Chapter 1

1055 Words
Panay ang pagbisita ng mga mata ni Mama sa akin habang mabilis itong nagmamaneho galing ng Academy pauwi sa bahay. Hindi pa rin humuhupa ang takot at pag-aalala na una kong nakita nung nilapitan niya ako sa gilid ng bangin. Wala itong imik pero parang naririnig ko ang samu't saring bagay na tumatakbo sa isip niya. "Nilalamig ka ba? Sandali lang," aniya. Itinabi nito sa gilid ng kalsada iyong sasakyan. Nagmamadali nitong hinubad ang kulay itim na blazer ng corporate uniform niya. Binalot niya iyon sa pang-itaas kong katawan. Marahan nitong pinisil-pisil ang mga braso ko at sa pangalawang pagkakataon ay sinuri niya na naman ako.  "I'm fine. Why are you so scared, Ma? It's not like I jump off that cliff and fell on Halycon. Hindi na ako makakabalik ulit doon sa taas kung ganoon ang nangyari hindi ba?" Ilang beses nitong itinango ang ulo para iparating sa akin na naniniwala siya sa sinabi ko. "Hinihintay ka ng Lolo mo," pagbabago ni Mama sa pinag-uusapan namin. Lumabi ako sa kaniya at mahinang umangal. Nakakainis na ipinaalam niya pa kay Lolo iyong nangyari sa Academy. Tiyak na kagagalitan na naman ako noon at hindi niya ako titigilan hanggang sa matapos ang tatlong araw na pagri-reflect ko sa aking sarili para sa hindi magandang bagay na ginawa. Si Mrs. Pareza. Napakalakas ng loob niyang sabihin na kaya ako walang disiplina kasi wala akong kinalakihang Tatay. Mas disiplonado pa nga ako sa anak niyang iyon dahil kay Lolo. "Magmano ka na sa Lolo mo. Ngumiti ka rin para hindi na humaba pa ang sermon niya sa iyo," paalala ni Mama habang papalapit na kami sa bahay. Nasa front porch 'to hawak ang kalaykay niya. Malamang abala siya sa taniman niya sa likod nang mabalitaan niya iyong nangyari. Magmula non ay tumambay na siya riyan sa bahay at hinintay na ang pagdating namin ni Mama. "Elliot, bakit basang-basa ka?" "Hindi ko rin po alam, Lo. Hindi ko na matandaan kung bakit." "Aba't anong kalokohan iyan." Tumungo ako at handang-handa na sa sermon ni Lolo nang pumagitna si Mama. Ngayon niya lang iyon ginawa. Inutusan niya akong maligo at magbihis na muna pagkatapos ay bumaba na para mananghalian. "Evanessa, ano ba talagang nangyari riyan sa anak mo?" seryosong tanong ni Lolo kay Mama. Narinig ko ang mga iyon habang papasok ako sa loob ng bahay. Pagpasok sa kuwarto. Dinungaw ko sila sa bintana. Umiiyak si Mama. Nanginginig ang mga kamay nitong nakatakip sa mukha niya habang inaalo naman siya ni Lolo. Patuloy ang naging pag-uusap nila ni Lolo. Sinubukan kong basahin ang buka ng bibig ni Mama ngunit wala akong ibang naintindihan sa mga sinasabi nito maliban sa salitang, takot. Kanina ko pa alam na natatakot siya e. Ang tanong ay saan at bakit? Pakiramdam ko may kung anong naalala si Mama dahil sa nangyari sa akin. "Hindi ba't ganiyan ka rin dati, Evanessa? Parang tinawatag ng Halycon. Ang dami pa ngang naniwala non na baka totoo iyong Tale of Tenebrose dahil sa iyo." Naalala ko ang sinabi ng isa sa mga guro ko sa Academy. Ano ba iyong Tale of Tenebrose? Bakit minsan na silang naniwala na totoo iyon dahil kay Mama? Agad akong nagtago sa gilid nang mapatingin si Mama sa bintana ng aking kuwarto. Isinandal ko ang ulo sa pader at nanatiling nakatayo sa aking pinagtataguan. Kung hindi ko pa narinig na may lumalapit na yabag sa kuwarto. Hindi ko pa maalala na basang-basa nga pala ako at pinaliligo ni Mama. Buong maghapon naging palaisipan sa akin ang nangyari. Ginugol ko lang ang natitirang oras ng araw na 'to sa paghahanap ng librong may pamagat na Tale of Tenebrose sa internet. Wala naman akong nakita. Ang nahanap ko lang ay ang ibig sabihin ng Tenebrose. It means; gloomy or characterized by darkness or gloom. "Elliot?" Naunang tinawag ni Mama ang pangalan ko bago ito kumatok sa pinto ng kuwarto. Mariin kong pinindot ang switch ng monitor. Iyon ang pinaka-madaling paraan para hindi niya makita ang mga pinaggagawa ko sa computer. "Kakain na po?" tanong ko rito habang nakatayo sa likod ng computer. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Napupuno man ng pagdududa ang kaniyang mukha. Wala na rin itong sinabi pang kahit na ano. Tinawag niya lang ako para lumapit sa kaniya at nang magawa iyon ay inakbayan niya ako. "Dalawang araw kang suspended dahil sa ginawa mo sa anak ni Mrs. Pareza. Lunes ka pa ulit makakapasok." Magandang balita iyon para sa akin. Hindi ko kailangang gumising ng maaga para maghanda sa pagpasok. Puwede akong magpuyat at ang pinaka-importante sa lahat. Dalawang araw akong ligtas mula sa pakikinig ng lesson sa math. Hindi parusa ang ma-suspend. Kahit na sa kaloob-looban ko ay natutuwa talaga ako. Kailangan ko pa ring magpanggap na nabibigatan ako sa parusang ipinataw sa akin. Kung hindi ay malalagot ako sa kanilang dalawa, lalo na kay Lolo. "Ma, si Lolo nga pala? Umalis ba siya?" Iginala ko ang tingin. Mula sa dining area, abot ng mata ko ang sala namin pati na rin ang mismong kusina. Wala roon ang Lolo. "Nasa kamalig niya pa pero tinawag ko na iyon kaya papunta na rin iyon dito. Kumain ka na at iyong mga hugasan. Ikaw ang aasikaso non. Huwag na huwag mong kaliligtaan iyong mga kaldero." "Pati lababo kukuskusin ko pa," I said. Mama give me that look. Hindi ito naniniwala na walang kapalit ang gagawin kong iyon. Matamis ang naging ngiti ko para libangin ito. Baka sakaling makalimutan niya na may iba akong intensyon sa aking pagsisipag. "Matutulog din ako bago mag-11 pm." "Shh. Iyong lolo mo," agad nitong sinabi nang marinig namin ang ingay nang pagbukas at pagsara ng screen door. "Elliot, palagi mo iyang isusuot, a?" bili niya. Hindi pa siya nakuntento na naibigay niya na sa akin iyong kuwintas na may pendant na maliit na may vial. Binawi niya rin iyon agad mula sa mga kamay ko at siya na mismo ang nagkabit non sa aking leeg. "Lo, ano ba ito?" "Basta. Makinig ka na lang. Huwag mong aalisin iyan... para hindi ka na ulit matawag ng Halycon. Letcheng mga iyon. Hindi na talaga tayo tinantanan. Palibhasa nasa tamang edad ka na kaya---" "Papa!" Mariin na tawag ni Mama kay Lolo. "Kumain na tayo. Ikaw rin Elliot. Ubusin mo na iyang nasa plato mo. Ako na ang bahala sa mga hugasin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD