bc

A Wife for the Billionaire(My Billionaire Husband Series)

book_age16+
36.7K
FOLLOW
237.3K
READ
billionaire
contract marriage
love after marriage
second chance
playboy
CEO
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Kaye ay hopeless romantic. Naniniwala siya sa happily ever after na ending. Kaya naman gano’n din ang gusto niyang mangyari sa lovelife niya.

Dumating ang ganoong pagkakataon nang alukin siya ni Mrs. Antigua na magpakasal sa anak nitong si Raizer. Katwiran ng ginang ayaw nitong maging manugang ang gold digger na girlfriend ng anak.

Ang tindi ng pagkakagusto ni Kaye sa binata kahit noong una pa lang niya itong makita kaya pumayag siya sa gusto ng ginang. Ang pagpapakasal dito ay malaking pagkakataon para mapalapit siya sa binata at mapaibig ito.

Ngunit sa kasamaang palad ay mukhang wala siyang magagawa para mabaling ang atensyon ng binata sa kanya. Walang epekto sa binata ang pang-aakit niya rito.

Hanggang kailan niya kayang tiisin ang malamig na pakikitungo ng asawa niya? Kung aalis siya, kaya rin ba niyang mabuhay nang malayo sa lalaking pinakamamahal niya? Kaya ba niyang magparaya sa babaeng hindi naman karapatdapat? O mananatili na lang siya sa tabi ng asawa at hintayin ang milagro na susuklian din nito ang pag-ibig niya?

Isang mahirap na desisyon ang pinili niya. Sana lang ay hindi niya ito pagsisihan balang araw.

chap-preview
Free preview
Prologue
KUSANG umaagos ang luha ni Kaye habang inilalagay niya sa white envelope ang dalawang card at tseke. Ilang beses na niyang pinahid ang mga mata. Pero tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha niya kaya hinayaan na lang niya ito. Pagkatapos maiayos ang laman ng envelope ay hinugot niya mula sa kanyang daliri ang dalawang singsing. Kumuha siya ng scotch tape at gunting saka idinikit ang parehong singsing sa loob ng nakatuping sulat. Nang masigurong hindi na malalaglag ang mga singsing ay ipinasok niya ang sulat sa envelope. Tumayo siya at inilapag ang envelope sa tabi ng lamp shade. Inilabas din niya ang isang bungkos ng susi at key fob mula sa kanyang sling bag saka inilagay ito sa tabi ng envelope. Habang iginagala niya ang paningin sa buong kuwarto ay nagpapahid siya ng luha. Ilang beses din siyang huminga nang malalim bago niya isinukbit ang sling bag. Isinuot din niya ang backpack na nasa ibabaw ng kama saka siya lumabas ng kuwarto. Ni hindi na siya lumingon pa. Pagkababa niya ng hagdan ay dumiretso siya sa main door. Nang makalabas siya ng bahay ay tuloy-tuloy siya sa gate. Binuksan ng guwardiya ang gate nang makita siya nito. Nginitian lang niya ito bilang pasasalamat. Paglabas niya ng gate ay eksakto namang may humintong SUV sa harap niya. “Good morning, Ma’am! Sa TaxiMeter po,” wika ng matandang driver nang tumingin ito sa kanya. Tumango siya saka binuksan ang pinto. “Manong sa airport po tayo,” utos niya sa driver nang makaupo sa loob. Inilabas niya ang kanyang cellphone at tinanggal ang simcard nito. “Manong pakibukas nga po ang bintana ninyo,” pakiusap niya sa driver. Agad namang sumunod ang matanda. Pagkabukas ng bintana ay inihagis niya palabas ang micro sim. “Puwede na po ninyong isara ang bintana,” utos niya rito. Nang maisara na ang bintana ay isinandal niya ang likod sa upuan saka ipinikit ang mga mata upang pigilin ang mga luhang nagsisimula na namang pumatak. “HOW CAN you do this to me, Anna? I have been loving for a very long time and yet you betrayed me,” nagpupuyos sa galit na sigaw ni Raizer. “I’m so sorry. I can explain,” lumuluhang pakiusap ng dalaga. Marahas na napailing si Raizer. “Explain? What is there to explain? I have seen it with my own two eyes. Matagal mo na akong ginagawang tanga. How can you say you love me when you are sleeping with another man?” Sa halip na sakalin ni Raizer ang babaeng nasa harap niya, pinagsusuntok na lang niya ang pader. “Tama na Raizer! You’re hurting herself!” awat ni Anna habang hinihila siya nito. Iwinaksi lang niya ang kamay nito. “Yeah! You’re right. Tigilan na natin ito! I’m done with you, w***e!” Galit niyang tinungo ang pintuan at pabalagbag din nitong isinara. Halos paliparin niya ang sasakyan makalayo lang sa lugar na iyon. Hindi niya lubos akalaing magagawa iyon ni Anna sa kanya. They have been together for the past ten years. But all those years, she was deceiving him. Bakit hindi man lang niya naramdaman iyon? Bakit hindi man lang siya nakahalata? Nabubulagan siyang masyado sa pagmamahal niya rito. Nang makarating siya ng kanilang bahay ay dumiretso siya sa master’s bedroom. Tinanggal niya ang lahat ng suot na damit at pumasok ng banyo. Paglabas niya ay kumuha siya ng damit sa walk-in closet. Nagbibihis na siya nang mapansin ang white envelope at bungkos ng susi sa side table. Nang damputin niya ang key chain ay saka niya natanto na ang laman nito ay susi ng master bedroom at lahat ng drawer at cabinet sa loob ng kuwarto. Napansin din niya ng key fob ng SUV na nasa tabi nito. Kinakabahang dinampot niya ang envelope at binuksan ito. Natigalgal siya nang makita ang laman nito. May dalawang tseke na nakapangalan kay Kaye. Tig-sampung milyon ang laman ng mga ito. Naroon din ang ATM card at credit card na ibinigay niya rito. Hinugot niya ang nakatuping papel at mas lalo pa siyang nagulat nang mabuksan ito. Nakadikit sa bandang taas ng sulat ang wedding ring at engagement ring ng asawa niya. Hindi na siya halos humihinga habang binabasa ang sulat ng kanyang asawa. Raizer, I’m sorry kung inabot ako ng ganito katagal bago ko ginawa ito. Akala ko kasi mababago ko pa ang isip at damdamin mo. Pero akala ko lang pala iyon. Kahit abutin pa ng ilang taon, hindi ka pala magbabago. Kahit anong gawin ko ay wala palang mangyayari. Pinaasa ko lang ang sarili ko sa wala. Mabuti na lang at isang taon lang ang hiningi ng Mama mo sa akin. At least ngayon, malaya na tayong pareho. Pag-alis ko ng bahay mo, wala akong dadalhin na kahit ano. Kung ano ang sa akin, iyon lang ang kinuha ko. Ayokong kunin ang hindi naman talaga para sa akin. I wish you all the best. Sana maging maligaya kayo ni Anna. Kaye ILANG segundong nakatula lang sa kawalan si Raizer pagkatapos mabasa ang sulat na iniwan ng asawa. Natauhan lang siya nang marinig ang ring tone ng kanyang cellphone. Tumayo siya at dinampot sa sahig ang kanyang pantalon. Kinuha niya rito ang kanyang cellphone. “’Ma…” agad niyang sambit nang sagutin ang tawag. “Finally, nahagilap din kita. Please come over the house right away. May kailangan kang pirmahan na papeles,” dire-diretsong sabi ng Mama niya. “What papers?” kunot noong tanong niya. “Oh, its’s the divorce papers. Pumirma na si Kaye noong isang araw pa.” Muntik na niyang malaglag ang hawak na cellphone sa narinig. “D-divorce p-papers?” Halos hindi lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon. “Yes. Pirma mo na lang ang kulang para maiayos ito ni Attorney Aragon.” Napabuga siya ng hangin. “I’m not signing the papers,” determinadong wika niya. “W-what?” Pinutol niya ang tawag saka marahas na inihagis ang kanyang cellphone. Tumama ito sa dingding at nagkapira-piraso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook