Tacenda’s POV Gustong manlaki ng mga mata ko ngunit mas pinili kong walang ipakitang ni anumang gulat sa mukha. Nanatili akong kalmado kahit na sa loob ay gusto ko nang mag-panic. Binigyan ko siya nang reaksyong nag-aalala habang siya ay mukhang galit na at the same time ay nasasaktan. “Of course not, Sir,” sambit ko. Akma na sana akong hahakbang papalapit sa kanya nang sabay kaming mapalingon sa direksyon sa may hagdan nang may pareho kaming narinig na malakas na kalabog. Agad kaming nagkatinginan ni Sir bago siya bumaba sa kinatatayuan niya. “Dito ka lang,” malamig na utos niya. Halata na rin sa mukha niya ang nananalaytay na kaba base sa reaksyon ng mukha niya. Akma na rin sana itong hahakbang nang mapahinto ito nang nagsalita ako. “Sasama po ako.” Binaling niya sa akin ang

