Tacenda’s POV Nang marinig ang seryosong tinuran niya, agad ko siyang binigyang nang nagtataka at naguguluhang tingin, nanatiling tinatak sa isip na hindi ako ang Tacenda’ng nasa isang misyon kun’di ay ako si Tacenda bilang secretary at assistant niya. Sa kabila nang naging reaksyon ko, napangisi naman ako sa isip ko. Is that the way he tried to catch some spy on his life? Kung ‘yon, nakakatawa ang paraan nang paghuli niya. Maloloko at maloloko talaga siya. “P-Po?” kunyareng naguguluhan ko pang tanong sabay na kumamot pa sa batok na naging dahilan upang magsalubong ang mga kilay niya saka umiwas nang tingin, mukhang hindi na alam ang magiging tugon sa palpak na paghuli niya. “Let’s go. I will introduce you to my team,” anyaya niya agad pagkatapos nang nakakailang na sandali dahil

