni Sonja na sabihin nito ang tatlong katagang matagal na niyang gustong marinig mula rito pero hindi iyon nangyari. Pero sinabi na ni Jared ang gusto nitong mangyari sa relasyon nila. He wanted to build a family with her. He wanted to spend a lifetime with her! At sapat na iyon nang mga sandaling iyon para mapuno ng saya ang puso niya. Darating din kayo ro'n, Sonja, pakonswelo niya sa sarili. Sasabihin din niya 'yong mga salitang 'yon. "Alam ko kung ga'no kahirap para sa'yo," sabi niya at hinawakan ang mukha nito. "Hindi ka showy at marami kang itinatago. You're a mystery to me until now, Red. Pero handa akong maghintay. Huwag mo lang masyadong tatagalan, ha?" "I will do my best," he said with a shy smile. "Thank you." Tumiyad siya at mariing hinalikan ang mga labi nito. Pagkatapos ay iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito. "Ang ganda nitong singsing, ha. Galing mong pumili," natawa pang sabi niya. "'You think next month is the perfect time to get married? Civil wedding, sunset time at the beach?" "Naisip mo na ang mga 'yon?" amused na tanong niya nang titigan niya ang mukha nito. "Gusto mo ba ng church wedding?" "Ceremony lang naman ang pinagkaiba ng mga 'yon, 'di ba? Ire-recognize pa rin naman ng batas ang kasal natin kahit civil. Okay na 'ko ro'n. Basta ikaw ang pakakasalan ko. He-he." Nakangiting idinikit ni Jared ang noo nito sa noo niya. "Hindi ka napipilitang magpakasal sa 'kin sa lagay na 'yan, ha?" tanong pa nito. "Ano ka ba?" napabungisngis na pakli niya. "Miss Sonja! Let's have some ice cream na!" ang excited na boses ni Jamie sa entrance ng kusina. "Jamie," ang mahina at mariing anas ni Jared. Lalong napabungisngis si Sonja. "BAKLA ka, ang ganda ng singsing mo." Nanlalaki ang mga matang anas ni Sanya habang hawak-hawak ang kamay niya. Sa isang restaurant na sila nagkita nang weekend na iyon para sa birthday ni Keith Clark. Pagmamay-ari raw ng kamag-anak ng senador ang restaurant na iyon at imbitado ang mga malalapit na kaibigan nito. Sinundo ni Keith ang mga kapatid niya sa bahay nila. Casual lang din ang ayos nila dahil ayaw daw nito ng masyadong pormal na party. Ang sabi pa ng Ate Sanya niya, kung si Keith lang ang masusunod, mas gusto nitong huwag na lang mag-celebrate at i-donate na lang sa mga nangangailangan ang pera. Pero hindi naman daw ito makatanggi sa mommy nito. Natawa naman si Sonja. "Magkano raw 'to?" tanong pa ng kapatid niya. "Hindi ko na tinanong, Ate. Kailangan pa ba?" Napasulyap siya kay Jared na kausap si Keith Clark at isang kilalang politiko. "Okay. Mukha ngang seryoso siya. Hindi na 'ko kukontra. Paano naman siya nag-propose sa'yo?" "Nag-propose siya matapos kong maghugas ng pinggan." "Ang romantic naman," matabang na komento ni Sanya. Napabungisngis siya. "Si Jared 'yon, Ate, hindi isang movie actor." "Masaya ka?" "Masayang-masaya." "Masaya na rin ako, kung gano'n. Basta hindi ka niya pinapahirapan, pababayaan kita." "Thank you, Ate," kinikilig na sabi niya. "PWEDE ba kitang hiramin sandali?" nakangiting tanong sa kanya ni Jared nang lapitan sila nito. "Bakit?" tanong niya. "Ipapakilala lang kita kay Mama at sa mga kapatid ko." Nagkatinginan sila ni Sanya. Oo nga pala, nandoon din ang pamilya ni Jared. Naikwento na nito minsan sa kanya ang pamilya nito. Wala na ring tatay si Jared. Namatay ito two years ago dahil sa kidney failure. He was seventy-five. "Good luck, Sis," kantiyaw naman ni Sanya. Iningusan naman niya ang kapatid. Iniabot ni Jared sa kanya ang kamay nito at tinanggap naman niya iyon sa nanlalamig na kamay. "You'll like her," paninigurado naman ni Jared. Ngiti lang ang tugon niya. "Kita tayo mamaya," sabi pa niya kay Sanya. Kaway at ngiti naman ang tugon ng kapatid. Lumapit sila sa isang mesa kung saan may isang matandang babaeng kinakandong si Jamie. "There you are!" bulalas ng bata. "Mamita, there's my Mama Sonja and my baby brother in her tummy!" "Really?" Namilog ang mga mata ng matandang tinawag nitong 'mamita' at tumutok ang mga mata kay Sonja. Lalong napahigpit ang hawak ni Sonja sa kamay ni Jared. Sa tingin niya ay nasa mid to late sixties na ang babae. Maganda ang ginang at mukhang may lahing European. Ang isang babae at isang lalaking hawig na hawig kay Jared na naroon din sa mesa ay napatayo at hinarap sila. "Guys, I'd like you to meet Sonja Sta. Maria, my future wife," nakangiting pakilala sa kanya ni Jared. Napatingala rito si Sonja para kumuha ng lakas ng loob. Inilipat ni Jared ang kamay nito sa balikat niya at pinisil. "It's okay, Sonja," masuyong bulong nito. "Hi, Sonja. How old are you? Eighteen?" biro ng lalaking kahawig ni Jared. Natawa ang mama ni Jared pati ang kapatid nito. "Jose Antonio," saway naman ni Jared dito. "It's 'Jai', Kuya," napasimangot na pagtatama naman ni Jose Antonio. Iniabot nito ang kamay sa kanya. "But you really look young, Sonja. I'm Jai. Welcome to the family." "T-thank you," tugon ni Sonja at nakipagkamay rito. Hindi katulad ni Jared na seryoso at maawtoridad ang dating, punong-puno naman ng confidence si Jai. Simpatiko ito at halatang habulin ng mga babae. Pwede na nga itong maging artista. "Hi, Sonja. I'm Jemaika. Welcome to the family." Niyakap pa siya nang mahigpit ni Jemaika. "Thank you for making our brother smile again," makahulugang sabi nito. "Salamat, maraming-maraming salamat," medyo emosyonal na tugon pa ni Sonja. "Jamie has told us a lot of things about you. Hindi pa kita nami-meet, nagustuhan na kita. Thank you for being kind to our nephew." "Hindi naman mahirap mahalin si Jamie, e," nakangiting aniya. "Hindi ko inaasahan 'to. Nao-overwhelm ako." Natawa pa silang dalawa ni Jemaika. "O, ako naman," singit ni Mrs. Yap. Bumalik ang kaba sa dibdib ni Sonja. "Let me see." Lumapit nang husto si Mrs. Yap sa kanya. Hindi ito katangkaran. Umabot lang yata ito sa tainga ni Sonja. Pinagmasdan nito ang kabuuan niya partikular na ang kanyang tiyan. "How's pregnancy, hija? Hindi ka ba pinapahirapan ni James?" "H-hindi naman po," tugon ni Sonja sa kiming ngiti. "That's good." Nagulat siya nang basta na lang siyang niyakap nito. "Ako nga pala si Aurora Yap. Tawagin mo na rin akong 'Mama', okay? Welcome to the family." Tinugon ni Sonja ang yakap nito. "T-thank you po, M-Mama," tugon niya. Hindi naman sa gusto niyang agawan ng moment si Keith Clark pero napakaespesyal ng pakiramdam ni Sonja nang araw na iyon. "Ilang taon ka na nga ulit? Eighteen?" "Ma!" Muli siyang inakbayan ni Jared. "She's nineteen." Napuno naman ng tawanan ang mesa. "Gusto ko na ngang magtampo kay Jared. I thought he's gonna keep you all to himself. Pero hindi pa naman huli ang lahat, 'di ba? You know what? Bakit hindi tayo mag-set ng date para makapag-dinner naman tayo, kayo at ang mga kapatid mo? Sa condo kaya ni James? Para convenient sa ating lahat." "Magandang idea nga 'yan, Ma," mabilis na sang-ayon ni Jared. Iniyakap ni Sonja ang isang braso niya rito. "Oo nga. I think that would be awesome," napapalakpak na sang-ayon ni Jemaika. "S-sige po," kimi ang ngiting tugon naman ni Sonja. Napatingin siya kay Jared at sinalubong naman siya ng halik nito sa kanyang noo. "ATE, ANG gwapo ni Jai, 'no? May girlfriend na ba siya?" pigil ang ngising tanong ni Sannie kay Sonja nang magsimula na silang kumain. "Sannie, lapitan mo at tanungin. Nahiya ka pa," pakli ni Sanya. "Baka isipin niya, malandi ako." "Hindi ba?" sabay na tanong pa nina Sanya at Sonja. Umingos naman ang kapatid nila. "Grabe, napaka-supportive n'yo." "Pabago-bago naman ng girlfriend 'yon," sabi ni Jared. "Gano'n ba? Sige, change topic na." Natawa naman sila rito. "Red, sino 'yong mag-asawang kinausap si Jamie kanina?" tanong ni Sonja mayamaya pa. Napasulyap siya sa mesang kinakainan na ngayon ng mga tinutukoy niya. Merong lalaking kasama ang mag-asawa. Mukhang kaedad lang ni Jared ang lalaki. He was drinking heavily. Nakita pa niya ang hindi lang iisang beses na pagtapon nito ng masamang tingin kay Jared. "Si Mr. and Mrs. Silverio. Grandparents din ni Jamie," tipid na sagot nito. So... Iyon pala ang mga magulang ng nasira nitong asawa. "A-at 'yong lalaking kasama nila?" "Si Karlos, kapatid ni Kimberly. Huwag mo siyang pansinin. As much as possible, stay away from him." "Okay," tugon na lang niya. Halata namang may tensiyon sa pagitan nito at ng Karlos na iyon sa hindi niya malamang dahilan pero hindi na lang siya magtatanong. Mukha naman kasing wala rin siyang makukuhang matinong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD