"Wadee, Wǎan jai." (Hello, sweetheart.) Ibinaba ko ang hawak kong sketchbook at natigil ang kamay sa paggalaw nang may umistorbo sa akin. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Gulf kaya naman napatingin na lamang ako sa taas. Ang malanding nilalang. "Anong iginuguhit mo? Pwede bang makita?" naupo siya sa tabi ko at pilit na sinisilip ang ginagawa ko. Dahi wala naman akong itinatago ay ibinigay ko na ito sa kaniya. Tinitigan niya nang malapitan ang iginuguhit ko at binali-baliktad pa ito hanggang sa napakamot na lang siya. "Ano ba ito? Parang isda kasi may kaliskis na parang manok pero 'yung ulo tao?" Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya. "Tao siya na may kaliskis na parang sumisimbolo na kasing lalim ng dagat ang kaniyang pangarap at ang paa naman niya ay parang sa m

