Chapter 43 - Consequences

1274 Words

TAHIMIK na lumabas si Raizer sa opisina ng Antigua Navigations. Pagdating niya sa parking area ay pinagsisipa niya ang gulong ng kanyang kotse. Gusto niyang sumigaw at magwala. Kung kailan niya natutuhang mahalin si Kaye ay saka pa siya nito iniwan. Saan ito nagpunta? Saan niya ito maaaring hanapin? Nang maramdaman niyang masakit na ang kanyang paa ay saka pa lang siya pumasok sa loob ng kotse. Inilabas niya ang sasakyan na walang tiyak na direksyong patutunguhan. Hanggang matagpuan niya ang sarili na ipinapasok ang kanyang sasakyan sa entrance ng Dasmariñas. Huminto siya sa harapan ng mansyon ngunit hindi siya agad lumabas ng sasakyan. Nakatitig lang siya sa unahan na para bang may interesanteng bagay na naroon, kahit ang totoo’y wala rito ang isip niya. Maya-maya’y may kumatok sa b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD