PAGKATAPOS mailapag ni Raizer ang chopper sa rooftop ng De Castro Building ay mabilis niyang tinungo ang kinalalagyan ng elevator. Sa layo ng binibiyahe niya tuwing pupunta siya ng Manila ay naisipan niyang bumili ng chopper para mabilis siyang makarating sa mga pupuntahan niya lalo na kung pupunta siya sa resort nila sa Cebu. Iyon nga lang malaki rin ang ginastos niya para rito. May twenty minutes pa bago magsimula ang meeting nila. Pero hindi niya gustong nali-late kaya lagi siyang maaga sa mga meeting. Nang makarating siya sa conference room ay nadatnan na niya roon sina PJ, Dave, Andrei, at isa pang hindi pamilyar na lalaki. “Kumusta mga bro?” malapad ang ngiting bati niya saka isa-isang kinamayan ang mga kasama niya pati na ang bagong mukhang naroon bago siya umupo. “Dapat kami a

