Chapter 46 - Starting Anew

1034 Words

“YOU CAN start the car,” utos ni Raizer pagkaraan ng bente minutos. Tumaas ang kilay ni Kaye sa narinig. “Tapos na. Naayos na ba?” naninigurong tanong niya. “Kaya nga subukan mong paandarin para malaman natin kung maayos na nga ang sasakyan,” ani Raizer habang seryoso itong nakatitig sa kanya. Pumasok si Kaye sa loob ng sasakyan at binuhay niya ang makina. Umandar nga ito. Lumabas siya at lumapit kay Raizer. “Okay na,” nakangiting wika niya rito. Gumanti rin ng ngiti si Raizer. “That’s good. We can go now,” sabi nito at pinahid ang namumuong pawis sa noo nito gamit ang may grasang kamay. Kaya tuloy may kumalat na dumi sa noo nito. Napangiwi siya. Shit! Bakit ba kahit marumi ang mukha nito ay guwapo pa rin itong tingnan? “What’s wrong?” anang Raizer na biglang sumeryoso ang mukha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD