“He’s leaving,” pahayag ko sa kabilang linya nang matanaw ang lalaking kanina ko pa hinihintay na lumabas ng sarili niyang mansion sa harap ng isang coffee shop kung saan ako naroroon.
May dala itong isang itim na carry-on luggage habang nakasuot ng simpleng damit. He’s just wearing a plain t-shirt paired by running shorts. Napangisi ako nang mapansin ‘yon. So, that’s how he play the game? Acting like he was not the person he is right now.
Ipinatong ko ang magkabilang siko ko sa salamin na railings ng rooftop sa coffe shop na `to habang nanatili ang pansin sa lalaking iyon, pinapanood ang bawat galaw niya. Nilagay niya ang dala niyang carry-on luggage sa comparment. Napansing kong luma na rin ang kotseng iyon dahilan para mapangisi ako. He didn’t even use his ferrari.
Pagkatapos niyang ayusin ang gamit niya sa likod, kaagad din siyang pumasok sa loob saka pinaharurot ang kotse papunta sa likod kung saan mayroon din doong gate na pwede niyang daanan.
“Is there other people inside?” kalmado kong tanong kay Adira, one of the most greatiest hacker of the Team P.I.C.S, na siyang nasa kabilang linya.
“Yes, he’s son,” sagot niya. “James William Reyes who’s currently taking criminology, 3rd year college. He’s in the second floor. Katabi ng kwarto kung saan ka papasok. He only comes out when the dinner is ready so you can sneak inside na hindi siya nasasalubong,” saad niya.
Umayos ako ng tayo at inilayo na sa railings ang mga kamay. Inayos ko ang suot kong itim na baseball cap bago tinaas ang itim din na mask upang matakpan ang ilong at bibig ko.
“You have twenty minutes only to finish your mission, Tacenda.”
Nang marinig ang sinabi ni Adira, kaagad akong lumingon sa suot na relo at tinignan ang oras. Alas singko pa lamang ng umaga kaya hindi pa ganoong kaliwanag ang paligid. Nang mapagtanto ang oras, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago naglakad patungo sa pinakagilid ng rooftop doon tumalon upang bumaba.
Kung gagamitin ko pa ang normal na gawain upang makalabas sa isang shop, masasayang pa ang oras ko na sana ay igigugol ko na lamang sa paggawa ng misyon ko. Nang makatalon, kaagad kong naramdaman ng paa ko ang malambot na laman ng plastic nang lumanding ako sa ibabaw ng trash can ng coffee shop. Mariin akong napapikit ng ilang segundo bago muling tumalon para makalayo roon. Kahit may mask ako ay amoy na amoy ko pa rin ang naghalo-halong mga panis na pagkain at bulok na mga basura na sa tingin ko ay nakaimbak doon.
“Naknang,” inis na reklamo ko dahilan para marinig ko ang mahinang tawa ni Adira sa kabilang linya ngunit imbes na pagtuonan ko ‘yon ng pansin hindi ko na lamang ginawa dahil mabilis na lamang akong tumakbo hanggang sa makatawid ako at mapunta sa unahan ng mansion.
“The gate in the back of the mansion is still open. You can sneak there,” rinig kong mungkahi ni Adira, nanatiling nasa kabilang linya.
Nang malaman ‘yon, hindi na ako nagsayang ng kahit isang segundo. Mabilis kong tinakbo ang iskinita sa gilid na patungo sa dulo kung saan mayroong daan sa gate na sinasabi ni Adira. Ilang minuto lamang ang ginugol ko sa pagtakbo at kaagad ding nakarating sa sinasabi ni Adira. Hindi rin siya nagkamaling bukas nga ang gate roon.
Kahit man hinihingal, ibinaba ko ang basebll cap na suot ko bago mabilis at maingat na pumanhik patungo sa loob nang mayroong makitang matandang lalaki na sa tingin ko ay care taker ng bahay base sa suot niyang kupas na kulay ng pares na damit. Nakatalikod siya sa harap ng gate habang may kung ano-anong kinukulikot doon kaya naman naging madali sa akin na makapasok na hindi napapansin. Uugod-ugod na rin ang mga galaw nito dahilan para kumunot ang noo ko.
Agaran akong napangisi sa likod ng itim na mask na suot ko. Kung titignan mula sa pisikal na anyo at bawat galaw ng matandang lalaki, it would be best for him to just rest at home. Halos hindi niya siya makagalaw ng maayos, bakit niya pa kinakailangan magtrabaho?
Imbes na pagtuunan siya ng pansin, tinahak ko na lamang ang daan patungo sa mismong bahay ng mga Reyes. Sa pinto ako ng kusina dumaan kung saan matatagpuan sa bandang gilid ng bahay. Nang makarating doon, hindi na ako nahirapang buksan pa ang pintuan dahil bago pa ako pumasok sa misyong ‘to, inayos na ni Adira ang lahat.
Pinihit ko ang door knob ng pinto, nag-iingat pa ring hindi makagawa ng kung anumang ingay. Muli akong napangisi. Wala man lang hirap ang pagpasok ko sa bahay na ito. Agaran kong iginala ang tingin ko sa paligid.
Halos madilim sa loob ng bahay at ang ilaw sa labas ng bahay lamang ang nagsisilbing kaunting liwanag upang makita ko ang dinaraanan ko. Tanging katahimik din lamang ang naghahari sa paligid na tila ba’y isa lamang itong abandonadong lugar at nababalot ng kalungkutan.
Hindi na ako nagsayang ng oras pa. Lumabas ako ng kusina at kaagad na tinahak ang mahabang hagdan at koridor patungo sa isang kwarto, ang office ni Mr. Reyes, kung saan naroroon ang pakay ko. Bawat hakbang ko ay sinisigurado sa sariling walang ingay na magaganap hanggang sa makarating ako sa itaas at matagpuan ang opisina.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang makarating ako. The room of Mr. Reyes son was beside of his office. Kailangan kong mag-ingat upang maging matagumpay ako sa misyong inatas sa akin ngayong araw at para na rin walang mangyaring labanan kung sakaling mahuli ako. I’m not in the mood to punch someone this time.
Nang makapasok ako, kaagad kong sinara ang pinto bago nagtungo sa table na nasa gitna ng kwarto upang hanapin ang papeles na pinapakuha ng kleyente ko, ngunit nang sinubukan ko iyon buksan ay napasinghap ako dahil naka-locked ito.
“Nakikita na kita,” rinig kong sambit ni Adira mula sa earpiece na suot ko. Lumingon ako sa cctv na nakakabit sa dulo ng pasilyo na paniguradong na-hack na niya. “Behind of the moral painting in the middle of the office, nandoon ang susi—”
“The key.” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang inunahan ko na ito. I rolled my eyes in boredom. Wala namang thrill ang ganito kung palaging nasa likod ng painting tinatago ang susi. Wala na ba silang pwedeng pagtaguan?
Napabuntong hininga ako bago ginala ang tingin sa paligid upang hanapin ang sinasabi niya na agaran ko namang nakita. Kagaya ng sabi niya, nasa gitna nga ito ng opisina ni Mr. Reyes. Kinuha ko ang flashlight na nakaipit sa pocket sa bandang bewang ko para gamitin ‘yon. Binuksan ko ‘yon at nilibot sa paligid hanggang sa tumapat iyon sa moral painting na sinasabi ni Adira.
Naglakad ako papalapit doon. I removed the painting hanging on the wall, only to find the key so I can open the drawer and steal some papers.
Kaagad ko naman itong nakita na nakasabit sa dingding sa ilalim ng portray na tinanggal ko saka muli itong binalik.
“Get the car ready at the back of the house,” mauwtoridad ngunit kalmado kong utos nang pabalik na ako patungo sa mesa.
Walang emosyon kong tinignan ang timer sa relo kong suot bago ngumiwi. I still have ten minutes to finish the mission.
Nang malaman ‘yon, tinuon ko ang pansin sa susing hawak at sa drawer sa ilalim ng mesa saka iyon binuksan na kaagad namang nabuksan. Bumungad sa akin ang patong-patong na mga papel ngunit imbes na kunin iyon, sinadya ko na may kunin sa ilalim nito na kaagad ko namang nakuha. Nilabas ko ang itim na envelop mula roon bago tinignan ang laman. A few papers with a different infos of the suspects cause me to automatically smirk again over my lips.
Binalik ko agad ang mga iilang papel sa envelop nito bago isiniksik sa loob ng bulsa sa leather jacket ko. Habang inaayos ko ang bagay na ‘yon sa bulsa ko, nahagip ng mga mata ko ang picture frame na nasa ibabaw ng mesa. Isa itong family pictures ng pamilya ni Mr. Reyes. Kompleto sila. He is a very known person in illegal industry for being a powerful sources of guns. He manages a lot of business ngunit sa kabila nang pagtagumpay ni Mr. Reyes sa iba’t-ibang karerang tinahak niya sa buong buhay niya, hindi pa rin pinili ng asawa at mga anak na manatili sa tabi niya.
He had everything but in the end of the day he’s not choosen. Nakokonsensya man ako sa pagnakaw ng isang impormasyong pwedeng makasira o magpabagsak ng buhay niya, wala pa rin akong magagawa dahil ito ang trabaho ko, ang sundin ang inutos ng kleyente ko. Malaking pera rin ang nakataya sa misyong ito lalo na’t ang nag-utos nito ay may malaking impluwensya sa industriya namin. The files I took was very confidential so it can ruin someone’s life, especially Mr. Reyes life.
Nakatingin lamang ako sa picture frame na iyon nang muling maalala ang kasuotan at gamit na sasakyan ni Mr. Reyes. Ang pagkakaalam ko ay isa lamang itong bahay bakasyunan kaya siguro ay rito tinago ni Mr. Reyes ang dokumentong ito at hindi sa bahay na tinitirahan niya. Hindi ako magtataka kung dito niya itatago ang ganitong klase ng papeles dahil kung titignan mula sa labas, hindi naman kapasok-pasok ang bahay. Malawak naman nga ngunit mukha itong abandunado.
Napabuntong hininga ako Nang makaiwas ng tingin sa frame na naroroon.
Nang maiayos sa bulsa ng leather jacket ko ‘yon, isinara ko rin kaagad ang drawer upang hindi mahalatang mayroong gumalaw roon. Naka-gloves naman ako kaya ni isang bakas ng finger prints ko ay walang makukuha mula roon.
Lumingon ako sa cctv at nag-thumbs up kay Adira bilang senyales na nakuha ko na ang pakay ko rito.
“Jespy is waiting for you outside,” pahayag ni Adira na ikinatango ko naman bago humarap sa naksarang pinto.
Hahakbang na rin sana ako nang mapatigil ako nang mayroong marinig na yapak at pamilyar na boses na sigurado akong si Mr. Reyes, mula sa labas ng kwarto.
“Told them that I’m gonna be late. May nakalimutan ako kaya bumalik ako sa bahay,” rinig kong sambit nito sabay na ipinihit ang knob ng pinto kasabay nang pagsalita ni Adira sa kabilang linya na naging dahilan upang mabilis na tumibok ang puso ko.
“He’s back.”