Callboy 8

3079 Words
Anak Ng Callboy II  Chapter 8 "Huminahon ka Gunner! Walang magagawa ang init ng ulo sa sitwasyon," seryosong sabi ni Pierce.  Papunta na sila sa Malawi Compound dahil meron tumawag kay Benz na nasusunog ang unang bahagi ng Malawi compound. Nagtataka lang si Pierce kung bakit masyadong apektado si Gunner na nasusunog ang unang bahagi ng Malawi Compound?  Hindi na hinayaan ni Pierce na si Gunner na mag-drive dahil nag-aalala siya na baka imbes na makarating ito ng ligtas sa compound ay baka madisrasya ito. Lalo na sa sitwasyon nito na nakainom ito.  Sinabihan ni Pierce na si Rainer na lang ang mag-drive papunta sa compound. Nasa passenger seat naman si Zenon na tahimik na nakatingin sa cellphone nito. Samantalang siya ay naman ay nasa backseat kasama si Gunner.  "Tangin*! Paano ako hihinahon kung alam kong nasusunog ang bahay ni Raddix!" galit na tugon ni Gunner.  Kanina ay parang nawala ang kalasingan ni Gunner sa nabalitaan niya tungkol sa nasusunog sa unang bahagi ng Malawi Compound. Alam niya na roon nakatirik ang bahay ni Raddix. Nag-aalala lang siya na baka nakauwi na ito sa bahay.  Alam naman ni Gunner na sumama si Raddix kay Chan. Umaasa siya na hindi pa sana nakauwi sa Malawi Compound si Raddix. Ngunit inaalala rin niya ang ama at bunsong kapatid nitong si Lexus.  "Oo alam naman namin iyon. Papunta na nga tayo 'di ba?" inis na sabi ni Pierce.  Hindi na napigilan ni Pierce na mainis sa kanyang kaibigan na si Gunner. Masyado itong makulit na nagpupumilit na ito na lang ang mag-drive.  "Gunner, malapit na tayo," mahinahon na sabi ni Rainer.  Inaalala ni Rainer na baka nadamay ang bahay ni Benz. Pero sa tingin niya kanina ay parang hindi naman nadamay ang bahay nito. Sa boses nito ay parang wala itong pakialam kung nasusunog ang unang bahagi ng Malawi Compound?  Hindi magawa ni Rainer na tawagan si Benz ngayon dahil kasama niya sa loob ng kotse niya sila Gunner. Baka magtaka ang mga ito kung bakit niya kausap ang kanang kamay ng gang leader ng Black Tiger Gang.  Napamura na lang si Rainer dahil kitang-kita na niya ang makapal na usok at malaking apoy sa Malawi Compound. Napapailing na lang siya dahil hindi na makausad ang kanyang kotse papasok sa compound.  Nagulat na lang silang lahat ng biglang buksan ni Gunner ang pintuan ng kotse at tumakbo papasok sa Malawi Compound. Itinabi na muna ni Rainer ang kotse niya bago nila sundan si Gunner.  Parang baliw si Gunner na paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Raddix habang tumatakbo siya papalapit sa Malawi Compound. Wala siyang pakialam kung may nababangga siya ang gusto lang niya ay makapasok sa compound at alamin ang sitwasyon doon.  Habang papalapit si Gunner sa Malawi Compound ay lalo niyang nakikita kung gaano kalaki ang apoy at ang kapal ng usog na nagmumula sa loob ng compound. Napahinto na lang siya sa pagtakbo ng mapagmasdan niya ang mga taong nasa paligid.  May mga umiiyak na mga bata at matatanda. Nagkalat ang mga kagamitan bahay na naisalba ng mga ito sa nagagalit na malaking apoy. Iginala ni Gunner ang kanyang paningin sa kanyang paligid na nagbabasakali na makita niya si Raddix.  Bigla rin napaisip si Gunner na hindi pa niya nakita ang bunsong kapatid ni Raddix at ang ama nito. Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad papasok sa Malawi Compound. Sa pagpasok niya sa compound ay nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa malaking apoy na lumalamon sa mga bahay sa Malawi Compound.  Hindi akalain ni Gunner na makakasaksi siya ng ganitong kalaki ng apoy. Napatingin siya sa paligid at nagsimula na siyang magtanong-tanong sa mga taong nasa paligid niya. Tinanong niya kung may nakakakilala ba kina Raddix Arizabal at sa pamilya nito. Naging seryoso ang tingin ni Gunner ng makita niya ang isang familiar na mukha. Agad niyang nilapitan ito at nakita niyang nagulat ang lalaki nilapitan niya.  "Jagger, nakita mo ba si Raddix?" seryosong tanong ni Gunner.  Ang nasa harapan ni Gunner ay walang iba kundi si Jagger ang gang leader ng Black Tiger Gang. May kasama ito na isang lalaking nakangising nakatingin sa kanya. Sa pagkakaalam niya ito ay si Benz ang kanang kamay ni Jagger.  "Kung makatanong ka sa akin kala mo sino ka ah? Bat nandito ka?" inis na sabi ni Jagger.  Hindi inaasahan ni Jagger na makikita niya si Gunner dito sa Malawi Compound. Nakaramdam agad siya ng inis dito dahil kung makatanong ito sa kanya ay akala mo kung sino?  "Tinatanong kita Jagger. Wala akong panahon na makipag-away. Nakita mo ba sila Raddix at ang pamilya nito?" seryosong tanong ni Gunner.  Malakas ang pakiramdam ni Gunner na may alam si Jagger kung nasaan ang pamilya ni Raddix. Alam niyang teritoryo ng Black Tiger Gang ang kanyang lugar na kinaroroonan niya pero wala siyang pakialam. Gusto lang niyang malaman kung nasa mabuting kalagayan ba ang pamilya ni Raddix.  "Kahit na alam ko ay hindi ko rin sasabihin sa'yo," ngising sabi ni Jagger.  Tumalikod na si Jagger kay Gunner at nagsimula na siyang maglakad papunta sa headquaters ng gang niya. Kampante siya na hindi maabutan ng sunog ang headquarters nila.  Hindi na pinansin ni Jagger ang pagtawag sa kanya ni Gunner dahil wala naman siyang panahon para makipag-usap ito. Nagulat na lang siya ng biglang may humablot ng kanyang braso at napakunot noo siyang makitang si Gunner pala ang humawak sa kanyang braso.  "Tangin*! 'Di ba malinaw ang sinabi ko sa'yo?" inis na sabi ni Jagger.  Inalis ni Jagger ang pagkakahawak ng kamay ni Gunner sa kanyang braso. Ayaw niyang gumawa ng gulo ngayon dahil nagkakagulo na ang mga tao rito sa paligid.  "Wag kang masyadong makasarili Jagger. Ang gusto ko lang malaman kung ligtas ba ang pamilya ni Raddix? Nakauwi na ba si Raddix?" seryosong tanong ni Gunner.  "Nakauwi? Anong ibig mong sabihin? Alam mo kung saan ito pumunta?" kunot noo tanong ni Jagger. Nakakunot noo nakatingin si Jagger kay Gunner. Napukaw siya sa sinabi nitong tungkol kay Raddix. Naging interesado siya ni Gunner kung nakauwi na ba si Raddix? Mukhang may alam ito kung saan nagpunta si Raddix?  "Tsk! Gag* mo! Interesado ka kung saan nagpunta si Raddix? Ibig sabihin ay wala si Raddix, ngayon?" ngising tanong ni Gunner.  "Tinatanong kita kung alam mo kung saan nagpunta si Raddix?" maawtoridad na tanong ni Jagger.  "Tinatanong din kita kung nakaligtas ba sa sunog ang pamilya ni Raddix?" seryosong tanong ni Gunner.  Seryosong nakatingin si Gunner kay Jagger. Pursigido talaga siyang malaman kung ligtas ba ang pamilya ni Raddix. Pakiramdam niya ay hindi pa nauwi si Raddix dito sa Malawi Compound. Kanina pa siya tumatawag sa cellphone nito ngunit hindi nito sinasagot.  "Ligtas ang bunsong kapatid nitong si Lexus. Ngunit hindi nakaligtas sa sunog ang ama nitong si Mang Eduardo," seryosong tugon ni Jagger.  Hindi na naman mapigilan ni Jagger na manghina ang kanyang buong katawan niya ng maalala niya kung paano niya nailigtas sa malaking sunog si Lexus. Nagpapasalamat talaga siya sa kanyang sarili na naisipan niyang puntahan ang bahay ni Raddix upang alamin kung ano ang dahilan kung bakit hindi nito sinasagot ang mga tawag at text niya.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Oh? Saan ka pupunta?" takang tanong ni Benz.  Kakatapos lang magluto ng sisig ni Benz dahil biglaan nagyaya ang kanyang kaibigan na si Jagger na mag-inuman. Nagulat silang lahat sa biglang pagdating ni Jagger sa headquarters ng Black Tiger Gang.  Sa pagkakaalam ni Benz ay pinapapunta ni Jagger si Raddix sa bahay nito. Pansin niya kanina na wala ito sa mood at mainit ang ulo nito. Tinanong din nito kung natuloy ba ang pagpunta ni Raddix sa bahay nito ngunit imbes na sumagot ito ay pinagmumura lang sila nito.  "Pupuntahan ko si Raddix," seryosong sabi ni Jagger.  Kanina pa galit na galit si Jagger dahil kanina pa niya tinatawagan at nagte-text kay Raddix. Ngunit ni isang tawag o text man lang ay wala siyang nakuha mula rito. Sinabihan na ni Jagger si Raddix na kukunin nito ang serbisyo nito ngayong gabi ngunit hindi ito sumipot. Kaya naman kumukulo ang dugo niya kay Raddix. Ayaw niyang isipin na may ibang lalaking siniserbisyunan si Raddix. Gusto lang niya ay siya lang ang lalaking hahawak kay Raddix.  "Wag kang pumunta roon na ganyan ang timpla mo. Baka gumawa ka ng gulo roon. Alam mo naman ang sitwasyon ni Mang Eduardo," mahinahon na sabi ni Benz.  Masasabi ni Benz na baliw na baliw na talaga ang kanyang kaibigan na si Jagger sa callboy na si Raddix. Lihim lang siyang napangisi ng maalala niya si Rainer. Hindi niya masisi si Jagger kung mabaliw ito ng matikman ang isang lalaki katulad ni Raddix.  Tulad ni Benz akala niya noong una ay hindi niya kayang pumatol kay Rainer ngunit nagkamali siya. Dahil noong natikman na niya ito ay para bang hinahanap-hanap na niya ito. Gusto niyang ipasubo ang kanyang b*rat sa bibig nito at ipasok sa masikip na butas ni Rainer ang kanyang malaking b*rat.  Hinding-hindi makakalimutan ni Benz ang reaksyon ni Rainer noong masilayan nito ang kanyang malaking b*rat. Lalo na noong ipinasubo nito ng buong-buo sa bibig nito. Sobrang nakakalib*g ang itsura ni Rainer nun.  "Wag mo nga ako pangunahan Benz, baka tamaan ka sa akin," galit na sabi ni Jagger.  Tumayo na si Jagger sa pagkakaupo niya sa mahabang sofa sa sala ng headquarters nila at naglakad itong papalabas ng headquarters. Hanggang ngayon ay galit na galit siya kay Raddix.  Habang naglalakad si Jagger papunta sa bahay ni Raddix ay napapaisip siya kung bakit nga ba niya kinababaliwan ito. Ito ang unang beses may nakatalik na kapwa lalaki. Nababaliw siya sa bawat laplapan nila ni Raddix.  Minu-minuto yata iniisip ni Jagger ang bawat haplos sa kanya ni Raddix. Ang bawat pagch*pa sa kanyang malaking b*rat. Lalo na ang paglabas pasok ng kanyang malaking b*rat sa masikip na butas nito.  Napapailing na nakangisi na lang si Jagger sa kanyang iniisip ngayon. Nakarating na siya sa unang kanto ng Malawi Compound kung saan sa bandang dulo ng kanto na ito ay nandoon ang bahay ng pamilya ni Raddix.  Wala na masyadong mga taong naglalakad sa kanto at ang tindahan ni Mang Thomas ay nakasarado na. Masyado na malalim ang gabi kaya naman sinisigurado niyang tulog na ang mga tao. Halos nakasara na ang mga kabahayan sa unang kanto ng Malawi Compound. Sa pagpasok ni Jagger sa unang kanto ng Malawi Compound ay meron siyang nakitang 'di familiar na mukha. Isa itong matangkad at malaking katawan na lalaki  Nakasuot ito ng itim na sumbero at itim na jacket.  Tumigil na muna si Jagger na naglakad at hinintay niyang dumaan ang matangkad na lalaki sa kanyang harapan. Pinagmasdan niya talaga ang lalaki ngunit medyo madilim ang paligid at masyadong mababa ang suot nitong itim na baseball cap.  Iba ang pakiramdam ni Jagger sa lalaking dumaan sa kanyang harapan parang bang hindu maganda ang kutob niya sa lalaking iyon. Ngunit binalewala na lang niya ito at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang malapit na makarating si Jagger sa bahay ni Raddix ay napakunot noo na lang siya. Dahil narinig niyang may mga sumisigaw na "sunog" paulit-ulit iyon. Nakita niyang nagsilabasan ang mga tao sa bahay ng mga ito. Nagsimula na mataranta at magkagulo ang mga tao.  Nilapitan ni Jagger ang isang lalaki na kakilala niya at tinanong niya kung ano ang nangyayari. Bago pa man makasagot ang lalaki ay bigla na lang may sumabog sa 'di kalauan sa kinatatayuan niya.  Hindi na inisip ni Jagger na baka mapahamak siya at agad na humakbang pasulong ang mga paa niya papapunta sa bahay ni Raddix. Habang papalapit siya ay nakikita na niya ang apoy na tumutupok sa mga kabahayan.  Ang malalaking hakbang ni Jagger ay naging mabilis na pagtakbo papalapit pa rin sa bahay ni Raddix. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Lexus na umiiyak habang humihingi ng tulong sa mga taong nakikita niya.  Agad na nilapitan ni Jagger si Lexus at agad niyang tinanong kung nasaan ang kuya nito? Tinanong din niya ang tatay nito kung nasaan na?  "T-tulungan niyo ang tatay ko! N-naiwan siya sa loob ng bahay namin!" umiiyak na sabi ni Lexus.  "Ah? S-sige! Sige na lumabas ka na rito! Ako na bahala sa tatay mo!" sabi ni Jagger.  Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Jagger at tumabok siya sa may bandang dulo ng kanto kung saan nilalamon ng malaking apoy ang bahay ni Raddix. Parang nanlumo siya dahil hindi na siya makakapasok pa sa bahay ni Raddix dahil malaki na ang apoy.  Pero hindi pa rin nagpapigil si Jagger. Tumingin-tingin siya sa paligid at nakita niya ang isang poso na may timba. Agad niyang nilapitan ito at nilagyan ng tubig ang timba.  Pagkatapos na malagyan ng tubig ni Jagger ang maliit na timba ay binuhos niya sa kanyang katawan. Agad niyang naramdaman ang lamig ng tubig at hinubad niya ang basang damit niya. Muli napatingin si Jagger sa malaking apoy na tumutupok sa bahay ni Raddix. Hahakbang na sana siya papunta sa nasusunog na bahay ng biglang may humawak sa kanyang braso. Napatingin siya kung sino ang humawak sa kanyang braso?  "Gag* ka ba pare! Wag ka na lumusong sa apoy baka ikaw pa ang mapahamak pare. Tara na labas na tayo!" pag-aalalang sabi ni Benz.  Mabilis na kumalat ang balita na nasusunog ang unang kanto ng Malawi Compound. Kaya naman inaya ni Benz ang mga kasamahan niya sa headquarters na pumunta rito para tumulong sa mga tao.  Habang papunta si Benz sa dulo ng unang kanto ng Malawi Compound ay nakasalubong niya ang bunsong kapatid ni Raddix na si Lexus. Umiiyak ito habang naglalakad kaya naman agad niyang nilapitan ito para itanong kung kamusta ito at kung nakita ba nito si Jagger?  Parang nanghina bigla ang katawan ni Benz ng sabihin sa kanya ni Lexus na naiwan ang ama nito sa nasusunog na bahay nito. Kaya naman tinawag niya si Perzues na isa sa kamiyembro na ilayo na si Lexus dito.  Pagkatapos ay mabilis na tumakbo si Benz papunta sa may dulo ng kanto kung saan nandoon si Jagger. Nag-aalala siya na baka mapahamak ito.  Nagpapasalamat si Benz ng maabutan niya si Jagger na nasa labas ng harapan ng bahay ni Raddix. Nakita niyang hahakbang na ito papunta sa nasusunog na bahay. Kaya naman nagmadali siyang nilapitan ito para pigilan ito.  "Tangin*! Bitawan mo ako ililigtas ko ang ama ni Eduardo!" galit na sabi ni Jagger.  "Pare! Wala na! Nilamon nang malaking apoy ang bahay nila Mang Eduardo! Sigurado akong wala na siya!" sabi ni Benz.  Napatingin si Benz sa nasusunog na bahay ni Mang Eduardo. Kahit na ngayon lang niya ito nakilala pati na rin sila Raddix at bunsong kapatid nitong si Lexus ay nanlulumo siya sa sinapit ni Mang Eduardo.  Inaya na ni Benz si Jagger na lumabas na sa kanto dahil mabilis na kumakalat ang apoy dahil na rin sa malakas na hangin.  "K-kawawa ang ama ni Raddix," malungkot na sabi ni Jagger.  Nakakaramdam ng labis ng kalungkutan si Jagger sa sinapit ng ama ni Raddix. Kahit na hindi niya kailanman na naranasan na magkaroon ng ama ay alam niyang masakit na malaman ni Raddix na wala na ang ama nito.  Tinanong ni Jagger si Benz kung nasaan si Lexus? Naisip niya bigla na wala si Raddix sa bahay nito. Ibig sabihin ay umalis ito?  "Wag kang mag-alala sa kanya. Kasama na siya ni Perseus, pinqpunta ko sila sa headquarters," tugon ni Benz.  Napag-alaman ni Benz na wala pala sa bahay si Raddix. Ibig sabihin ay umalis si Raddix? Napatanong siya kay Jagger kung alam ba nito na umalis si Raddix?  "Tangin* hindi! Hindi ko alam kung saan nagpunta iyon. Nakalimutan ko pa ang cellphone ko sa headquarters," inis na sabi ni Jagger.  Sinabihan ni Jagger si Benz na kailangan nila tumulong na apulahin ang apoy habang wala pa ang bumbero. Kitang-kita ng kanyang dalawang mata na sobrang lakas nang apoy at mabilis ito kumalat. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Umalis ka na Gunner,kung hindi mo rin sasabihin kung saan nagpunta si Raddix. Tutal nasabi ko na rin naman sa'yo ang gusto mong malaman," inis na sabi ni Jagger.  Tuluyan na tunalikod si Jagger at nagsimula na siyang maglakad kasama si Benz. Medyo nakakaramdam na siya ng lamig dahil na rin sa basa ang buong katawan niya at wala siyang suot na pang-itaas.  Tumulong si Jagger na magbuhos ng tubig kanina sa mga bahay na nasusunog. Pero ngayon ay huminto na sila dahil dumating na rin sa wakas ang truck ng bumberong hinihintay nila kanina pa.  "Benz, malakas ang pakiramdam ko na sinadya ang sunog na ito," seryosong sabi ni Jagger.  Napahinto si Jagger sa paglalakad at napalingon siya sa kanyang likuran kung saan kitang-kita niya ang nagagalit at nagwawalang apoy. Kahit na malayo-layo na rin ang nilakad nila ay nakikita pa rin nila ang makapal na usog at rinig nila ang sirena ng truck ng bumbero.  "Paano mo naman nasabi? Alam mo naman na hindi lang ito ang unang beses na nasunog ang compound natin," kunot noo sabi ni Benz.  "Iyong nakita ko kanina na lalaki," seryosong tugon ni Jagger.  Ikinuwento ni Jagger ang sinasabi niyang nakasalubong na lakaki sa kanyang kaibigan na si Benz. Malakas talaga ang kutob na may kinalaman ito sa malaking sunog na nagaganap ngayon.  Ang pinagtatakahan ni Jagger ay kung bakit nagsimula mismo ang sunog sa bahay ni Mang Eduardo na ama ni Raddix? Bago pa man siya makarating sa bahay ni Raddix ay may narinig silang sumabog.  Gusto ni Jagger na makausap si Lexus. Gusto niya malaman kung paano nagsimula ang apoy at kung paano ito nakaligtas?  "Pareng Jagger, kailangan na malaman agad ni Raddix, kung ano ang nangyari sa ama nito. Kailangan mo siyang tawagin mamaya pagdating natin sa headquarters," payo ni Benz.  Sinabihan din ni Benz si Jagger na wag na muna kausapin si Lexus tungkol sa nangyari. Dahil alam niyang takot at may trauma ito. Kailangan din nito makita ang Kuya Raddix nito para may mag-comfort dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD