Kasalukuyan naman namin ngayong nilalakad ang paligid ng Rizal Park matapos naming libutin ang National Museum. Magkasabay ang aming paglalakad, may dalawang pulgado ang layo namin sa isa't-isa. Ang kaliwang paa niya ang una niyang hinahakbang at ako naman ay ang kanan. Ang mga kamay niya ay nakapamulsa habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa bag kong dala at ang isa ay malayang sumasabay sa lakad ko. Dahil dalawang oras na lang at gabi na ay marami na ang tao sa paligid. May mga magkasintahan, may isang pamilya na masayang kumakain ng mga dala nilang baon at mga batang naghahabulan. "Are you happy? Did you like it?" untag ni Gray sa ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Yep. Salamat sa'yo." may kuntentong ngiti sa labing sagot ko sa tanong niya. Hanggang ngayon a

