Chapter 2

1039 Words
Hawak-hawak ang vial ng kwintas na binigay sa akin ni Lolo. Lumakad ako papunta sa aking kama galing sa swivel chair sa may study table. Hindi ganoon kalaki iyong vial pero dahil hindi naman ako sanay na may nakasabit sa aking leeg. Hindi kumportable sa aking pakiramdam na suot-suot ko iyo. Tinaas ko ang mga kamay sa likuran ng aking leeg at sinubukang kapain iyong lock ng kwintas. Hindi ito mahirap kalasin ngunit bago ko pa iyon mahaklit sa aking leeg. Niluwa si Mama ng pinto. "Elliot!" Binaba ko ang mga kamay at inpit na lang iyon sa pagitan ng aking binti, "Huwag mo ngang aalisin iyan. Hindi ka na naman nakikinig. Gusto mo bang mapahamak ka?" Nangingibabaw sa boses ni Mama ang galit. Nang bumuntong-hininga na ito para ibsan ang kunf ano mang bigat sa dibdib niya ay ang siyang paglamlam ng mga mata nito. Nang tuluyan siyang pumasok sa kuwarto ay saka ko lang napansin ang unan na bitbit nito. "Umusog ka. Tatabi ako sa iyo ngayong gabi. Dito muna ako matutulog," aniya. Hindi ito humihingi ng permiso mula sa akin para magawa niya ang bagay na iyo. Pinaalam niya lang at mukhang wala akong magagawa para pigilan ito. "Dito muna ako sa kuwarto hanggang sa bumalik na ang lahat sa dati." Bago ito makahilata sa aking kama. Inunahan ko na siya. Malapad kong binuka ang aking mga braso pati na rin ang binti para wala na siyang mapuwestuha. Isang beses ngunit may puwersang tinapik ni Mama ang aking binti. "Usog na," utos nito habang nakapamewang pa. Palihim ko itong inirapan matapos kong sundin ang utos nito. Kinuha ko ang isa sa tatlong unan na parati kong gamit sa tuwing natutulog ako. Inilagay ko iyon sa gitna namin at mahigpit na binilin dito na hindi niya iyon puwedeng alisin. Ayaw ko rin na lalampas siya roon. Ang unan na iyon ang magsisilbing boarder ng mga teritoryo namin. "Elliot?" "Po?" "Hindi mo naman iiwan ang Mama di ba?" "Ha?" I rolled over just so I could see her face. Akala ko ay nakaharap sa akin si Mama pero hindi pala. Natalikod iyon at sa bintana ng kuwarto ko nakabaling ang katawan niya. "Kapag mayroong kumuha sa iyo. Huwag na huwag kang sasama. Huwag mong iiwan ang Mama." Hindi na ako nakatugon pa dahil bubuksan ko pa lang ang aking bibig ay inutusan niya na ulit ako na matulog na. After having my eyes for quite some time and trying my best to get some sleep for myself. I opened it to check on my mother. Dahan-dahan akong lumapit sa mukha nito para silipin kung tulog na ba talaga siya. She is. Alam kong hindi lang gawa-gawa ng isip ko 'to. May kakaiba talaga kay Mama ngayong araw, hindi lang sa kaniya kung hindi pati na rin kay Lolo. Kung umakto ang mga iyon parang iniiwas at iniingatan nila ako sa isang kapahamakan na alam nilang darating at darating talaga. Kung sana ay lilinawin nila sa akin kung ano ang nangyayari ay mas maganda Malayo sa itsura nito maghapon. Punong-puno ng kapayapaan ang mukha ni Mama. Mahimbing ang tulog niya habang yakap-yakap nito ang isa sa dalawang unan na dala niya galing sa sariling kuwarto. "Hindi po kita iiwan. Kahit na sinong kumuha sa akin ay hindi ako sasama," bulong ko rito. Nabato ako sa aking kinalalagyan nang gumalaw ito. Akala ko ay magigising na siya. Iyon pala ay magpapalit lang ito ng posisyon. Dahan-dahan kong hinawakan iyong unan na nilagay ko sa gitna namin ni Mama para mawalan na kaming dalawa ng harang. I end up hugging her in my sleep even though it was me who told her no hugs in the first place. "SAAN ANG PUNTA MO? Hindi ba at wala ka namang pasok dahil suspended ka?" Binagsak ko na nang maayos ang mga paa sa sahig. Tulog pa si Mama kaya akala ko makakatakas ako para pumunta sa library sa bayan. Nakalimutan ko na kahit anong aga kong magising, mas nauuna at mas nauuna sa akin si Lolo. Hinarap ko ito ng may ngiti sa aking mga labi, "Opo. Suspended ako pero kailangan ko pa rin namang gawin iyong requirements namin sa Philo. Kailangan ko pong pumunta ng library para roon." Lolo's eyes runs from my head to my toe. Parang ayaw niyang maniwala sa akin ngunit kalaunan ay pumayag din siya. Binigyan niya pa nga ako ng isang daan. Hindi ko man kailangan, kinuha ko pa rin iyon. Sila na rin naman ni Mama ang nagsabi sa akin na masamang tanggihan ang grasya. Ilang minuto bago magbukas ang pinaka-malaking library sa buong bayan ay naroon na ako sa tapat at masugid na naghihintay sa librarian. Nakapangalumbaba akong umupo sa ilang hakbang na hagdan sa tapat ng malaking istraktura ng library. "Hijo." Mabagal at halos ayaw ko pa ngang imulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang ilang ulit na marahang pagtapik sa aking braso. Nakaidlip na pala ako kakahintay sa librarian na nsa tapat ko na ngayon, hindi ko namalayan na nangyari na pala iyon "Magandang umaga po," masigla kong bati rito. Nung una ay binabalik niya ang magandang enerhiya na ibinibigay ko hanggang sa mapunta sa aking leeg ang mga mata niya. Hindi ko maipalagay kung namamalikmata lang ba ako o sadyang nakita ang pasimple nitong pag-ismid nang makita niya ang kuwintas na suot ko. "Anak ka ni Evanessa Fellin?" she asked. Slowly, I nodded my head. Hindi ko alam kung bakit niya kilala si Mama. "Ilang taon, buwan, linggo o baka nga araw lang ang bisa niyang nasa leeg mo. Alam naman nila na mangyayari ito. Pinahihirapan ka lang nila at ang mga sarili nila kakasubok na pigilan ang nakatadhana." Hindi na nadugtungan pa ang sinabi nito. Mula sa labas ay malaki nang tingnan iyong library ngunit lalo na pala mula rito sa loob. "Halika, Elliot. Ako ang magbibigay ng sagot para sa mga katanungan na naririto." Tinuro niya ang sentido ko. "Dapat makilala mo na ang tunay na ikaw bago dumating ang araw ng iyong Alate." Kumalabog ang takot sa aking dibdi. Mabilis akong nagpumiglas sa maluwag na pagkakahawak niya sa aking kamay at tumakbo palabas ng library. Hindi na rin ako nagtangka na lumingon pang muli sa aking pinanggalingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD