“Si Franco, ang Commander ng Sector 37 at doktor ng Hospital Valle de Arturias at amg mga tumagal na alagad nito.” “Marahil may kapangyarihan rin ito?” Kumunot ang noon ni Vittoria at nag-isip ng maigi sa sinabi ni Lirena. “Subalit wala akong nahalatang kakaiba sa kanya…” “Marahil magaling itong maglihim kaya’t kailangan nating maging maingat. Marami na ang namatay sapagkat nagtataglay sila ng di-pangkarinawang lakas kakaiba sa mga normal na tao…” Hindi natulog ang dalawa at sila’y nagkwentuhan na parang magkaibigan. Nakaupo at nakasandal silang dalawa sa pader, nagpapalitan ng mga ideya kung paano sila makakatakas. Sinabi ni Vittoria lahat ng kanyang nalalaman. Nalaman ni Vittoria ang pakay nito. Hinahanap niya ang kanyang nakababatang kapatid na babae, nagngangalang Merina, na sapi

