Tacenda’s POV Agaran kong ini-stretch ang leeg ko nang matapos ko ang sandamakmak na papeles na kailangang i-check bago ibigay kay Mr. Augusto, sa buong maghapon. Simula kaninang umaga hanggang ngayong hapon ay ‘yon na ang pinagtuunan ko ng pansin. Sumakit ang ulo ko sa mga papels na nakapalibot sa akin. Sa buong araw, paikot-ikot ako. Tatayo at lalabas upang ipa-check sa mga taong nasa posisyon na kinakailangang makapirma ng nasa dokumento, minsan, tatayo at lalabas sa opisina tuwing may inuutos ang lalaking ‘to. Hindi ko na yata mabilang ang naging utos niya sa buong maghapon dahil pagkatapos siyang sundin, babalik na ako sa ginagawa ko. Hindi lang ‘yon ang ginawa ko maghapon dahil minu-minuto ring may tawag na dumarating. Hindi ko naman ‘yon pweding i-snob-in dahil baka importante.

