“Huwag na huwag kang tititig sa aking mga mata kapag hindi ito natatakpan.” “Anong iyong ibig iparating. May sakit ka ba sa mata at ito’y iyong ikinakahiya?” “Kung ganyan lang sana kasimple ang aking problema subalit mas malaki pa sa isang hamak na sakit ang aking dinadala. A-Ako ay isinumpa. A-Ang sinumang tumingin sa aking mga mata ay mamamatay.” Hindi umimik ang nasa kabila kung kaya’t huminga ng malalim si Vittoria. “Sabi ko na nga ba, wala ka ring pinagbago sa ibang nga tao, katatakot takot pa rin ako sa inyong mga mata. Sabagay ang sabi nila'y marami na akong napatay. " “Sinong nagsabing sumpa ang iyong kapangyarihan? Sapagkat sa aking pinanggalingan, ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay isang karangalan.” Hindi makapaniwala si Vittoria sa kanyang naririnig. “A-Ano? Kapangyarih

