"Darating ang araw na maaaring hindi na ako makapagsalita pa, hindi na makakain, hindi makagalaw at hindi ka na makilala pa, apo. Kaya gusto kong sabihin sa'yo ngayon pa lang na ikaw ang kaisa-isang dahilan kung bakit ako nabubuhay pa magpahanggang ngayon. Mahal na mahal kita, Meek." "Lolo." malungkot akong napapikit nang mariin at humigpit ang yakap sa kaniya. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama ko at magkayakap. Sinusulit ang bawat oras na magkasama kami. "Ngunit gusto ko sana bago iyon mangyari ay makita muna kitang may kasama. Ayaw kitang maiwang mag-isa, apo." "Hindi namam ako mag-isa, Lo. May mga kaibigan ako." "Iba ang kaibigan sa ka-ibigan. Ano pala ang balita kay Gray, apo?" Marahan akong umiling. "Hindi siya pumayag, Lo." Nanlulumo kong sagot sa kaniya. Narinig ko siyan

