Jespy’s POV Nagising ako nang wala na si Denara sa higaang inayos namin kagabi. Wala na akong choice dahil si Tacenda na mismo ang nagsabing sa kwarto ko muna patuluyin si Denara, ang una’t-huli kong iiinsayo. Pwede namang sa couch si Denara pero itong si Tacenda ay ayaw naman kaya wala na akong choice kung hindi ang sundin. Kagabi, kinuha ko pa tuloy ang folding bed sa stock room. Lininisan ko lang ng kaunti at naging okay na kaya makakatulog doon ng maayos si Denara. Sa pagkakataong napansin ko na nakatiklop na ang kumot at nakapatong na ‘yon sa unan at wala na si Denara, bumangon na ako. Nilibot ko pa ang mata ko sa apat na sulok ng kwarto ko, nagbabakasakaling makita ko siya roon ngunit hindi ko siya nakita. Nang napalingon ako sa orasan, napakamot ako sa ulo ko nang alas sais

