"Ahhhhhhhh!" Sigaw ko matapos lumuhod ng camel at halos sumubsob ako sa buhangin. Rajan's only watching me while also filming.
Hindi niya naman ako masamahan dahil injured pa siya. Nasa Dubai na kami. Umarkila agad ng private car si Raj so we can explore the place. Siyam na oras ang byahe mula Pilipinas hanggang dito. Sumakit man ang likod ko sa tagal namin sa eroplano, it was all worth in indeed.
"You really love adventures," ngumuso si Raj habang papalapit ako sa kanya at pinapagpagan ang sarili ko. We are now at Dessert Safari in Dubai. Kanina bago kami pumunta dito ay nag explore pa kami sa kalawakan ng disyerto. Nag sand dunes, sand motorcycle at kung ano ano pa.
"Of course, this is the reason why we are here." Ngumiti ako. Walang mapaglagyan ang kasiyahan na nadadama ko ngaun.
Tipid na ngumiti si Rajan habang titig na titig akin. Humangin ng bahagya na may kasamang buhangin kaya sabay kaming tumakbo habang tawa ako ng tawa. Kalagitnaan ng April ngaun, the weather here is in between summer and winter. Sa ngaun, medyo mainit na. Kapag sinabi kong mainit, triplehin mo ang init kapag summer sa Pilipinas.
Dessert Safari is mostly closed kapag tag init. The reason why? You will dry your self out sa init na binubuga ng disyerto. Mabuti nalang at inabutan namin na bukas pa ito.
"Do you want to watch the show or you want to go in another place?" Tanong ni Raj nang malalapit kami sa sasakyan. Ngumuso ako, there's a show later. Belly dancing and fire show. Nakakakita naman na ako noon sa Boracay so we decided to go. Besides, nag hahati na ang liwanag at dilim.
Gusto kong sulitin ang pag kakataon na ito para malibot ang bansa. Tatlong araw lang kami dito kaya imposible na malibot namin ito kaya dapat, mas iprarioritise ko ang iba pang tourist spots.
"Uh, lipat tayo." Sagot ko. Tumango si Raj at tinawag ang driver namin na Pakistani.
"Al-salamu alaykum," bati ng driver. Kumunot ang noo ko. Tumingin sa akin ang driver. Napawi lang ang tingin niya ng tumikhim si Raj.
"Wa alaykumu s-salam," sagot ni Raj. Bahagya akong napanganga sa kanya. He speaks Arabic? Ngumuso ako at lalong namangha habang nakikipag usap si Raj sa driver. "Shukran," salita ulit ni Raj sabay hila sa akin sa loob ng sasakyan.
"Wow," unang salita ko. Namamangha ako kay Raj at hindi ko mapigilan iyon. Kumunot ang noo ni Raj while he twiched his lips. "Why?" Tanong niya.
"Ano pa hindi mo alam?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti si Raj at umiling. "Basic." Pagyayabang niya kaya umirap ako na ikinatawa niya.
Pagsakay namin ng sasakyan ay maingat niya akong inalalayan kahit hindi naman dapat. Mukhang siya nga ang dapat alalayan pero dahil nagagalit siya, hindi ko nalang ginagawa. Well, I can help not to stare at him. I appreciate this. I appreciate his effort even the smallest things he's doing for me.
Halos isang oras ang byahe namin. Mangha mangha ako sa dinadaanan lalo na ng napunta kami sa syudad. Si Raj ay tahimik lang habang nilalaro ang labi gamit ang daliri.
Matataas na building at magaganda. Hindi ako nagkamali na pangarapin makapunta dito. Hindi ko alam kung sa kaliwa o sa kanan ko ibabaling ang ulo ko para lang matanaw ko lahat ng buildings na nadadaanan. Para silang art works na nasa museum na matayog na nakatayo at nagpapayabangan.
Locals here were wearing abaya's. Tapos yung iba parang normal na nasa pinas ka lang. This is an open country so we are not obliged to wear those abaya's. One of the thing here is kahit ano ang suotin mo ay wala lang sa kanila. It's normal that some are looking. Pero hindi ito katulad sa Pilinas na kung hindi ka pagpyepyestahan ng chismis ay mamanyakin ka naman at mababastos.
Marami din Pilipino sa daan so parang nasa Manila lang din ang vibe.
Bumaba kami sa isang Arabic restaurant. Tumango lang si Raj sa driver. Mangha mangha pa din ako sa nakikita. Dumaan pa kami sa mosque kung saan nagdadaos ngaun ng dasal ang ibang mga muslim.
"Paratha and Mutton Biryani." Sagot ni Raj sa waiter. Hindi naman siya gaano nag arabic dahil pilipino din naman ang nag assist sa amin.
"Why dito? Bakit hindi sa Pilipino restaurant?" Tanong ko sabay inom ng tubig. Masyado pang mainit sa labas.
Natawa ng bahagya si Raj."We are here to experience what is here. Kung Pilipino dishes pala gusto mo sana nagbaon nalang tayo ng adobo." Pumangalumbaba si Raj sa harap ko sabay taas ng kilay.
Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Naramdaman ko kasi ang pag iinit ng pisngi ko. Tapos ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Even if he has bruises on his face. I still find him so handsome and perfect.
"Bala ka jan!" Umirap nalang ako para isalba ang sarili sa kahihiyan na kinatawa niya. Nang dumating ang pagkain ay nagsimula na kami ni Raj. Pinapanuod ko siya how to eat proper with this dishes. Dalawa lang naman inorder niya pero ang daming side dishes na dumating.
Kumurot siya ng puting bread na kubos daw ang tawag and dipped into some sauces.
Ginaya ko siya. Ngumiwi ako ng bahagya kasi hindi ko gusto ang lasa. Their spices explodes to my mouth, sa dami nito ay hindi ko mapangalanan. I looked at Raj who seems enjoying the food.
Kumuha siya ng biryani rice at binuhusan ng yogurt. Kumurot din siya ng karne at mabilis na ngumuya. I did the same thing. Nang sinubo ko ang karne ay natigilan ako. Lumobo ang bibig ko at hindi ko mapigilan ibuga ito.
"Why? You don't like?" Tanong niya. Hilaw ako ngumiti at tumango. Nakakahiya! Mukhang nag eenjoy pa naman siya sa pagkain.
"We'll go Mc do later for you." He said. Umiling ako at dinampot ang cheese paratha na order niya. Nakahinga ako ng maayos beacause it's actually taste good.
"You like that?" He asked.
"Yup, it's actually delicious," sagot ko.
Lumabas kami ng Mandi's na busog na busog. Ang bigat pala sa tummy nung kinain ko.
Napatingin ako sa tren sa itaas at nagtatayugan building sa labas.
"That's Metro. You wanna try?" Tanong niya. Tumango ako at napapalakpak. Hindi ko inaakala na mararamdaman ko yung ganitong saya.
"Nasaaan pala tayo?" Tanong ko.
"Sheik Zayed Road." Sagot niya. Pumasok kami sa loob ng station ng Metro. "I'll just buy nol card for us." Sagot niya. Tumango ako sa kanya.
Tuwang tuwa ako sa loob ng metro. Medyo natatawa pa si Raj dahil nagtatakip ako ng ilong.
Madami kaming buildings na dinaanan. Dalawang station lang at bumaba kami sa Burj Khalifa / Dubai mall na station. I was so amazed to see the top of Burj Khalifa the tallest building in the world from where we stand.
"Wow," sabi ko ng makalabas kami ng metro. Nagkibit balikat si Raj at ngumiti sa akin. Para siyang tourist guide. Kabisadong kabisado niya ang lugar.
May way na connected sa metro train papunta sa mall. This is absurd! Super laki ng mall and super high end ang mga botiques.
Hindi ko mapigilan ilibot ang mata ko sa bawat botiques. Nakita ko si Raj na huminto sa isang souvenire shop. I was staring at him when he get a crystal made Burj Khalifa image. He went to the counter and paid for it.
"Here." Abot niya sa akin. Nakanganga akong inabot iyon. Hindi makapaniwala na bumili siya non which stand half of my height and cost 3500 dirhams! What the f**k?
"Bakit binili mo?" Tanong ko.
"You want it right?" Sagot niya. Tumango ako at pilit pa din pinaprocess sa utak ko yung hawak hawak ko. Sa huli I almost jump on him sa sobrang tuwa. "Thank you." I said happily.
Ngumiti si Raj at dinampot ang binili niya to carry it. "Welcome, all for you." He said. Natigilan ako ng mauna siyang maglakad. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. I don't know why he is doing this but I'm happy that he kept his promise and he is making me happy now.
Sumunod ako sa kanya. Dumaan kami sa Dubai mall aquarium na sobrang laki. Tuwang tuwa pa ako sa madaming iba't ibang isda na lumalangoy. Rajan took picture of me. Hindi ko nga alam kung ano ang itsura ko sa bawat shots.
Tumingin siya sa relo niya. "Come on," aya niya sa akin. As usual, sumunod ulit ako sa kanya. Umikot kami sa kabilang side. Nagtaka pa ako dahil napalayo kami sa mall. But nevertheless, I can see Burj khalifa standing with pride.
"Go there," turo niya sa dalawang pakpak ng anghel. Mayroon din ilan turista ang pumupwesto doon at nagpapapicture.
Nang ako na ang susunod ay pwumesto ako sa gitna. Ngiting ngiti ako habang nag popose ng ibat ibang angulo habang panay ang picture ni Raj.
"Ikaw naman!" Salita ko at patakbong pumunta sa kanya. "No way!!" Sagot niya habang umiiling at tumatawa. Ngumuso ako at pilit na inaagaw ang camera niya na pilit niyang inilalayo sa akin.
"Ang daya!" Sagot ko at sumuko na. Masyado kasing matangkad si Raj so it's easy for him na ilayo ang camera.
Naglakad ulit kami ni Raj. I find him hot holding my statue while walking. Walang kaarte arte sa katawan.
"Where's next?" Hyper na hyper pa din ako kahit wala pa kaming pahinga.
"At the top," he said. Nanlaki ang mga mata ko ng naglabas si Raj ng ticket. My heart beats eratically when we entered the Burj Khalifa. Nakangiti lang sa akin si Raj ng sumakay kami sa lift. He was looking at me the whole time. Kabang kaba ako sa bilis ng lift at nung nasa maataas na floor na kami ay halos mabingi na ako.
I can't count kung nakailan wow na ako ngaun araw. Raj, made my dream came true. Napatakit ako ng bibig pag labas namin ng lift. The floor was surrounded by glass wall. Kitang kita mo sa tuktok ang ibang nag gagandahang buildings at buong syudad.
"Come," hinila na naman ako ni Raj malapit sa glass wall. Tumingin kami sa ibaba at lalo akong namangha ng sumayaw ang fountain mula sa baba ng mall.
Parang panaginip. Kitang kita mo ang mga tao sa baba na naghintuan sa paglalakad para manuod ng dancing fountain.
Pumalakpak ako ng matapos ito. This is all amazing and for keeps in my memory. Lalo na ang realidad na kasama ko si Raj.
"Are you happy?" Tanong ni Raj. Maiyak iyak pa ako ng iba't ibang ilaw ang lumitaw sa buong building.
Kumunot ang noo ni Raj ng mapansin ang pagpipigil ko ng luha."Bakit?" He said worriedly. Hindi ko lang makayanan yung magical place with my dream guy.
"Iloveyou, Raj." Sagot ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero diretso ko itong nasabi. Napanganga si Raj sa sobrang gulat. Nang makabawi ay kumunot ang kanyang noo.
"Gotica," he said stuttering.
"I'm sorry, but it's true." Titig na titig ako sa kanya. Nag igting ang panga ni Raj at marahan pumikit. Nang dumilat siya ay nakitaan ko ng sakit ang mga mata niya.
"Don't say that," he said seriously. May kung ano sa sinabi niya na saglit nagpatigil ng mundo ko.
"Wala kabang nararamdaman sa akin? Kahit konti?"
"Stop, Gotica. The things you don't know wont hurt you." He said softly. Tila ba nahihirapan at nag iingat.
"I wanna know, Raj. Kahit masakit. Why are you doing this? Bakit pinipigilan mo ang mga nanliligaw sa akin?" I fired back almost begging. I wanna know his feelings kasi naguguluhan ako.
Nakitaan ko siya ng gulat na mabilis din nawala. He sighed heavily."Don't put meaning in everything I do. I'm doing those to protect you. Importante ka sa akin. I want you to enjoy your life."
"Bakit?" Pinipigilan ang luha ko na tumulo. Ang kaninang binuo niyang mundo ko ay bigla nalang gumuho.
"I don't know either." Huminga siya ng malalim." I told you, the things you don't know won't hurt you."
Tumango ako kahit nasasaktan. Atleast I got what I want. Wala talaga! "Tara na," ngumiti ako ng pilit sabay talikod at saka pinakawalan ang mga luha ko. My first real heartbreak.