Tacenda’s POV Ginala ko ang paningin ko pagkatapos akong iwan ng employee na nag-assist sa akin dito sa living area sa labas ng office ng CEO. Sabi ay maghintay lang daw ako ng ilang minuto roon dahil mayroon pang inaayos sa loob kaya naman ay nakaupo lamang ako rito. Inayos ko ang kwintas kong mayroong nakakabit na camera upang maging malinaw ang nakikita ni Adira. Konektado ‘yon sa computers niya. Iyon din ang magiging tulay upang makita niya ang mga nakikita ko. Salamin sa mata sana ang pinakamagandang maging camera ngunit sabi ni Adira, huwag daw ako magsuot since hindi babagay sa suot kong blouse at pencil cut na skirt. Magmumukha raw akong nerd nun at baka may makahalata pa. Hindi na lang ako umangal pa kahit na para sa akin ay mas madali ‘yon. Isa pa, mas may alam siya sa mga g

