Tacenda’s Point of View Tahimik lang ang naging buong byahe namin dahil kahit isa sa amin ay walang nagsasalita. Noong matapos niyang sagutin ang tawag, pagbalik niya ay muling naghari ang katahimikan sa loob ng eroplano kung saan kami naroroon. Nakatuon ang atensyon ko sa laptop na nasa harap ko habang siya naman ay nakaidlip. Mukhang pagod. Nang mapansing nakatulog ito, nilingon ko siya. Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha niya kasabay nang pagpasok sa isip ko nang sinabi ni Verena. Parte niya sa buhay ko taon ang nakakalipas? Napakunot ang noo ko. Pinagkatitigan ko ang maamong mukha ni Mr. Augusto. Bukod sa pagiging boss ko ngayon, ano ka pa sa buhay ko taon ang nakakalipas? Wala akong maalala na naging parte siya ng buhay ko noon dahil ang alam ko, ngayong pumasok ako

