Anak Ng Callboy II
Chapter 7
"Kuya kakilala niyo po ba si Eduardo Arizabal? Nakita niyo po ba sila?" pagtatanong ni Carlos.
Kanina pa nagtatanong-tanong si Carlos kasama Amir sa mga tao nakikita nila. Wala pa rin nakakasagot kung nakita ba nila ang pamilya ni Eduardo Arizabal. Silang dalawa ni Amir ang naghahanap ngayon kina Eduardo.
Pakiramdam ni Carlos na bawat segundo na lumilipas ay sobrang halaga. Lalo rin siyang nag-aalala kina Eduardo. Umaasa siya na ligtas ito kasama ang dalawang anak nitong sila Lexus at Raddix.
"Jusko! Oo kilala ko sila!" umiiyak na sabi ng isang magandang binabae.
"Ah? Talaga?" gulat na tanong ni Carlos.
Parang nabuhayan ng loob si Carlos at agad niyang tinawag si Amir na nasa 'di kalauan nagtatanong-tanong din ito. Nakita niyang napatingin ito sa kanya at sinabihan niya ito na may nakakakilala kay Eduardo. Kaya naman dali-dali itong lumapit sa kanya.
Muling ibinalik ni Carlos ang tingin niya sa isang magandang binabae na nakasuot na pink crop top at maikling pink na short. Maikli lang ang buhok nito pero masasabi niyang magandang binabae ito. Sa tingin niya ay bata pa lang ito sa edad na 18 years old.
"T-totoo ba na kilala mo si Eduardo Arizabal? Nakita mo ba sila?" pag-aalalang tanong ni Amir.
Sobrang kinakabahan na ngayon si Amir sa isasagot sa kanya ng binabae nasa harapan nila. Bigla siyang kinabahan dahil nakita niyang nagsimula itong umiyak at tumango ito sa kanila ni Carlos.
"O-oo kilala ko sila. N-nasunog ang bahay nila," umiiyak na sagot ng magandang binabae.
"T-teka anong pangalan mo pala? Puwede mo ba sa amin ikuwento kung anong nangyari? Tsaka nasaan sila? N-nakaligtas ba sila sa sunog?" pag-aalalang tanong ni Carlos.
Sa buong buhay ni Carlos ay ngayon lang siyang nag-alala ng labis at sobrang kinakabahan na akala mo ay mahihimatay siya sa isasagot sa kanila ng kausap nila ngayon.
"B-barbie, ang pangalan ko. S-sabi ng mga kapitbahay namin na ang sunog na iyan ay nagsimula sa bahay ni Mang Eduardo. H-hindi ko alam kung b-buhay pa sila?" umiiyak na sabi ni Barbie.
Hindi na naman napigilan na umiyak ni Barbie dahil sa nakikita niyang sunog sa harapan nila. Nadamay sa sunog ang salon na pinagtratrabahuhan niya. Hindi nila akalain nila Brenda at Madam Dyosa na pati ang salon ay madadamay sa sunog.
Sinisigurado ni Barbie na magiging abo na lang ang pinaghirapan itayo ni Madam Dyosa. Marami pang mga nadamay sa sunog. Hindi nga niya alam kung buhay pa ba sila Mang Eduardo at ang dalawa nitong anak na si Lexus at kababata niyang si Raddix.
Napatingin muli si Barbie sa dalawang guwapong lalaki nasa harapan niya. Alam niyang hindi taga Malawi Compound ang dalawa. Base na rin sa kilos, pananalita at pananamit ay masasabi niyang may kaya ang dalawang guwapong lalaki.
Meron lang napansin si Barbie sa isang matipunong lalaki na may pagkalamya ang boses nito. Naaamoy niyang malansa ito pero hindi na lang niya ito pinansin.
"S-sige salamat Barbie, ingat ka," sabi ni Carlos.
Inaya na ni Carlos si Amir na magtanong-tanong pa sila sa mga taong nandito. Magulo ang sitwasyon ngayon dito dahil hindi pa rin dumarating ang truck ng bumbero. Sobrang nakakakilabot lang ang nakikita nila ngayon.
Sobrang laki pa rin ng apoy na tumutupok sa mga kabahayan sa Malawi Compound. May mga kalalakihan na may dala-dalang mga timba na may laman na tubig. Mano-mano na lang nila inaapula ang malaking apoy. May mga nakikita rin siyang mga naghahakot na mga gamit sa mga hindi pa naabutan ng apoy.
Napapailing na lang si Carlos sa kanyang nakikita. Grabe talaga ang ginawa ng ama ni Hayes. Kaya pala nitong pumatay ng maraming tao para lang maprotektahan nito ang anak nitong si Hayes. Ngunit alam niyang maling paraan ang ginawa nito.
"Carlos, hindi tayo puwedeng bumalik sa kotse at wala tayong masabing impormasyon kay Hayes. Sigurado akong alalang-alala ito kina Eduardo," pag-aalalang sabi ni Amir.
Habang nagtatanong si Amir kasama si Carlos kung nasaan si Eduardo at pamilya nito ay meron siyang narinig na nag-uusap na dalawang lalaki. Pasimple niyang pinakinggan ang usapan ng dalawang guwapo at nakikisigan na lalaki. Narinig niyang binanggit nito ang pangalan nila Eduardo at Lexus.
Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Amir ay agad na niyang nilapitan ang dalawang lalaking nag-uusap. Kitang-kita niya ang hubad na makisig na katawan ng mga ito. Basa ang buong katawan nito at suot lang ng dalawa ay basketball short.
"Excuse me. Binanggit ninyo ang pangalan ni Eduardo at Lexus. Nakita ninyo ba sila?" seryosong tanong ni Amir.
Hindi na masyado pinapansin ni Amir ang guwapo at makikisig na katawan ng dalawang lalaking nasa harapan niya ngayon. Ngunit hindi niya maiwasan na mapalunok ng laway dahil na rin sa guwapo at makikisig na katawan ng dalawang lalaki. Ang isa ay may tattoo sa kanang bahagi ng dibdib nito na ulo ng isang black tiger.
"Tangin*! Nakikinig ka ba sa usapan namin? Sino ba kayo? Hindi kayo taga rito ah?" seryosong tanong ng guwapo at makisig na lalaking may tattoo sa kanang bahagi ng dibdib nito.
"Pareng Jagger, namumukhaan ko siya. Sila iyong bumisita noong kina Mang Eduardo." sabi ni Benz.
Hindi nagkakamali si Benz na familiar sa kanya ang mukha ng matipunong lalaking nasa harapan nila ni Jagger. Minsan na niya itong nakita noong pumunta ito sa bahay nila Mang Eduardo may kasama pa ito tatlong lalaki.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Pareng Benz?" seryosong tanong ni Jagger.
Alam ni Jagger na sinadyang sunugin ang bahay ni Mang Eduardo. Hindi siya nagkakamali na meron siyang nakasalubong na isang matangkad at malaking katawan na lalaki. Nakasumbero itong itim at nakajacket din itong itim. Iba ang kutob niya sa lalaking iyon. Alam niyang hindi ito taga Malawi Compound tsaka kahinahinala ang bawat hakbang nito na parang nagmamadali itong makalabas ng kanto. Papunta siya sa bahay nila Raddix para kausapin ito kung bakit ito hindi pumunta sa bahay niya?
Sa pagpunta ni Jagger sa bahay ni Mang Eduardo ay nakita niyang nagkakagulo na ang mga tao. Narinig agad niya ang mga sumisigaw na nasusunog. Kaya naman agad siyang tumakbo papunta sa bahay ni Raddix.
Ngunit huli na ang lahat dahil kitang-kita mismo ng mga mata ni Jagger kanina na kinain nang buo ang malaking apoy ang bahay ni Raddix.
"K-kaibigan kami ni Eduardo Arizabal. Gusto lang namin na malaman kung ligtas ba ito? Pati ang dalawa nitong anak na sila Lexus at Raddix," malumayan na sabi ni Amir.
Natatakot si Amir sa tingin sa kanya ng may tattoo sa kanang dibdib. Para bang nanghihinala ito sa kanya. Kaya naman hindi niya maiwasan na kabahan at mag-alala sa kanyang kapakanan. Lalo na hindi naman siya taga Malawi Compound.
"Hindi naman alam kung buhay pa ba sila. Pero sa tingin ko ay patay na ang mga iyon. Ikaw ba naman masunog sa loob ng bahay 'di ko alam kung mabubuhay ka pa," seryosong sabi ni Jagger.
"Jusko! Wag naman sana. S-sige pasensya na sa istorbo," sabi ni Amir.
Agad na tumalikod si Amir at nilapitan ang kanyang kaibigan na si Carlos. Hinawakan niya ang braso nito at medyo lumayo-layo sila sa mga taong nagkakagulo dahil sa sunog.
"Ano Amir? Meron ka na bang nalaman na impormasyon tungkol kina Eduardo?" kunot noo tanong ni Carlos.
Sobrang nahihirapan si Carlos na makakuha ng impormasyon kung buhay pa ba sila Eduardo at ang dalawang anak nito? Wala silang makausap na maayos dahil natataranta ang mga tao sa sunog.
"Carlos, sa tingin ko ay mag-ingat-ingat tayo sa kakatanong tungkol kina Eduardo," seryosong sabi ni Amir.
Ipinaliwanag ni Amir ang ibig sabihin niya kay Carlos. Sa tingin niya ay may hinala ang mga taga Malawi Compound na sinadya ang sunog ngayon. Kanina ay kitang-kita niya ang panghihinala ng nakausap niyang guwapo at makisig na lalaking may tattoo sa dibdib. Lalo na hindi sila taga rito sa Malawi Compound.
"Sa tingin ko nga. Kanina ko pa napapansin ang mga tingin sa atin ng mga tao rito. Para bang may ginawa tayong masama sa kanila?" sabi ni Carlos.
Napagdesisyunan na lang ni Carlos at Amir na bumalik na lang sa kotse. Medyo nakakaramdam sila ng takot dahil baka may biglang sumigaw na sila ang mga suspect ay hindi na sila makakalabas ng buhay sa compound.
Kanina pa napapansin ni Carlos na kakaiba ang mga tingin ng mga tao sa kanila. Para bang nanghihinala ang mga ito sa kanila? Ramdam din niya na parang umiiwas ang mga ito sa kanilang tanong tungkol kina Eduardo at dalawa nitong anak.
"Balik na lang tayo mamaya-maya baka hindi tayo makalabas ng buhay," sabi ni Amir.
Sa paglabas nila Amir at Carlos sa Malawi Compound ay nagkalat ang mga kagamitan na naisalba ng mga taga Malawi Compound. May mga naiiyakan at tumatakbo papasok at palabas ng compound.
"S-sana ay walang namatay sa sunog. Sana ay buhay pa sila Eduardo at dalawang anak nitong si Raddix at Lexus," malungkot na sabi ni Carlos.
Naawa talaga si Carlos sa mga taong nakikita niya ngayon. Hindi niya maiwasan na magalit sa ama ng kanyang kaibigan na si Hayes. Hindi talaga niya akalain na magagawa nito ang sunugin ang bahay ni Eduardo at nadamay ang maraming kabahayan.
"Jusko sana nga. Sana ay buhay pa sila Eduardo," umaasang sabi ni Amir.