Ngayon ay lulan kami ng sasakyan niya pauwi sa dorm ko. Dahil sa tanong niya kanina ay hindi ko maiwasang maalala ang 'coming out' story ko. Labin-dalawang taong gulang lamang ako noong madiskubre at masiguro ko sa sarili ko na kakaiba ako sa ibang lalaking nagkakagusto sa mga babae. It happened before that unfortunate event. Ilang beses kon sinubok lumapit kay Lolo. Ilang beses kong sinubok siyang kausapin tungkol sa sarili ko. Tungkol sa nararamdaman ko. Gusto ko kasing makasiguro kung ano ito. Ako ba ay isang... bakla? Pero paano kung ayaw ni Lolo sa kanila? Kung bakla nga ako, paano na lang sa School? Mabu-bully na ako. Pagtatawanan ako, kukutyain, iinsultuhin. Nakikita ko sa paligid, sa mga kapitbahay, sa eskwelahan at sa telebisyon kung ano ang trato sa mga ikatlong sarian. Kay

