Chapter Two: Long Term Mission

2492 Words
Nang marinig ang pagkompirma ni Adira sa kabilang linya na bumalik si Mr. Reyes, kaagad akong nagtago sa dulo ng isang shelf ng mga iba’t-ibang klase ng mga libro kung saan sa bandang iyon ay hindi natatamaan ng kahit anumang liwanag mula sa labas ng bahay. Saktong pagkarating ko roon sa dulo ay siya naman ang pagbukas ng pinto ng opisina at iniluwa si Mr. Reyes. Sumandal ako sa shelf ngunit itinagilid ko ang ulo ko upang masilip ang galaw niya. “Yes…okay, okay. I’ll be there soon,” sabi niya bago ibinaba ang teleponong hawak-hawak at nakadikit kanina sa tainga niya. Inilapag niya ang phone niya sa mesa bago tinuon ang pansin sa mga patong-patong na papeles sa mesa niya. Hinalungkat niya iyon na tila ba‘y mayroong hinahanap. Nagtagal pa ng ilang minuto ang paghahanap niya na bago siya umikot sa rock kung saan matatagpuan iyon sa mismong baba ng painting. Nanatiling nakatago ako sa dilim at nakatagilid ang ulo habang pinapanood si Mr. Reyes. Hindi nagtagal, nakuha niya na rin ang hinahanap niya. Niliitan ko pa ang mata ko upang makita ang hawak niya dahil sa hindi kami ganoon kalapit. “It‘s a gun,” sambit ni Adira. “Get yourself ready,” utos nito, halata sa boses ang pangamba ngunit pinanatiling kalmado pa rin. Sa tulong ni Adira upang malaman ‘yon, dahan-dahan kong kinapa ang baril na nasa handgun holster na nakakabit sa bandang gilid ng bewang ko. Hinawakan ko iyon ng mahigpit habang seryoso ang mukha na nakatuon lang ang pansin sa lalaki, nagiging alerto. Isiniksik ni Mr. Reyes ang baril sa pants niya sa bandang likod bago niya iyon tinakpan ng damit niya nang inayos ang suot. Kinuha niya rin ang phone at susi na ipinatong niya sa mesa nang mapatigil ito nang mabaling ang tingin sa painting. Kahit man nakatalikod siya sa akin, sigurado akong nakakunot na ang mga noo nito, nagtataka. Saglit ko rin tuloy na tinapunan ng tingin ang painting at saka lang napagtantong hindi maayos ang pagkakabalik ko rito. Napamura ako sa isip ko ng wala sa oras dahil sa kapalpakang nagawa. Muling binitawan ni Mr. Reyes ang susi at phone niya saka humakbang papalapit sa gawi ng painting. Bawat galaw at hakbbang niya ay katapat nang bilis ng t***k ng puso ko. Naiinis sa sarili at kinakabahan akong nakatingin kay Mr. Reyes na unti-unting lumalapit doon. Isang hakbang… Dalawang hakbang… Mas lalong humigpit ang hawak ko sa baril na nasa holster pa rin nang makitang halos dalawang hakbang na lamang ay makakalapit na siya roon. Dumoble ang lakas ng t***k ng puso ko. Tatlong hakbang… Pang-apat na hakbang… “Sir, tumatawag po si Sir Ichio,” rinig kong pahayag ng isang katulong mula sa labas ng kwarto dahilan para mapatigil si Mr. Reyes sa paglapit sa painting. Agaran akong nakahinga ako ng maluwag nang mapansing natuon doon ang pansin ni Mr. Reyes. Napansadal din ako sa shelf nang bumalik ito sa gawi ng mesa saka kinuha ang cellphone at susi bago tuluyang lumabas ng kwarto. “Muntik na ‘yon, a,” natatawang komento ko. “Tsk. I told you to must be careful, palagi ka na lang naghahanap ng dahilan kung paano ka mahuli,” tila isang nakakatandang babaeng sermon ni Adira. Ngumisi ako. “Mas ayos na ‘yon, mas may thrill,” tugon ko rito na ikinangisi na lamang niya, hindi sang-ayon sa sinabi ko. Umayos ako ng tayo at lumayo mula sa shelf saka naglakad papalapit sa bintana. Hinawi ko ng kaunti ang kurtina upang sumilip sa baba, kokompirmahing nakaalis na nga ito para tuluyan na rin akong makalabas ng bahay. “You have five minutes to get out of the house. Jespy is waiting for you on the side,” paalala niya. Kumunot ang noo ko. “Bakit sa side?” nagtataka kong tanong. “Mr. Reyes came back, mahahalata kung naghihintay lang siya sa likod.” “Alright,” sagot ko, nanatiling nakatuon ang tingin sa labas ng bintana. Sinundan ko ng tingin ang pag-alis ng sinasakyan ni Mr. Reyes hanggang sa makalabas ito ng bahay. Binitawan ko na rin kaagad ang kurtina bago naglakad papalabas ng opisina. Kagaya nang pagpasok ko rito kanina, madilim pa rin ang buong paligid maliban sa bandang kusina. “Take the door on the other side of the house. May tao na sa kusina kaya hindi ka roon makakalabas. Three minutes left.” Napahawak ako sa earpiece kong suot nang marinig ang sinabi ni Adira. Kaagad ko iyon sinunod. Naglakad ako papunta sa kabilang banda ng bahay kung saan ay roon matatagpuan ang dining area. Mabilis kong nakuha ang pintong sinasabi niya kaya naman madalian din akong nakalabas. Tinakbo ko na lamang ang daan patungo sa gate na pinasukan ko kanina nang mapansing bukas pa rin ‘yon dahil yata sa pagbabalik ni Mr. Reyes. Nakatayo ang matandang lalaki sa bandang gilid habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa gate samantalang ang isang kamay naman niya ay naookyopa ng hawak niyang telepono. May aso ring akong napansin na nakatali malapit sakanya at nakatalikod din sa bandang gawi dahil pareho silang nakaharap sa labas. “Aba’y huwag mo nang pagalitan ang anak natin, Rosalinda…Baka may pinanggastusan lang kaya hindi nakapagpadala,” rinig kong mahinahong sambit ng matandang lalaki sa telepono dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo. Halata sa boses niya ang katandaan, ni hindi man lang nga ito makapagsalita ng dire-diretso. “Huwag mo ‘kong sigawan, mahal. Huwag ka nang mag-alala riyan, mamaya pag-uwi ko mayroon na tayong pagkain, sa ngayon mangutang ka na lamang muna kay Serio, sabihin mo ay babayaran ko sa katapusan.” Napabuntong hininga ako nang marinig ‘yon. Pinagmasdan ko ang ito mula ulo hanggang paa. Halos hindi na nga ito makatayo ng ayos dahil katandaan at halatang pinipilit na lamang na gumalaw. Saglit akong napaiwas ako ng tingin ngunit kaagad ko ring binalik sa matanda. “May oras pa ba ako?” mahina kong tanong kay Adira. “Two minutes left,” kaagad niyang sagot. “Connect me to Jespy,” malamig kong utos sabay na kinuha ang wallet sa bulsa ng leather jacket ko bago nagsimulang maglakad papalapit sa matanda na nakatalikod mula sa gawi ko. Nang mailabas ko ang wallet ko, kinuha ko lahat ng pera na naroroon. Sa pagkakatanda ko sampung libo lamang ang naroroon ngunit hindi ako sigurado. Imbes na bilangin pa ‘yon, hindi ko na lamang ginawa. Mabilis kong kinuha ang itim na hair tie ko mula sa buhok ko kaya naman automatikong nalugay ang mga buhok ko na sa balikat ko. Hindi ako nag-aksaya ng oras na ayusin pa ang buhok ko dahil mas pinagtuunan ko ang hair tie na hawak. Sinigurado kong walang ni isang hibla ng buhok ko ang sumama bago ko tiniklop ang pera saka pinaikot doon ang tali ko upang hindi maghiwa-hiwalay ang pera. Kumuha rin ako ng bato sa kinakatayuan ko. Nang makuha, saglit ko lamang tinitigan ‘yon bago ko malakas na binato ang halamang nasa malapit ng pwesto ng matanda dahilan para tumahol ang aso kaya naman natuon ang pansin ng lalaki roon. Binaba niya ang teleponong hawak niya at naglakad papalapit sa tinatahulan ng aso upang tignan kung ano ang meron. Nang nawala ang atensyon niya sa gate, kinuha ko ang pagkakataong ‘yon upang mas lumapit pa. Nilapag ko ang pera sa lupa, sa gilid ng gate na sigurado akong mapapansin niya kaagad, bago ako tuluyang lumabas nang walang nakakapansin. Nang makatuntong sa labas, kaagad akong umikot sa kanan. Inayos ko ang earpiece na suot ko bago nagpamulsa sa unahang bulsa ng leather jacket. “Jespy, are you there?” tanong ko sa kabilang linya. Iginala ko ang tingin sa paligid, hinahanap kong narito na ba ang sundo ko. “Coming!” isang malakas na sigaw ng babae ang narinig ko mula sa earpiece dahilan para mapamura ako sa isip ko. Mariin akong napapikit upang kalmahin ang sarili ko dahil sa inis. Ilang ulit ko bang pagsasabihan ang babaeng iyon na huwag sumigaw? Daig niya pa ang speaker. Ilang segundo lamang ang lumipas at kaagad ko rin minulat ang mata ko nang marinig na mayroong tunog na sasakyan na paparating. Napalingon ako roon at napagtantong si Jespy na iyon. Huminto siya sa harap ko kaya naman kaagad akong lumapit. Binuksan ko ang pinto likod bago pumasok saka isinara iyon. “I‘m back!” masiglang anunsyo sa akin ni Jespy na naramdaman kong nakaharap pa sa ‘kin. Mayroong itong malawak na ngiti sa labi na kahit kailan ay hinding-hindi nawawala sa mukha niya. Hindi ko siya pinansin. Tinanggal ko ang cap at mask na suot ko at nilapag ‘yon sa bakanteng space na nasa tabi ko dahilan para makahinga ako ng maluwag. Kinuha ko rin ang bag na nasa tabi ko na sigurado akong kay Jespy. “Hoy! Anong gagawin mo sa bag ko, ha? Bago ‘yan, huwag mong hawakan! Madudumihan!” suway niya at akma pa sanang aabutin sa akin nang kaagad kong ibinaba ang inuupuan ko dahilan para mapahiga ako at hindi niya `yon maabot. Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko siya pinansin. Hinalungkat ko ang bag niya hanggang sa nakahanap ako ng pantali sa buhok. “Gusto niyo bang mahuli kayo diyan? Umalis na kayo diyan, ngayon na,” striktong utos ni Adira na nasa kabilang linya sa telepono ni Jespy na nasa unahan ng kotse. Napangisi si Jespy. “Argh! Lagot ka talaga sa akin mamaya,” iritang banta ni Jespy at wala ng choice kung hindi ang paandarin ang kotse at mag-focus sa pagmamaneho. Mahina akong natawa nang maramdaman ‘yon. Nang makuha ang nais sa bag niya, binalik ko rin naman sa pwesto kung saan ko kinuha. Napatingin ako sa salamin sa unahan at doon nakita ang nakasimangot na mukha ni Jespy dahil sa ginawa ko. Jespy is like a little sister to me. Well, I treated him like one. Ngayon ko na lamang siya nakitang muli sa halos limang buwan niyang pananatili sa Hongkong. May mga inaayos siya roon kaya naman panandalian siyang nawalay sa akin. Ayoko man na lumayo siya, wala na rin akong choice kung hindi ang payagan siya dahil gusto niya naman talagang umalis. Ang kasiyahan niya ay kasiyahan ko na rin. Napailing-iling ako pagkatapos makita ‘yon bago inipit ang sariling buhok gamit ang taling kinuha sa bag ni Jespy, nang makaramdam ng init kahit na may aircon naman sa loob ng kotse. Pagkatapos, tinanggal ko rin ang ang earpiece na suot ko at binalik ‘yon sa lagayan niya na nakalagay rin sa bandang bewang ko, sa maliit na bag. Nang mailagay, saka ko na lamang nilabas ang nakuha kong impormasyon na utos sa akin ng kleyente ko at inilagay sa isang kulay itim na plastic na mayroong tatak ng agency namin upang ipadala. Nilapag ko ‘yon sa tabi ko saka tinignan si Jespy. “The package is here, make sure that the client will going to receive it,” malamig kong sabi. Nilingon ko ang phone na nasa unahan ng kotse, malapit kay Jespy na nagmamaneho. “Tacenda speaking, what‘s my status?” tanong ko. “One sucessfully mission, to be delivered and one contract arrived,” tugon ni Adira dahilan para manlaki ang mata ni Jespy habang ako naman ay wala man lang ni anumang emosyon ang umukit sa mukha ko. “Kontrata? Woah, that‘s a big money!” komento ni Jespy, nanatiling nasa unahan ang tingin. Nangiti na itong muli. Angg bilis talaga magbgo ang mood ng babaeng ‘to. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Sinandal ko ang likod ko sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. “The reportedly situation arrived on your hide out,” dagdag ni Adira. “Jespy, I’ll send the location after you accompanied your sister,” aniya. “Yes, Ma’am!” nakangiti at masiglang tugon ni Jespy. Nag-usap pa ang dalawa ng kung ano ang mga gagawin ni Jespy upang masiguradong napadala at makukuha ng kleyente ang package, habang ay tahimik lamang sa likod. Pinikit ko ang mata ko. Tapos na ang misyon ko ngayong araw at naiisip na tutunganga na lamang ako sa maghapon. Masyadong maaga ang target na oras na sinet ni Adira kaya naman mabilis lang ding natapos. Isa pa, mahina sa ngayon ang pagpasok ng misyon dahil walang gaanong kleyenteng mayroong ipinapagawa. Sa ilang minutong byahe, nakapikit lamang ako ngunit hindi tulog, at nagmulat na lamang nang maramdamang huminto ang kotse kasabay ng anunsyo ni Jespy. “We’re here,” sambit niya at nilingon ako. Minulat ko ang mata ko at kinuha ang cap at mask ko sa tabi ko. Hindi ko nilingon si Jespy dahil mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse upang bumaba saka umikot upang pumasok sa hide out namin. “Wanna hang-out later?!” rinig kong makulit na sigaw ni Jespy. Walang ni anumang emosyon ko siyang nilingon na ngayon ay nakapatong ang siko sa bintana ng kotse. As usual, mayroon itong malawak na ngiti sa labi. “I’ll fetch Sorin in the airport, he’s going home too so can we?” Ngumuso siya na tila ba‘y isang bata, naghihintay ng sagot ko. Nagpapa-cute pa, tsk. Inirapan ko siya bago tumango. “Fine, later,” walang gana kong pagsang-ayon bago tumalikod. “Drive safe!” bilin ko saka tuluyang pumasok, hindi na siya hinintay na makasagot pa. Sa saktong pagsara ko ng pinto, narinig ko rin na umalis na agad si Jespy. Pinindot ko ang switch ng ilaw dahilan para magkaroon ng liwanag sa paligid. I was about to enter when I saw a transparent envelop with a folder inside, on the top of my rock. Mayroon din itong itim na maliit na sobre sa loob bilang senyales na kontrata ‘yon. Tatlo ang magkakatabing rock na naroroon at mayroong kanya-kanyang pangalan. Sa akin, kay Jespy at kay Sorin. Bawat misyon ay mayroong dokumentong ipinapadala sa amin si Adira upang mapag-aralan namin ang ibinigay sa aming misyon at tuwing ipapadala ‘yon, sa rock na ito inilalagay. Kinuha ko ang envelop na ‘yon at mabilis na nilabas ang folder. Halos sampung papel ang naroroon na sigurado akong magiging matagal ang misyong ito. Kinuha ko ang earpiece sa bulsa at kinabit iyon sa tainga na automatiko ring makokonekta kay Adira. “Gaano katagal ang misyong ‘to?” bungad na tanong ko sabay na naglakad papuntang taas kahit na nasa mga papel ang tingin. “Eight months,” sagot ni Adira kaya naman napatigil ako. Ngayon lang yata ako nakataggap ng kontratang ganito katagal sa ilang taon ko nang pagtra-trabaho sa industriyang ito. “That’s long,” komento ko bago muling naglakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at kaagad ding isinara ng makapasok ako. “How much did the client offer?” I asked again. “Four million in total in eight months.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD