"Miss na miss na kita, love." Napaikot na lamang ako ng mga mata sa atungal ni Gray. Sa nakalipas na isang linggo mula nang bumalik kami sa Chang Mai ay iyan lagi ang dina-drama niya sa tuwing magkatawagan kaming dalawa. Oo, kahit na nagkaaminan kaming dalawa ay itinuloy ko pa rin ang pagsama kay Lolo pabalik dito. Noong una ay gusto niya akong pigilan ngunit pinaintindi ko sa kaniya na nais ko munang samahan si Lolo at dito ko na lamang ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Naging malungkot at madamdamin ang paalaman naming magkakaibigan ngunit sa huli ay nangakong muling magkikita ulit. Mas una pa rin ang pamilya sa akin kaysa landi. "Isang linggo pa lang tayong hindi nagkikita, ugok. Oras-oras kang tumatawag para mag-face cam tayo, hindi ka pa rin masaya?" "Ang sweet mo talaga sa boy

