THREE years later Napapitlag si Raizer nang bigla na lang tumunog ang telepono sa tabi niya. Hinilot niya ang batok saka sinipat ang suot na relo. Alas-diyes na pala ng gabi, hindi na niya namalayan ang oras. Maingat na inangat niya ang landline phone na nasa mesa niya. “Hello!” “Mr. CEO, nag-o-overtime ka na naman. Uso din po ang magpahinga.” “Tumawag ka lang ba para sermonan ako? Ibababa ko na itong telepono dahil marami pa akong gagawin.” “Oops! Teka lang naman, hindi ko pa nasasabi ang pakay ko, nagpapaalam ka na.” “May kailangan ka pala, kung ano-ano pa kasing sinasabi mo. Diretsahan mo na lang kasi ako. Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa.” “Huh? Masama bang kumustahin ka?Nag-aalala lang naman ako dahil ilang buwan na rin tayong hindi nagkikita. Baka kasi sa susunod na magkita

