Gabriela POV Huminto ang sasakyan at pagbaba ko ay nahulog ang cellphone ko at bumagsak ito sa lupa. Tinanggal nila ang hood na nasa ulo ko. “Troia, avevo il mio cellulare!” (Slut, she had a cellphone!) sigaw ng isa sa kanila. “Hindi ako marunong mag-Italiano,” sabi ko naman. “I said that you're a slut and that you had your cellphone!” sinabi niya nang malapit sa mukha ko. “Hindi mo nga ako tinanong kung may cellphone ako o wala,” pabiro kong sinabi. Sinampal niya ako sa mukha at pagkatapos ay iniharap niya ito sa sahig. “Bring her to the river,” sabi niya at pumasok sa bahay na may hawak na cellphone ko. Inilagay nila ako sa sasakyan ulit, pero wala nang hood sa ulo ko. Nang makarating kami doon, hinila nila ako sa braso at pinaalis sa sasakyan. “Bilisan mo!” sigaw ng isa sa kani

