Anak Ng Callboy II
Chapter 6
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Ang sinasabi ko lang Hayes, ay tigilan mo iyang pakikipaglapit mo kay Eduardo," maawtoridad na utos ni Hidalgo.
Seryosong nakatingin si Hidalgo kay Hayes habang nakaupo siya sa kanyang office chair. Ayaw niyang naglalapit-lapit ang kanyang anak sa callboy nitong kaibigan. Ayon na rin sa report sa kanya ni Antonio ay higit na kaibigan na ang tingin nila Hayes at Eduardo.
Iyon ang dahilan kung bakit pinatawag ni Eduardo ang kanyang panganay na anak na si Hayes. Gusto niyang makausap ito ng personal tungkol kay Eduardo na callboy. Alam niyang walang masisira lang ang pag-aaral ni Hayes sa pakikipaglapit nito sa callboy na iyon.
"D-daddy walang ginagawang masama si Eduardo. Tulad nila Carlos, Amir at Nixon ay kaibigan ko si Eduardo. Walang masamang hangarin si Eduardo," paglilinaw na sabi ni Hayes.
"Hayes, wag matigas ang ulo mo kung ayaw mong magalit ako sa'yo. Sinasabi ko sa'yo Hayes, wag ka na makikipaglapit sa putangin*ng callboy na iyon. Binabalaan kita Hayes," maawtoridad na sabi ni Hidalgo.
Hindi nagbibiro si Hidalgo sa sinabi niya sa kanyang anak. Ipag-uutos niya kay Antonio na kausapin nito si Eduardo para layuan nito si Hayes. Gagawin niya ang lahat para lang hindi tuluyan na mabaliw ang kanyang anak sa callboy na iyon.
"D-daddy wag mo naman kontrolin ang buhay ko," pakiusap na sabi ni Hayes.
Pakiramdam ni Hayes ay kinokontrol ng kanyang ama ang kanyang buhay. Simulang pagkabata pa lang niya ay ito na ang nasusunod kung saan siya papasok na eskuwelahan.
Hindi naman akalain ni Hayes na pakikialaman pa ng kanyang ama ang pakikipagkaibigan niya kay Eduardo. Mabait na tao si Eduardo at masasabi niya sa kanyang sarili mahalagang tao ito sa kanya.
"Ang gusto ko lang ay itama ka ng landas. Medyo lumiliko ka na hindi ko iyon nagugustuhan. Kaya hangga't maaga ay itutuwid na kita Hayes," seryosong sabi ni Hidalgo.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Hayes! Nandito na tayo! Baba na tayo!" pagmamadaling sabi ni Amir.
"Tangin* naman Amir! Huminahon ka nga dyan!" inis na sabi ni Nixon.
"Hoy! Kayong dalawa ay huminahon. Hayes, tara na nandito na tayo sa Malawi Compound," seryosong sabi ni Carlos.
"S-sige," tugon ni Hayes.
Sa paglabas ni Hayes sa kotse ay kitang-kita niya ang makapal na usok na nagmumula sa loob ng Malawi Compound. Hindi na nakapasok ang kotse ni Amir sa loob dahil pinagbabawal nang mga tao para makadaan ang mga truck ng bumbero.
Kitang-kita ni Hayes na nagkakagulo ang mga tao sa paligid nila. May mga tumatakbo papasok sa loob ng compound. May mga lumalabas na mga umiiyak na tao dala-dala ang mga gamit na naisalba ng mga ito mula sa nasusunog na mga bahay ng mga ito.
Wala sa sarili si Hayes na tumakbo papasok sa loob ng Malawi Compound. Wala siyang pakialam kung may nababangga na siya tao. Hindi na rin niya pinapansin ang pagtawag ng mga kaibigan niya sa kanyang pangalan. Ang gusto lang ni Hayes ay makapunta sa mismong bahay nila ni Eduardo.
Sa pagpasok ni Hayes sa Malawi Compound ay para na niyang nakita ang impyerno dahil sa laki ng apoy. Ang mga barong-barong at dikit-dikit na mga bahay ay nilalamon nang malaking apoy. Rinig na rinig niya ang mga sigawan at iyakan ng mga taong nakatingin sa mga nasusunog na mga bahay ng mga ito.
Hindi na alam ni Hayes kung saan ang papunta sa bahay ni Eduardo. Para siyang kandilang unti-unting natutunaw sa sobrang panlulumo dahil sa kanyang nakikita. Napaluhod na lang siya sa putikan. Nakatingin siya sa mga nasusunog na bahay habang tumutulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
"Hayes!" sigaw ni Nixon.
Nakita ni Nixon na napaluhod sa putikan ang kanilang kaibigan na si Hayes. Kaya naman dali-dali siyang lumapit dito para itayo ito. Sa paglapit niya at nakita niyang nakatulalang umiiyak ito. Nakatingin ito sa mga bahay na nilalamon ng malaking apoy.
"S-sila E-Eduardo, tulungan natin sila," umiiyak na sabi ni Hayes.
Napayakap na lang si Hayes sa kanyang kaibigan na si Nixon habang nakatingin siya sa malaking sunog sa kanyang harapan. Paulit-ulit niyang sinasabi kay Nixon na tulungan nila sila Eduardo. Nananalangin siya sa may kapal na iligtas ang si Eduardo pati ang dalawang anak nito na sila Lexus at Raddix.
Ayaw isipin ni Hayes na hindi nakaligtas sa sunog sila Eduardo. Pero sa kanyang nakikita ngayon ay parang malabong makaligtas ang mga ito dahil sinabi ng kanyang ama na ang mismong bahay ni Eduardo ang sinunog nito.
Napapailing na umiiyak si Hayes habang yakap-yakap niya si Nixon. Hindi niya alam na magagawa ng kanyang ama ang ganitong uri ng gawa na susunugin nito ang isang bahay. Sigurado siyang nadamay lang mga katabing bahay nila Eduardo sa sunog.
"Magiging maayos ang lahat Hayes. Bumalik na tayo sa kotse. Kami na bahala magtanong-tanong sa mga tao rito kung okay ba ang pamilya nila Eduardo," mahinahon na sabi ni Nixon.
Habang yakap-yakap ni Nixon si Hayes ay napatingin siya kay Carlos na tumango ito sa kanya. Paulit-ulit niyang sinabihan si Hayes na sila Carlos at Amir na lang ang maghanap sa pamilya ni Eduardo. Ayaw niyang mag-isip na hindi nakaligtas sila Eduardo sa sunog pero sa kanyang nakikita ngayon na sobrang laki at kumalat na ang apoy. At hindi na nga nila alam kung saan ang daan papunta sa bahay nila Eduardo. Umaasa pa rin si Nixon na ligtas sila Eduardo pati ang pamilya nito.
"Bakla, kami na bahala ni Carlos, na maghanap kina Eduardo. Sige na bumalik na kayo sa sasakyan," pag-aalalang sabi ni Amir.
Naawa si Amir sa kanyang kaibigan niyang si Hayes. Alam naman niyang importante sa buhay nito si Eduardo. Hindi niya maiwasan na maalala niya kung paano nila ipinakilala si Eduardo kay Hayes.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Bakla, ano mamamatay ka bang virgin?" tuksong sabi ni Amir.
Sa tagal-tagal nilang magkakaibigan nila Amir, Carlos at Hayes ay alam na nilang lahat na binabae silang lahat. Iisang lang gusto nila kundi hindi babae kundi lalaki. Kaya sigurado nagkasundo-sundo silang lahat. Puwera lang kay Nixon na straight talaga ito.
Sa apat na magkakaibigan bukod tangging si Hayes na lang ang walang karanasan sa pakikipagtalik sa lalaki. Ultimong babae ay wala pa rin ito karanasan. Kaya naman lagi nilang inaasar ito na virgin o kaya mama mary.
"Amir! Ano ka ba? Baka may makarinig sa'yo," inis na sabi ni Hayes.
Aminado naman si Hayes na pusong babae siya. Ngunit lalaki pa rin ang panlabas niya. Lalaki pa rin siyang magsalita at kumilos. Ayaw niyang pahalata na bakla siya dahil natatakot siya sa mga sasabihin ng mga tao sa kanya. Lalo siyang natatakot na malaman ng kanyang ama na bakla siya.
"Sus! Tayo-tayo lang naman ang nandito," kunot noo sabi ni Amir.
Alam naman ni Amir na natatakot ang kanyang kaibigan na si Hayes na malaman ng mga ibang tao na bakla ito. Nirerespeto naman nila iyon pero ang sarap lang kasi asarin si Hayes dahil sa sobrang cute nitong maasar.
"Alam mo Hayes, kapag naranasan mong makipagtalik ay hahanap-hanapin mo iyon," ngising sabi ni Carlos.
"Tama si Carlos, kaya ako sa'yo ay maghanap ka na ng makakatalik mo. Baka gusto mo tulungan ka pa namin na maghanap. Marami akong kakilala," pagmamayabang na sabi ni Nixon.
Nakipag-apir pa si Nixon sa kanyang kaibigan na si Carlos. Kahit na apat silang magkakaibigan ay silang dalawa lagi ang malapit sa isa't-isa. Lahat yata ng sikreto niya ay alam ng kanyang matalik na kaibigan na si Carlos.
"Kung nakapagsalita ka akala mo nakatikim ka nang lalaki?" asar na sabi ni Hayes.
"'Di ba pinag-uusapan natin ay tungkol sa pakikipagtalik? Sa lalaki wala akong karanasan pero sa babae madami na," pagmamayabang na tugon ni Nixon.
Wala pang karanasan si Nixon sa mga lalaki. Dahil hindi niya kayang makipagtalik sa kapwa niya lalaki. Pero sa mga babae ay madami na. Lahat yata ng kanyang naging kasintahan at mga niligawan ay nakatalik niya.
Hindi sa pagmamayabang ay guwapo at makisig na lalaki si Nixon. Bukod sa guwapo ay mabait ito. Maraming nagkakagusto sa kanya mapababae o binabae man. Napatingin siya sa kanyang matalok na kaibigan na si Carlos na nakangising nakatingin sa kanya.
"Hayes, may ipapakilala akong sa'yo isang callboy. Nakilala siya noong minsan naghahanap ako ng makaka-s*x. Don't worry 'di ko siya tinikman," masayang sabi ni Amir.
Walang pakialam si Amir kung sabihin man niyang naghahanap siya ng makakatalik. Open naman siya sa mga kaibigan niya. Hindi naman siya hinuhusgahan ng mga ito kundi inaasar lang siya.
Maaga namulat si Amir sa pakikipagtalik. High school pa lang siya ay meron na siyang nachup*ng isang guwapong binata. Simula noon ay tuloy-tuloy na ang pakikipagtalik niya sa mga natitipuhan niyang mga lalaki.
Ipinaliwanag ni Amir kung paano niya nakilala ang callnoy na ipapakilala niya kay Hayes. Ipinakilala lang sa kanya ng mga suki niyang mga callboy ang callboy na ipapakilala niya sa kanyang kaibigan.
Naisipan ni Amir na oras na para maranasan ni Hayes ang pakikipagtalik sa isang masarap na adonis. Sinisigurado siyang mararanasan nang kanyang kaibigan ang pumunta sa langit.
"Tsk! Amir, callboy talaga ipapakilala mo sa akin? Tsaka alam mo naman na wala akong interest sa mga ganyan," walang ganang sabi ni Hayes.
Sa totoo lang ay gustong-gusto na ni Hayes na maranasan na makipagtalik. Naiingit siya sa mga kuwento ng kanyang mga kaibigan na sila Carlos at Amir. Lalo na ang mga s*xprience ni Amir ay sobrang nakakainggit.
Natatakot at nag-aalala nga lang si Hayes na maghanap ng makakatalik niya. Hindi naman siya manhid para hindi malaman na may mga nagpaparamdam sa kanyang mga kapwa lalaki sa pinapasukan niyang university sa bayan ng Santiago.
Hindi nga lang pinapansin ni Hayes, dahil takot at nag-aalala nga siya. Takot siya baka mahulog siya sa isang lalaking hindi naman karapat-dapat na mahalin niya. Natatakot siya na kapag nakipagtalik siya sa kapwa lalaki niya ay baka may makaalam sa kanyang ginawa. Nag-aalala siya baka mapahiya siya sa makakatalik niya dahil wala naman siyang kaalam-alam sa pakikipagtalik. Baka mapahiya lang siya.
"Sus! Puwede ba Hayes, wag ka na magpaka-Maria Clara dyan. Ako bahala sa'yo," ngising sabi ni Amir.
Lumipas ang ilang araw ay nakausap na ni Amir ang callboy na ipapakilala niya kay Hayes. Natuwa siya dahil nalaman niyang bago-bago pa lang itong callboy. Kaya masasabi niyang sariwa pa ito at hindi pa bilasa.
Sinabihan ni Amir ang callboy na maghintay sa labas ng campus sa may tindahan ni Aling Tasya sa oras na alas tres ng hapon. Sa oras kasi na iyon ay tapos na ang klase nila at uuwi na si Hayes.
"Bakla, wag ka muna uuwi may ipapakilala pa kami sa'yo," masayang sabi ni Amir.
"Wag ka na kumontra Hayes," agad na sabi ni Carlos.
Alam naman ni Carlos na kokontra agad si Hayes sa plano nila. Kaya ngayon nila sinabi na makikilala na nito ang callboy na kakilala ni Amir. Excited na nga siyang makita ang reaksyon nito kapag nakita nito ang callboy.
Nakilala na ni Carlos pati na rin si Nixon ang callboy na nirereto ni Amir kay Hayes. Masasabi niyang napakaguwapo at kisig nito. Pakikipagtalik lang naman ang kailangan gawin ng callboy na iyon kay Hayes. Kinausap nga nila iyon at pinagsabihan na kailangan nitong ingatan ang kaibigan nilang si Hayes dahil virgin pa ito.
"Seryoso ba talaga kayo? Itinuloy niyo talaga ang plano na iyan. Callboy talaga ang mauuna sa akin? Tangin* siguradong marumi na iyan," inis na sabi ni Hayes.
Parang hindi yata kaya ni Hayes na makipagtalik sa isang callboy. Kahit na wala siyang karanasan sa pakikipagtalik ay alam naman niya kapag callboy marami na itong nakatalik. Sigurado siyang marumi na ang callboy na iyon.
"Judgemental ka naman bakla. 'Di porket callboy marumi tsaka sariwa pa si Eduardo. Bago-bago pa lang siya bilang callboy. Tsaka hello? Ibibigay ba namin sa'yo ay hindi worth it sa virginity mo?" kunot noo sabi ni Amir.
Naiintindihan naman ni Amir ang sa loobin ni Hayes. Noong una akala niya kapag callboy ang isang lalaki ay marumi na dahil marami na nakatalik. Totoong marami na nakakatalik ang isang callboy dahil s*x worker ito.
Ipinaliwanag ni Amir kay Hayes na iba't-iba ang klase ng callboy. May callboy na kung sino-sino na lang ang tinatanggap nitong customer. May callboy naman na namimili na magiging customer. Dalawang klase ang callboy na namimili ng customer.
Ang callboy na namimili mg customer base sa itsura. Ayaw ng callboy na ito sa mga matatandang bakla, bakla na halata, matrona, mga bakla na may amoy sa katawan at iba pang mga bakla na kaaya-aya ang itsura. Gusto lang ng mga ito na katulad na kilos lalaki at pananalitang lalaki. Iyon ang gusto nilang mga customer.
Ang isa naman uri ng callboy na namimili ng customer ay gusto nila ay mayayaman. Kahit pa may amoy sa katawan o pangit ang bakla, matrona, lalaki o babae basta malaking magbigay ay papatulan nila. Ayaw nila sa mga taong maliit na magbigay kumbaga ay nila sa mga mahihirap na tao. Gusto nila sa mayayaman na tao.
"Alin doon si Eduardo, na iyan?" walang ganang tanong ni Hayes.
Wala naman gana si Hayes na makipagkita sa callboy na si Eduardo. Dahil mas gugustuhin pa niyang umuwi na lang sa bahay at makasama ang kanyang ina. Pero haharapin pa rin niya ang callboy na iyon. Nahihiya rin naman siya sa effort ng kanyang mga kaibigan.
Hindi naman ito ang unang beses na makikipagkita o may ipapakilala ang mga kaibigan ni Hayes sa kanya. Lahat ng mga lalaking ipinakilala sa kanya ay lahat iyon at hindi niya pinansin.
Natatakot kasi si Hayes na baka masaktan siya. Natatakot siya na baka sa huli ay maiwan siya sa ere. Pero sa pagkakataon na ito ay ipinaliwanag sa kanya ng mga kaibigan niya na hindi pagmamahal ang nais na maranasan niya kundi ang pakikipagtalik.
"Pareho bakla! Mapili siya sa itsura at gusto niya mayaman tulad mo," ngising tugon ni Amir.
"Huh? Sa itsura alam ko iyon na guwapo at makisig ako. Pero sa yaman? Hindi naman ako mayaman," kunot noo sabi ni Hayes.
Maraming nagsasabi kay Hayes na guwapo at makisig siya. Kahit na puro aral siya sa skwelahan at sa bahay ay hindi niya nakakalimutan na alagaan ang kanyang sarili. Palagi naman siyang nag-eexercise tulad ng jogging at nagbubuhat siya.
"Medyo mahangin yata sa ngayon?" ngising sabi ni Carlos.
"Mukha nga Carlos. Nilamig ako sa hallway. May bagyo ba?" paramdam na sabi ni Nixon.
"Bakla ang taas ng confident mo ah? Oo na guwapo ka na pero hindi mo naman alam gamitin. Tsaka mayaman ka ano ka ba? Kamusta naman ang ama mong si Hidalgo Balmores?" kunot noo sabi ni Amir.
Alam naman ni Amir na ama ni Hayes ang isa sa maimpluwensyang tao sa bayan ng Santiago na si Hidalgo Balmores. Kahit na mayaman ang ama nito ay hindi ito nananamantala sa yaman ng ama nito. Bagkus ay tinatanggihan pa nito ang perang inaalok ng ama nito. Kaya naman bilib na bilib sila kay Hayes sa ugali nito.
Inaya na ni Amir sila Hayes na lumabas ng campus dahil siguradong siyang kanina pa naghihintay si Eduardo sa tindahan ni Aling Tasya. Hanggang makalabas na sila sa campus. Tumawid na muna sila ng daan papunta sa tindahan ni Aling Tasya.
Napakunot noo na lang si Amir dahil maraming mga babae at binabae nasa harapan ng tindahan ni Aling Tasya. Habang papalapit sila ay nalaman nila na pinagkakaguluhan pala ng mga estudyante ay ang isang lalaking matangkad at mestisuhin.
"Anong kaguluhan ito?" seryosong tanong ni Amir.
"Uy! Naging lalaki ang boses," tukso ni Nixon.
"Lalaki na pala si mama," asar naman ni Carlos.
"Ay! Nandito pala ang F4 ng Santiago University!" kilig na sabi ng isang bakla.
"Eduardo, tara na," seryosong sabi ni Amir.
Hindi pinansin ni Amir ang mga sinabi ng mga babae at binabae sa harapan ng tindahan ni Aling Tasya. Naisipan niyang pumunta na lang sa kabilang kanto kung saan may tambayan doon ang mga estudyante ng Santiago University.
"Grabe ang mga babae at binabae roon. Ginawa nila akong artista," biglang sabi ni Eduardo.
Mag-iisang oras na yata naghihintay si Eduardo sa harap ng tindahan na sinabi ni Amir sa kanya. Ayaw naman kasi niyang mahuli sa usapan nila ni Amir. Habang naghihintay siya ay napapansin niyang dumarami nang dumarami ang bumibili sa tindahan na kinapupuwestuhan niya.
May mga nagtatanong sa pangalan ni Eduardo na malugod naman niyang sinasagot. Kahit na baguhan pa lang siya sa pagiging callboy ay alam na niya kung paano siya makikipag-usap sa mga taong interesado sa kanya.
Kanina ay napukaw ang tingin ni Eduardo sa isang lalaki kasama ni Amir. Sigurado siyang iyon ay si Hayes na nais na ipakilala sa kanya ni Amir. Aaminin niya na guwapo at makisig ito at masasabi rin niyang mukhang mayaman ito.
Sabik na makilala ni Eduardo si Hayes. Unang tingin pa lang niya ay mahiyain ito. Nangako naman siya sa mga kaibigan nito na iingatan niya si Hayes.
"So! Nandito na tayo. Kayo na bahala ang mag-usap," ngiting sabi ni Amir.
Nakarating na si Amir at mga kaibigan niya kasama si Eduardo sa pool zone kung saan tambayan ito ng maraming estudyante ng Santiago University. Sa pagpasok pa lang ay marami na maliit na bahay kubo kung saan doon umuupo ang mga estudyante para magkuwentuhan o mag-inuman.
Sinabihan ni Amir sila Hayes at Eduardo na pumasok na sa bahay kubo. At silang tatlo naman nila Nixon at Carlos ay pumunta na sila sa katabing bahay kubo.
"Sigurado ka bang ayos lang si Hayes na kasama si Eduardo, roon?" pag-aalalang tanong ni Nixon.
"Ano ka ba Nixon? Hindi naman siguro papatayin ni Eduardo si Hayes, dito?" ngising sabi ni Carlos.
"Alam niyo hayaan na lang si Hayes. Ramdam kong bet na bey niya si Eduardo," ngising sabi ni Amir.
Kitang-kita ni Amir kanina at ngayon kung paano titigan ni Hayes si Eduardo. Alam niyang nagustuhan ni Hayes ang panlabas na kaanyuan ng callboy na ipinakilala niya ngayon.
"'Di ba dapat nasa motel o hotel sila para matuloy na ang s*xprience ni Hayes?" kunot noo tanong ni Carlos.
"Ano ka ba Carlos. Wag mo naman itulad sa'yo na all the way na agad. Wag natin biglaan si Hayes, baka matakot naman iyan," ngiting sabi ni Amir.
Nakangiting nakatingin si Amir sa kabilang bahay kubo kung saan kitang-kita niya sa kanyang dalawang mata na masayang nakikipagkuwento ang kanyang kaibigan na si Hayes kay Eduardo. Hindi nga siya nagkamali na piliin si Eduardo para kay Hayes.
"Tangin* baka mainlove iyan si Hayes kay Eduardo?" pag-aalalang sabi ni Nixon.
"Hmm…. Hindi naman siguro?" sagot naman ni Carlos.
"Tignan natin?" ngising sabi ni Amir.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _