Pupungas-pungas akong tumayo at naghikab. Ilang oras ba akong nakatulog? Hindi ko na alam. Basta ang natatandaan ko ay pilit kong nilalabanan ang antok ko dahil may binubusog ko ang utak ko sa pagre-review para sa test na darating. I've made up my mind, makumbinsi o hindi ko man si Gray, kapag natapos ang laro ay aayain ko nang bumalik si Lolo sa Thailand. Mas gugustuhin ko pang manatili sa tabi ni Lolo at ilaan ng mga natitirang araw ni niya na kasama ako. Kahit sa maiksing panahon ay nakabisa ko na ang ugali ni Gray. Hindi siya ganoon kadaling magpatawad at makalimot. At hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kaniya. "Happy birthday, Apo!" Bahagya akong nagulat nang paglabas ko mula sa kwarto ay bumungad sa akin ang tatlong ungas at si Lolo Ethan. "Ha? Teka, paano?" inaantok at nagta

