Tacenda’s Point of View “V-Verena,” iyon ang lumabas mula sa bibig ko nang masilayan ng mga mata ko si Verena pagkabukas na pagkabukas nila ng pinto. She’s sitting on the couch, wearing her favorite robe that her son gave to her. Halatang-halatang malakas pa ito base sa tindig ng upo niya. May ngiti siya sa labing sinalubong ang tingin ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko ngunit hindi ko iyong hinayaang tumulo. Humakbang ako papasok na sinundan naman ng tatlo. “You’re alive.” Verena smiled at me before she turned her attention on the three girls who brought me here. “You can leave now, I’ll talk to you all later,” seryoso ngunit malumanay ang pagkakasabi niya. “But, Madam…” Sabay kami ni Verena napalingon kay Jade nang para bang hindi ito sumasang-ayon sa in

