NANG MAGKAMALAY si Kaye ay tumambad sa paningin niya ang puting kisame. Nang igala niya ang kanyang paningin ay natanto niyang nasa ospital pala siya. Napansin din niya ang suwero sa kanyang kaliwang kamay. Bakit siya nandito sa ospital? Anong nangyari sa kanya? Biglang bumukas ang isang pintuan na nasa loob ng kuwarto. Lumabas mula roon si Khrysstyna. “Kaye! Gising ka na pala,” masayang bati nito saka lumapit sa kanya. “Bakit ako nandito?” nagtatakang tanong niya. “Nawalan ka ng malay kagabi habang nasa bahay tayo. Kaya dinala kita rito,” tugon ni Khrysstyna. “Naalala ko nga iyon. Nanonood tayo ng video tapos bigla na lang napansin ko na may dugo sa paa ko. Ano daw ba ang nangyari sa akin?” nag-aalalang tanong niya. Biglang sumeryoso ang mukha ni Khrysstyna. “Bago ko sagutin iyang

