"Hindi ko alam paano niya ako nahuhuli kahit nakalayo na ako. Tila alam niya ang aking espesipikong lokasyon sa bawat paglayo ko.” “May gamit ito upang malaman ang bawat lokasyon ng isa sa atin. Isang hawig ng compass. Marahil ay may inilagay silang maliit na bagay sa ating katawan upang magsilbing detector kung tatakas tayo. Buti nabanggit mo ito kung hindi, hindi magtatagumpay an gating plano. Ngayon kailangan nating hanapin kung nasaan nila ito nilagay. Sa kabutihang palad, kararating ko lamang rito, ibig sabihin kalalagay lamang nila ito sa aking katawan.” Kinapa ni Lirena ang kanyang buong katawan naghahanap ng bagong sugat. “Wala akong matandaan na bagong sugat pagkagising ko rito.” “Saglit lang…nasa aking kanang leeg!” “Subalit hindi pa diyan rin ang marka ng isang Arturian.”

