Tacenda’s Point of View Pasimpleng pabaling-baling ako ng tingin sa magkabilang gilid ko upang tignan ang kasalukuyan naming tinahak na iskinita. Masikip ang daan, madilim, madumi ang paligid at kung ano-anong klase lamang ng tao ang nakikita ko sa gilid-gilid. Mukha silang mga adik. We passed a lot of kind of that person but we just ignore it. May mga sarili naman silang mundo kaya mabuti na lang ay hindi kami napagdiskitahan lalo na’t babae kaming tatlo. Pagkatapos ng senaryo sa lugar kung nasaan kami, sumama ako sa kanila kahit na wala akong kasiguraduhan kung nagsasabi ba sila ng totoo na hinahanap ako ni Verena. There’s a part of me that hoping that I will see Verena again after a couple of years. Nakasunod lang ako sa likod ng tatlo habang pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila.

