Tacenda’s Point of View Dahil wala na akong choice, sumabay na ako nang kumain sila. Sir Augusto also insisted me kaya pumayag na ako. Nakakahiya naman kung ipipilit ko pang aalis na ako. Hindi ako sanay sa mga presensya nilang lahat kaya tahimik lamang ako sa buong oras ng pagkain. Kung magsasalita naman ako, mangyayari lamang ‘yon kung may itatanong sa akin ang matandang babae at ang asawa ni Sir Augusto. Hindi ko magawang lumingon sa mga mata niya dahil kapag nagkakasalubong ang mga tingin namin, kinakain ako nang konsensya lalo na’t bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Mr. Augusto. Sobrang maling-mali ang araw na ‘yon. Kung alam ko lang sanang may mangyayari sa aming dalawa, hindi na sana ako pumayag na magpanggap na asawa niya. Masyado yata kaming nadala pareho sa mga em

