Tacenda’s Point of View Pasakay na kami ng eroplano ni Mr. Augusto ngunit walang nagtatangka sa aming dalawa na magsalita o hindi kaya kausapin ang isa’t-isa pagkatapos ng bagay na nangyari sa aming dalawa na hindi naman dapat nangyari. Ang araw na ‘yon ay isang pagkakamali para sa aming dalawa dahil unang-una ay boss ko siya, secretary niya ako. Hindi pwe-pwede ‘yong ganoon! Kung magsasalita ang isa sa amin ay iyon lamang kung patungkol sa trabaho. Kung may itatanong siya sa akin o may iuutos habang ako naman ay magsasalita lamang kung may kailangan akong iklaro na related din sa trabaho. No random topics. Pabalik na kami ngayon sa Pilipinas since ang stay lang din naman talaga rito ay hindi naman matagal. Mr. Augusto just attend the wedding of his bestfriend and then after that, ba

