bc

Tale of Black Wings: Lucian

book_age16+
110
FOLLOW
1K
READ
dark
twisted
mystery
like
intro-logo
Blurb

Elliot Fellin once live his life like how any people in their island does it. Until one day, he was called by beautiful yet filled with mystery sea of Halycon. On his sixteenth birthday, the magical sea finally took his life. Elliot's death is the beginning of his true faith.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ilang segundo na ring sinusundan ng mga mata ko ang pabilog na bakal ng Newton's cradle na nasa ibabaw ng lamesa ng guidance councilor. Before the sphere on the other end hits the metal ball next to it. Mr. Peligrime hold and made it still. He cleared his throat. "Your mother is on her way," pag-iimporma niya sa akin. Umayos ako ng upo sa couch, hinahanda ang sarili sa pagdating ng  paniguradong nag-uusok sa galit kong Ina. Evanessa Fellin has always been the elegant and uptight woman in town. Nawawala lang ang pagiging mahinhin nito sa tuwing napupuno siya dahil sa mga kalokohan at pakikipag-away ko. "Wala ka ba talagang sasabihin kay Uki?" napatingin ako sa kaklaseng nakaupo sa one-seater na couch, nasa dulo 'yon. Halos isang metro ang pagitan naming dalawa pero kung mag-iwas ito nang tingin at manginig. Para siyang nakakita ng demonyong handa na siyang sunduin. I shrug my shoulder and slightly shake my head. "He started it. I told you Sir. What I did is a self-defense. Kung hindi ko pinagtanggol ang sarili ko malamang po ako ang nasa posisyon niya---" sa kalagitnaan nang pagsasalita. Parang kulog sa lakas ang ingay na nangyari nang marahas na bumukas ang pinto ng guidance office. Uki's dramatic Mom rush to his side. Kulang na lang ay ikutin nito ang ulo ng anak hanggang sa mabali ang leeg kakasuri sa mga bangas na nakuha niya mula sa pakikipag-away sa akin. "You." The softness on Uki's mother eyes vanished within a blink of my eye. Like a bull enrage by the bright and triggering red. Sumugod ito sa akin, tuluyan niyang nakalimutan o 'di kaya ay ipinagsawalang bahala na lampas dalawang dekada ang pagitan naming dalawa. "What have you done to my son? You have always been this violent since you were a kid." Dinuro-duro niya ako. Hinanap ko pa sa 'king dibdib ang takot na dapat ay bumabalot at lumalalamon na sa akin pero wala. Inayos ko lamang ang kuwelyo ng uniform ko na hinila nito nang magawa nang pumagitna ni Mr. Pelegrime. "Mrs. Pareza kumalma po muna kayo. Bata lang 'yan." "Bata?" Mrs. Pareza pointed her son's face. "Halos basagin niya ang mukha ng anak ko. That boy is a psychopath in the making. Hindi dapat yan pinalalabas ng mga magulang niya. Dapat patalsikin na 'yan dito sa academy. Palibhasa kasi walang Tatay kaya hindi nadidisiplina nang maayos."  unti-unti kong naikuyom ang aking kamao. Nararamdaman ko na rin ang panginginig ng kalamnan ko at pati ang paningin ko ay parang nandidilim na. "I think you need to watch your mouth." Dumiretso sa tabi ko si Mama. Hinawakan nito ang kamay ko at pasimpleng kinalas ang pagkakakuyom non. "Ang sabi ng mga kaklase nila. Si Uki ang nagsimula. Nanahimik ang anak ko nang lapitan siya ni Uki at pinagtripan." Mrs. Pareza was caught off-guard by the information. She glance at her son. "Kahit na ba. Hindi pa rin tama ang ginawa ni Elliot kay Uki." Mr. Peligrime cleared his throat. "Mas makakabuti kung mag-uusap tayong tatlo ng wala ang dalawang bata." Mrs. Pareza crouched and whispered something to her son. Hinalikan pa nito sa noo si Uki bago niya tuluyang pinalabas sa guidance office. "Hintayin mo 'ko sa kotse," sabi naman ni Mama sabay abot sa susi ng kotse niya.  Wala pang isang minuto ang pagitan nang paglabas naming dalawa pero hindi ko na nakita si Uki sa paligid. From where I am standing, I can see the Halycon. Ang dagat na makikita ng kahit na sino sa kahit na saan. Our city is situated in an island but it's definitely thriving. Nandito ang lahat ng kailangan namin. Sa tuwing nakikita ko ang dagat na 'yon. May kung ano akong nararamdaman. Kinukumbinsi niya akong mas lumapit nang lumapit. It's calling me, telling me that the place where I belong is somewhere on its depth. Hindi sa tabi ni Mama at mas lalong hindi sa islang 'to. I heard a snap inside of my head. I shut my eyes tightly. Nang magmulat ako ay mabilis na kumalabog ang dibdib ko. I am step away from a dangerous cliff. Isang maling hakbang pa at malalaglag na ako sa baba, diretso sa dagat na siguradong ikamamatay ko. I breathe deeply and took another step back. I look around and started to wonder. "Paano ako napunta rito? Kailan ako pumunta rito? Did I climb on the safety barriers?" I whispered to myself. Tinitigan ko ang safety barrier. Matataas ang mga 'yon at halos impossible na maakyat ng mga estudyanteng katulad ko, maski nga siguro iyong mga teacher hindi makakaya. The local goverment built those barrier to prevent this from happening. Ang makapunta ang mga estudyante ng Academy malapit sa bangin. Idiniin ko ang dalawang palad sa magkabilang parte ng aking ulo. Pilit kong inalala kung paano ako napunta dahil ang malinaw lang sa memorya ko ay ang paglabas ko sa guidance office at ang pagkatulala sa Halycon. "Elliot! Elliot anong ginagawa mo riyan?" sa ikalawang pagkakataon ay para akong natauhan. Paglinggon ko sa safety barrier. Binubuksan na ng isa sa security guard ng Academy ang maliit na tarangkahan doon. Tumakbo sa akin si Mama, sa likod nito ay si Mr. Peligrime at ang ilan sa mga teacher ko. When I hug her back. I felt her fear and the shaking of her body. Lumuhod si Mama sa harap ko pagkatapos niya akong pakawalan. "A-Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinahanap. Ang sabi ko sa kotse ka lang hindi ba?" if fear is something that one could hear, her voice is a clear example of it. Inangat ni Mama ang polo ng uniform ko. Napatingin ako roon. "At bakit basang-basa ka?" I look down at myself. Basang-basang nga ako, pati ang buhok ko ay tumutulo pa. Para akong nag-swimming... I look at the sea once again. Impossible. Impossible talaga. "Elliot." Pinaharap ni Mama ang mukha ko sa kaniya. Gulong-gulo lang ako habang tinitigan siya at ang iba pang tao sa paligid naming dalawa. "Hindi ba't ganiyan ka rin dati, Evanessa? Parang tinawatag ng Halycon. Ang dami pa ngang naniwala non na baka totoo iyong Tale of Tenebrose dahil sa iyo." "Tale of Tenebrose?" binaling ni Mama ang atensyon sa akin. Inalis nito ang blazer niya at binalot 'yon sa aking katawan. "Wala lang 'yon Elliot. Let's go home, baby."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook