"Good morning, class!" "Good morning, Ma'am!" Dagli kong tinapunan ng tingin si Ma'am Caticlan bago ako muling tumanaw sa labas kung saan makikita ang oval. Ngayon sa tuwing pagmamasdan ko ito ay hindi ko maiwasang isipin ang pangyayari noon. Noong masaya pa kaming nagtatawanan at naghaharutan pero ngayon? We are back to being strangers. Matapos ang pangyayari kahapon ay para lang akong tangang natutulala kung saan at kahit na anong oras. Sinira na niya nang tuluyan ang sistema ko. Ginulo na niya nang tuluyang ang nananahimik kong buhay. Bakit ba kasi walang warning ang utak natin kung kailan ito mahuhulog sa isang tao? `Yung para bang, 'Host, itong lalaki sa harapan mo, mag-ingat ka sa kaniya dahil mahuhulog ang loob mo sa kaniya. Just a warning, no pressure.' "Today, I have a

